Namimiss Kita pero Wala Akong Magawa..

664 8 5
                                    

Ang sarap sa feeling nung araw araw mong nakakasama yung taong gusto mo.

Ang sarap sa feeling na lagi ka nyang kinakausap.

Kulitan dito, kulitan doon, kulitan ebriwer.

Yung ayaw mo nang matapos yung gabi. Ayaw mo nang matulog kasi gusto mo pa syang kausap. At gusto mong mag umaga na agad para makausap mo sya ulit.

Yung pagkagising mo pa lang cell phone na kaagad yung hinahanap mo. Kahit mukha kang sabog, wala kang pake. Basta ma open mo lang yung facebook mo o kaya yung messages mo ma check lang kung may message ba sayo o kaya may bago ba syang status.

Kaso ang mahirap yung bigla nalang syang mawawala na parang bula. Ni "ha" ni "ho" wala kang natanggap. Kahit yung isang blankong message, wala.

Ang hirap nung di mo alam kung nasaan sya o ano bang ginagawa nya. Kung may sakit ba sya o kaya nagdodota lang sa may kanto.

Ang hirap nung sinanay ka nya na araw araw kayong magkausap. Yung nasanay ka na lagi syang nandyan sa tabi mo.

Nakakainis yung ang dami dami nang pumapasok sa isip mo. Ang daming "what ifs" . What if kung naka off chat ka lang sa kanya at may iba na syang pinagkakaabalahan. What if kung may iba na syang pinaglalaanan ng panahon nya. Na dati ikaw lang ang pinagkakaaksayahan nya ng oras nya ngayin 'di na. Yung mga ganun. At sa sobrang daming "What ifs" na pumapasok sa isip mo ay halos kainin ka nito.  

Yung na mimiss mo sya agad. Minu-minuto mo syang hinahanap.

Paano, sinanay ka nya na lagi syang nandyan. 

Kung minsan, alam mo nga yung number nya kaso di mo naman sya ma text. Yung na tetempt ka nang mag send ng maala novela na message sa fb nya.

Kaso di mo talaga magawa. Bakit?

Kasi ayaw mong isipin nya na clingy ka. Ayaw mong isipin nya na sinasakal mo sya. Ayaw mong isipin nya na naggengelam ka sa buhay nya.

Araw araw mong tinitignan yung profile nya kung may status ba sya o kung nagbukas na ba sya.

Yung wala kang magawa kundi ma miss lang sya. Yun at yun lang yung nagagawa mo.

Yung kahit anong pilit mong alisin sya sa isip mo di mo magawa.

Sinubukan mo nang makipag usap sa ibang tao kaso every time na kausap mo sila may kulang. Parang bitin. 

Kasi di sya yung kausap mo.

Lagi mong hinahanap sa mga kausap mo yung kakulitan nya kaso di  mo mahanap eh. Wala dun. Kung baga sa adobo, sya yung toyo. 

Minsan naiisip mo bakit ka ba kasi nya sinanay na lagi mo syang kausap. Bakit ka nagiging dependent sa kanya. At ngayong di sya nagpaparamdam ikaw ngayon ang nahihirapan samantalang sya, wala lang. Normal lang. Na kahit di ka nya makausap buo pa din ang araw nya. 

Para kang patatas sa adobo nya. Kahit wala ka masasabi mo pa ding adobo yun. Makakain mo pa din yun.

Wala eh. Ganun talaga. Na kahit miss na miss mo na sya, wala kang magawa.

----

This was two or three years ago, I think? Nakatambak lang sa drafts. So yeah, thanks for giving this a shot! :)

Namimiss Kita pero Wala Akong Magawa..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon