Talia POV.Sa likod ako ng gym dumaan para di ako mapansin ng ibang tao marami pa naman tsismosa kong ano nakikita kung ano na iniisip. Nasa building na ko ng library, inayos ko muna sarili ko bago maglakad.
"Sa'n ka galing?" Parang hihiwalay Ang kaluluwa ko sa gulat sa taong nagsalita mula sa likod. Nilingon ko naman ito na may ngiti sa labi.
"S-sa library" palusot ko kahit di naman ako nanggaling talaga do'n.
"Galing ako kanina do'n pero wala ka" seryuso na naman siya. Kaya di ko maiwasang kabahan.
"B-baka naman di mo lang ako napansin nasa may dulo ako nakaupo." para akong matatae sa piking ngiti pinakawalan ko. Hindi pa naman ako sanay magsinungaling sa harap niya. Sana naman di niya mahalata.
"Bakit 'di ka pumasok?" Ang dami naman tanong ng lalake 'to.
"Kasi nga nakatulog ako sa library at 'di kona napansin ang oras, ngayon lang ako nagising."
"Bakit do'n sa parkinglot bigla ka umalis?" I smirk.
"Medyo nagtatampo kasi ako sayo, kasi naman bigla ka nagkakaganyan. Ang higpit² mo sa'kin. Ang weird ng mga kinikilos mo tapos 'di ko naman alam kung ano ang dahilan." Sad face.
Napabuntong hininga naman siya.
"This is for your own good. Talia""I know, pero kung sasabihin mo sa'kin ang dahilan, maiintindihan naman kita" Napailing naman siya.
"Hindi pwede at ayoko pag-usapan. Ang gusto ko lang sundin mo ang sinasabi ko" nakagat ko ibaba labi dahil bago lang kami nag kita ni Clark.
Alam ko may dahilan sa likod na mga kinikilos niya gusto ko man alamin hindi nalang dahil gusto ko siya ang magsabi sa'kin.
Pero bakit pakiramdam ko matagal na sila magkakilala. Bakit pakiramdam ko may galit itong si Nathan Kay Clark.
"Nathan may girlfriend kaba?" Pariho kami napalingon Kay Myka sa tanong niya yon. Ito naman si Nathan syempre nagulat. Grabi naman 'tong myka na'to 'di man lang nahiya.
"Ahh well hehe--" 'di niya pinatapos at sumingit siya pero 'di ko inasahan ang sunod niya sinabi.
"Ligawan mo naman ako, matagal na kita crush simula ng lumipat ako dito."
Pariho kami nabilaukan ni Nathan. Kumakain kasi kami. Nandito kami sa sport field tumambay habang kumakain maganda kasi hindi na masyado mainit hapon na kasi. Wala rin naman kami klase. back the topic. Kung ano-ano sinasabi ng babaeng 'to. Ako ang nahihiya sa ginagawa niya."Huh?!" Yan nalang nasabi ni Nathan.
Grabi ang awkward."Wala ka naman gustong babae diba?"
Is she confess her feelings? at sa harap ko pa. Ang awkward siguro Kay Nathan 'to."A-aalis muna ako hehe para naman makapag usap kayo ng maayos" tinawag pa 'ko ni Nathan pero 'di ko pinansin.
Ayoko mag tagal do'n, mababaliw ako sa babaeng yon. Bakit ko ba kinaibigan yon.Napadpad ako dito sa music room narinig ko naman may tumugtog sumilip ako sa nakabukas na pinto at do'n ko nakita kung sino. Naramdaman niya siguro may nakatingin sa kanya kaya napatingin siya sa gawi ko. Nataranta naman ako at bumukas yong pinto kaya sa lupa ang bagsak ko. Nakita ko naman papalapit siya sa gawi ko, niyuko ko nalang ang ulo. Another kakahiyan na naman.
"Ano ginagawa mo?"
"Huh?! Napadaan lang ako dito" tumayo na'ko dahil ayuko madagdagan ang kakahiyang naramdaman ko ngayon.
"Napadaan? O sinusundan mo talaga ako?" Nakangiti nakakaloko.
Assuming din pala ang lalakeng 'to."Asa ka naman!"
"Sabagay sa subrang gwapo ko kahit Sino babae mahuhumaling sa'kin"
Proud niya pa sabi. May pagka hangin pala 'to. Bakit ko ba palagi nakikita ang lalakeng 'to. Nagsisisi tuloy ako pumunta ako dito. Inirapan ko lang siya bago umalis narinig ko naman tumawa siya.
Kanina lang ang concern niya tapos ngayon nang.aasar.Bumalik ako sa field pero wala ako nakita Nathan at Myka. Iniwan ba nila ako? Kinuha ko ang cp ko para tawagan si Nathan pero may text niya.
Babalikan kita jan. May pinuntahan lang kami ni Myka. Hintayin moko.
Kaya naman pala. Ang bilis ah nag date agad.
Pumunta muna ko girlsroom.Makulimlim na ang kalangitan pero Wala pa Nathan na dumating. Nandito ako sa parkinglot naghihintay Ang dilim pa naman dito. Sana talaga nag dala na ko ng sasakyan eh. Saan ba sila pumunta.
Tinawagan ko si Nathan pero 'di sumasagot. Napatingin ako sa relo
6:30 na wala pa rin.Patingin tingin ako sa paligid nagbakasali may taxi dadaan ngunit wala. hanggang sa nadako ang tingin ko sa lalaki naka sandal sa isang poste na 'di kalayuan sa'kin naka suot siyang hood na itim habang naka tutok sa'kin. Bigla humangin kasabay no'n tumayo ang mga balahibo ko.
Napaatras ako at tumakbo papasok ng school. Takbo lang ng takbo hanggang sa may mabangga ako. Tiningnan ko siya naghahabol hininga.
"Hoy, ayos kalang?" Hindi ko alam pero nakita ko ang pag.alala sa kanya. Nanginginig ang kamay at nanlalamig ang nararamdaman ko ngayon.
"Eh k-kasi may nakita akong isang lalaki nakaitim nakakatakot yong awra niya kasi nakatutok siya sa'kin natakot ako kaya tumakbo ako"
Di ko alam bakit ko sinasabi sa kanya 'to, basta naramdaman kolang.
Napahigpit naman yong hawak niya sa balikat ko."Tingnan niyo nga kung nanjan pa!" Sabi niya sa dalawa, 'di ko manlang napansin na mag kasama pala sila.
Naging seryuso ang mga mukha nila."Ayos kalang ba?" Tinitigan niya ko ng mabuti. Di ko alam bigla nalang tumulo mga luha ko, siguro sa tuwa dahil alam ko safe na ako.
Safe na'ko sa piling ni Clark.
End.
Chapter Six.
YOU ARE READING
My Mr. Playboy Secret (Complete)
AksiyonDalawang taong nagkalapit ng hindi inaasahan ang Mr. Playboy at Ang babaeng transferee. Paano kaya kung malaman ni girl na ang isang Playboy ay may malaking sekrito. Abangan...