Loombands Ko!

40 0 1
                                    

"Hoy Kaye, akin na 'to.."-sabi ni Daniel sa akin habang inilalayo niya yung loombands ko.

"Daniel naman ehh! Ginawa yan ni Ate, baka kung hanapin niya, wala akong masabi!"-sabi ko sa kaniya.

"Basta! Akin na 'to!"-sabi niya at tumakbo papunta sa classroom nila.

Bumalik ako sa area na linilinisan namin ng nakabusangot.

"Hoy Kaye. Anyare sayo? Para kang namatayan kung makabusangot jan"-sabi ni Tina sa akin.

"Psh. Nakakainis naman kase yung crush mo! Kinuha niya yung favorite loom bracelet ko"-sabi ko kay Tina.

"♥____♥ Waaaaaah!"-sabi nito na nakatingin sa kalangitan at parang naghuhugis puso ang mga mata niya.

"Para kang tanga TINA!"-panlalait ko kay Tina.

"Whatever Kaye! Basta, wag mo lang aagawin si Daniel ah?"-sabi niya sa akin ng seryoso.

"Di ko naman siya gusto eh, maliban nalang kung gusto niya ako! Hahahaha!"-pang-aasar ko sa kanya.

Natapos na ang 30 minutes namin na paglilinis sa area, pagkatapos nun ay bumalik na kami sa classroom.

Umupo ako sa likod samantalang si Tina ay sa harapan.

Wala pa naman si Mam kaya pumunta muna ako sa tabi ni Tina para tignan kung ano ginagawa niya.

"Hoy."-sabi ko.

"Oh?"-sabi nito habang nakatingin sa sinusulat niya.

"Ano yan?"-tanong ko sa kanya.

"Sulat para kay Daniel."-sabi niya habang nagsusulat parin.

"Whaaaaaa? HAHAHAHA! Ang corny naman Tina! Hindi na yan uso ngayon!"-sabi ko sa kanya at tinawanan lang siya.

Kinuha ko yung sulat at lumabas at ibinalibag ang pintuan. Binasa ko yung sulat.

Daniel, sino ba gusto mo?

Yun ang nakasulat. Tumakbo ako papunta sa classroom nila Daniel at ibinigay.

"Kanino galing 'to?"-tanong niya sa akin habang tinitignan yung papel na nakatupi.

"Basta, basahin mo nalang."-sabi ko sabay takbo.

*-*-*-*

Pumunta kami sa Caf kasama si Keeshia at Tina.

Kumakain kami habang nagkukwentuhan at biglang tumabi si Daniel kay Tina.

"Hi Tina!"-sabi niya.

"H-hello.. ♥____♥"-ayan.. nauutal nanaman siya at naghuhugis puso nanaman ang mata niya. Hahaha.

"Hindi mo naman kailangang mag-sulat sa akin eh. Kasi ikaw gusto ko, okay? ^_____^"-sabi niya kay Tina at umalis na. Si Tina? Ayun. Namumula. Mas mapula pa sa kamatis.

"Keesh, dalhin na natin sa garden 'to para makasigaw na"-bulong ko kay Keeshia. Nagpipigil naman ng tawa 'tong si Keesh at tumungo nalang.

*-*-*-*

"WAAAAAAAAAAAH!!"-sigaw ni Tina sa garden. buti pa at walang tao kundi pahiya kami dito.

"Tama na, Tina! Kanina ka pa sumisigaw jan eh!"-sabi ni Keesh kay Tina.

Naunang naglakad si Tina at magkatabi kaming sumunod ni Keesh.

"Nakakainis talaga si Daniel! Yung loombands ko pa, nasa kanya!"-paghihimutok ko ng maalala yung si Daniel.

"kantahin mo sa kanya, "Loombands ko, loombands ko, loombands ko, akin na! Lasap na lasap, real na real, real na real, Daniel John, Loombands koooo!" At yung tono, yung dandandandalandan. Okay? Haha"-sabi ni Keesh sa akin. magaling kasi yan sa composing. Haha.

"Okay, okay. Ayan na si Daniel, sasabihin ko na"-sabi ko at lumapit kay daniel.

" Loombands ko, loombands ko, loombands ko, akin na! Lasap na lasap, real na real, real na real, Daniel John, Loombands koooo!"-kanta ko.

"HAHAHAHAHAHAHA! Ano yun Kaye?"-sabi niya na tumatawa pa. Taena talaga nito.

"LOOMBANDS KO!!"-sigaw ko.

"Bukas na!"-sabi niya at umalis. Naman kasi!

*Kinabukasan*

Siningil ko ulit si Daniel ng loombands ko. At sabi ulit niya, "Akin na nga to eh!". Paulit-ulit po siya!

Pumasok na kaming lahat at bigla nalang pumasok si Ms. Ceffie, ang adviser namin.

"Alam ko na kung sino ang nagliligawan dito."-agad na sabi niya.

"Huuuuuh?!"-reaksyon naming lahat. Anong nagliligawan? Wala naman eh.

"Kaye, Ej, at Tina. come here,"-sabi niya sa amin. Kinabahan naman ako bigla.

Si Eriella Jane, known as EJ, nadamay din.

"Sino ang nakikipagsulatan sa kabilang classroom?"-tanong niya sa amin. agad naman naming itinuro si Tina.

"Tina, kanino ka nakikipagsulatan?"-tanong ni Miss sa kanya.

"S-si Daniel po,"-sabi naman ni Tina.

"Bakit? Hindi ka naman gusto ni Daniel, pero obsess ka parin?"-tanong nito. Ansakit makapagsalita ah!

"Po?!"-Tina, halatang gulat.

"Tinanong ko siya at wala daw siyang gusto dito. Let's stop this nonsense conversation"-seryoso na sabi ni Miss.

Umupo na kaming tatlo. Si Tina, naiiyak na.

Pumunta si Miss sa harap.

"From now on, wala nang makikipag-usap sa kabilang section kung gusto niyong makatapos."-sabi ni Miss at naglecture na siya.

Pagkatapos nun, natakot na ako. Baka sabihin pa nila kay Ate, mahirap na. Hindi ko na pinapansin si Daniel simula nun. Pero nakikipagkaibigan parin siya sa amin.

*-*-*-*-*-*

A/N: Alam kong bitin pero ibang plot nanaman kasi sa katuloy eh! Sorry! Thanks for reading! Siguro, ang magiging title ng katuloy is 'Summer (Book 2 of Loombands Ko!)' Sige, babye! Read my other story!! Thanks! :) Your awesome!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 27, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Loombands Ko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon