Date

243 9 1
                                    


JB's POV

Nakaraan pa ako ganito hinahanap - hanap ko si Scarlet, ano bang meron sa babaeng yun bakit apektado ako sa pag alis niya sa kumpanya. Ilang linggo ko narin siya hindi nakikita, naisipan kong mag relax muna kahit papaano dahil baka ma stress ako at magka wrinkles pa ako masayang pa tong mala anghel kong mukha. Pumunta ako sa cafe na lagi kong pinupuntahan balak ko sanang dun mag relax, pumasok ako sa loob at agad namang may nag assist saaking babae hindi kona tinignan dala rin siguro nang mga iniisip ko kaya wala ako sa mood. Ayoko sa maingay kaya nag request ako sa V.I.P Room at dinala niya nga ako doon, agad niya akong tinanong kung anong gusto ko pero sa unang pagkakataon hindi ako naka sagot dahil busy ung utak ko kung saan ko maaaring makita si Scarlet pero nang tignan ko ang waiter na babae nanlaki ung mga mata ko.

Napalitan ung lungkot ko nang saya nang makita ko si Scarlet, hindi ko maipaliwanang ung saya dahil sa nakikita at nakakausap ko siya parang ang saya saya ko kahit wala namang kahalagahan ung pinag uusapan namin. Kinausap ko ung may ari ng cafe na si Tita Esmeralda na tita naman pala ni Scarlet. Humingi ako nang pahintulot na kung maaari bang hiramin si Scarlet sa mga oras na yon, sinamantala ko ung bawat oras na yon dahil bihira lang mangyari ung mga bagay na to. humaba ng humaba ung pag uusap namin, dumating din sa punto na nagka hamunan kami sasaksakin niya ng tinidor ang mata ko pero hindi ako nang patalo, ako pa ba dakilang manyak sa lahat ng manyak hahahaha syempre umisip ako nang paraan na wala siyang kawala. Ikikiss ko siya pag hindi niya nagawa ung hamon niya, syempre matic na ako ang nag wagi at nahalikan ko nga siya. jhahaha ako pa ba papatalo aba hindi pwede.

Hinabol ko si Scarlet pero hindi kona siya naabutan dahil pumasok siya sa staff room so hindi ako pwede.

May nakita akong babae kaya ginamitan ko nang special moves.

"Miss pwede bang humingi nang favor kahit isa lang ?" kinindatan ko sabay akbay sa balikat, alam ko kasing mamamatay ung kaluluwa neto sa kilig kapag ginawa ko yun wala kaya nakakaligtas sa moves kong yun.

"Ahhh, oshige anebe yen? anebe yeng favor mo?" pa cute na sagot saakin ng babae habang nag be-beautiful eyes.

"Madali lang naman, tawagin mo lang si Scarlet sabihin mo tawag siya ng best friend niya nag iintay sa labas entrance, sabihin mo si Lanie." pa cute kong sabi sakanya sabay kindat,ginamit ko ung macho kong boses para mas lalong mawala sa wisyo. hahahah ganyan ao ka gwapo kahit sinong babae yumuyuko, si Scarlet lang talaga hindi pero gagawin ko ang lahat.

"Ahh oshige tetewegen ke leng se Scarlet,weyt mo me ahh este kami."malanding sagot nang babae, mukhang tinamaan nga hata ng mala kupido kong moved, iba talaga tama ko sa mga babae siguradong sungkit pati loob-looban.

Pumunta ako nang entrance at inabangan ko si Scarlet, ilang minuto pa nakita ko nang lumabas si Scarlet at mukhang hinahanap niya nga si lanie so niready ko ung sasakyan ko tapos sumitsit ako.

"Psst, bessy."nag boses babae ako, agad namang lumingon si Scarlet sa lugar kung saan ako nag tatag.

Lumakad siya papalapit, nang malapi na ito saakin bigla ko siyang hinatak at tinakpan ko yung bibig niya, mabilis ko siyang isinakay sa sasakyan ko at agad ko itong pinaandar para wala na siyang takas.

"Ano ba, saan mo ako dadalhin? ihinto mmo ito may trabaho pa akong dapat asikasuhin. Please stop the car." galit na sigaw niya saakin habang nakakapit sa upuan. Syempre ako chill lang wala naman siyang magagawa mag mumukha lang siyang tanga kung mag sasalita siya nang mag sasalita.

"Secret, basta manahimik ka nalang diyan. Gusto ko lang ma enjoy yung araw na ito kasama ka, bihira lang to mangyari kasi sulitin na natin, bakit ayaw mo ba?" pa cute kong tanong sakanya habang nakatingin sa mga mata niyang naka tingin din saakin.

Ang Nabuntis kong PangitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon