~•Ariela's Point of View•~
"Good morning everyone! Ganda ko right? Mas maganda pa ako sa umaga."
Napatingin sa akin ang lahat ng tao dito sa loob ng bahay at napatigil sa kanya kanya nilang ginagawa. Ngumingisi-ngisi pa ako at finiflip ang hair kong napakaganda habang nakatingin sa kanila.
Tumikhim si mama na syang nagpabalik sa kanilang mga diwa at itinuloy na muli ang kanya kanya nilang ginagawa.
"Good morning din, Ariela. Halika na at kumain na tayo." Sabi nito.
Napasimangot ako nang hindi man lang nila pinansin ang beauty ko at hindi man lang sila sumang-ayon sa sinabi ko.
Mga epal talaga! Kaasar!
Umupo na ako sa dining table at nagsimula ng kumain.
"Bilisan mong kumain Ariela may pupuntahan pa tayo."
"Tayo lang bang dalawa, Ma?"
"Aba'y gusto mo isama mo na pati mga kapitbahay natin." Iniripan ko ito. Napaka pilosopo talaga. Nagmana sa kanyang ina.
"Whatever. Basta maganda ako."
Itinuon ko na sa pagkain ang atensyon ko at tinuloy ko na ulit ang kinakain ko.
***
Nandito na kami ni mama sa mall kung saan ito ang tinutukoy nya kanina na pupuntahan namin.
Psh! Akala ko mag window shopping kami yun pala hindi!
Nandito kami ngayon sa mall dahil magkikita sila ng kumare nya at maglilibot daw sila. Pag-uusapan ata nila ang tungkol sa love life nila---charot. Pag-uusapan nila ang business nilang magkumare at ewan ko kung ano yun. Bukod sa flower shop na business namin ay may iba na naman pala kami nyang business.
"Ma, punta lang ako sa comfort room. Mag aayos lang ako." Paalam ko rito habang naglalakad kami.
"Bakit kailangan mo pang mag ayos? Kahit naman anong gawin mong pag aayos jan sa mukha mo hindi na maaayos at magbabago iyan." Pagsusungit nito sakin.
Ang harsh nya, no? Parang hindi ko sya nanay kung laitin at pilosopohin ako e. Grabehan lang!
"Kahit ano pang sabihin nyo, MAGANDA ako!"
Inirapan ko na lamang ito at umalis na.
"Bilisan mo Ariela, ha?!" Pahabol na sigaw pa nito. Ewan ko sa inyo. Bahala kayo!
Nang makapunta na ako sa loob ng cr ay tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Bakit ba nila ako hinuhusgahan? Porke ba marami akong pimples sa mukha at medyo kulot ang buhok ko at pango rin ako e dapat na nila akong husgahan? Ang ganda ganda ko nga e. Natural beauty kaya ito. Hindi gaya ng iba na gumagamit ng kung ano anong facial wash sa mukha, nagpapaputi at nagpapaganda pa hindi naman sila gumaganda.
Basta ako, inside and outside maganda ako. At proud ako sa sarili ko. O ano? Sasabihin nyo na naman feelingera ako? Wala kayong pake! K?
Nag aayos ako ng mukha nang may biglang pumasok na isang babae dito sa loob ng cr at diring diri ito na nakatingin ngayon sa akin. Pinameywangan ko ito.
"Anong tinitingin tingin mo?" Mataray na sabi ko rito.
Tinignan nya ako simula baba hanggang sa itaas na parang sinusuri nya ang buong pagkatao ko or should I say ang kagandahan ko.
Ngumisi ngisi pa ito sakin.
"Napakamalas nga naman ng araw ko. Problemado na nga ako sa bahay tapos nakakita pa ako ng pangit ngayon. Myghad!" Umiling iling ito habang sinasabi iyan at iniirapan ako nito.
Ang kapal ng mukha! Sinabihan akong PANGIT DAW AKO? Grrrr!!!
Lulusubin ko na sana ito kaso pinakalma ko ang sarili ko dahil naalala ko na ang tunay na maganda tulad ko, hindi basta basta gumogora. Kailangan mo munang kumalma at ngumiti ng pilit kahit na g na g kana.
Umayos ako ng pagkakatayo at lumapit ng konti sakanya at saka tinaasan sya ng kilay.
"Well, well, well. For your information gurl, Maganda ako. At Dyosa ako." Sabi ko rito at bumulong sakanyang tenga. "Kaya wag mo na ulit sasabihin yun. K? Dahil hindi ako Pangit." Ngumisi ako rito at lumayo na sakanya mamaya mahawaan pa ako ng germs nya. Yakkk!
"At sino ka naman para sundin ko ang sinabi mo, ha?!" Pasigaw na sabi nito na halatang badtrip at naiirita na. Yan ang gusto ko, magalit ka.
Tinatanong nya kung sino ako? Fine magpapakilala ako. Madali naman akong kausap.
"Ako lang naman si Ariela. Half feelingera and half dyosa. So now you know me." Malambing na sabi ko.
"Kaya kung hindi ka maganda tulad ko, manahimik ka!" Sigaw ko. Naririndi na talaga ako sa boses nyang parang patong hindi mo mawari.
"At pwede ba, umalis ka sa daanan ko kung ayaw mong makalaban mo ako!"
Lumapit ako muli rito at bumulong sa kanyang tengang nangangamoy luga. Kadiri talaga. Psh.
"Ayaw ko sa mga taong hindi sumusunod sakin at hindi ako sinusuportahan. Kaya kapag nagkita tayo ulit, humanda ka sakin. I am Ariela Feelingera. Your worst nightmare, bitch!"
Kinindatan ko ito at dahan dahang pinakita ang ID ko na may nakasulat na "Ariela Monzana". Namutla naman ito nang makita ang buong pangalan ko at parang biglang natakot. Naka-nga-nga itong humarap sa akin.
Natatawa ako sakanya pero hindi ko ginawa. Bagkus ngumisi lang ako rito at dahan dahan ng umalis ngunit binunggo ko ito at nagsalita pa ako bago ako tuluyang umalis sa mabahong cr na iyon.
"Tandaan mo, maganda ako! K?"
- - -
Dedicated this chapter to you: MikaLukaluka
Ps: Hello sa mga anak anakan ko na nagbabasa nito. Salamat sa support ninyo. I love you all. <3

BINABASA MO ANG
ARIELA FEELINGERA
HumorOnce upon a time---oops! Hindi ako madrama, feelingera ako kaya manahimik ka! K? By the way, I am your new pantasya ng bayan, at dyosa ng sambayanan. The one and only... ARIELA FEELINGERA!!! ©ALL RIGHTS RESERVED. COPYRIGHT 2018. (Read at your own r...