'Its not the future you're afraid of. It's the fear of the past repeating itself that haunts you.'
-T.W.W=======
"Hindi po namin maramdaman ang presenya ng orb sa Dreak Forest your grace" balita ni Rhea kay Darkia na bad mood.
"Ano?! Imposible! kung gayon nga saan naman pwede iyon itago?!" sigaw ni Darkia. Napangiwi si Rhea sa pagsigaw sakanya ni Darkia.
"Hindi po namin alam" mahinang sabi ni Rhea pero dinig na dinig ni Darkia.
"Ahhhhhhhhhhhhhh!!!!" nangigigil na sigaw ni Darkia.
"Kung gayon suyudin niyo ang buong dimensyong ito huwag na huwag kayong babalik na hindi dala ang orb!!" utos ni Darkia.
"Masusunod po" sabi ni Rhea at nagbow tsaka lumabas.
'Wala akong ibang sisisihin kundi si Mystia!' galit na asik ni Darkia sa kanyang isipan.
"MYSTIA!!!!!!!!!!"
*
"Nakahanda naba ang lahat Venta?" tanong ni Aquo sa kapwa being.
"Handa na ang hindi pa handa ay tayo" sabi nito.
"Hindi ko talaga inaasahang kakausapin natin ang mga lider ng Distrito sa Magicea matapos ang naganap matagal na" sabi ni Solum.
"Pareho-pareho lang tayo hindi makapaniwala pero dapat na tayo kumilos" sabi ni Ignis at tumango ang kanyang mga kasamahan sa pagsang-ayon.
Pumasok na sila sa kani-kanilang portals at napadpad sa harap ni Council ng kanya-kanyang Distrito.
*
Nagulat ang konseho ng Northern District sa biglang paglitaw ni Aquo.
Lumuhod kaagad sila bilang pagbibigay pugay."Magsitayo kayo, naparito ako dahil sa utos ng mahal na Diyosang si Mystia. Malapit na ang katapusan ng dimensyong ito, nais niyang tipunin niyo lahat ng mga yaman pagkain, tubig, at pasensya" sabi ni Aquo.
"Kailan ho iyon magaganap?" tanong ni Leader Rufius.
"Hindi nagbigay ng tiyak na panahon si Goddess pero nararamdaman niya na malapit na ito maganap" sabi ni Aquo.
"Agad namin itong pag-uusapan, maraming salamat sa babalang ibinigay niyo" sabi ni Leader Rufius kay Aquo.
Tumango si Aquo at biglang naglaho. Ganoon din ang naganap sa iba pang mga distrito pero hindi nula ito ipinalam sa mga taong bayan upang hindi magkagulo kung sakaling malaman nila ang mga mangyayari.
*
Nang hapong iyon ay pagod na umuwi si Kyla dulot ng biglaang pag-ensayo ni Destiny sakanya.
Kanina pa siya tulala habang ang kanyang mga kaibigan ay busy sa kani-kanilang pag-uusap.
Napagpasyahan niyang manatili sa kwarto at magbasa ng libro.
'Ang ikatlong dimensyon ay ang Flareia. Ang Flareia ang pinamumunuan ng isang Hari na nakatira sa nag-iisang kaharian sa dimensyon.
BINABASA MO ANG
MAGICEA: Destiny Starts#PHTimes2019
FantasyImpressive Rank Achieved: 188 in academy -(5/11/18) Impressive Rank Achieved-673 out of 971 stories in academy (1/11/19) Impressive rank achieved : 92 out of 238 stories in new Magicea. A world with purpose A world hidden from Fate A world full of...