chapter 1

17 0 0
                                    

"Nais magkaroon ni Monalisa ng kilay"

Nang unang panahon sa panahon kung saan ang oras ang nagdidikta himala. Sa bansa ng Italya sa lungsod ng Dephraify. Mayroong isang babaeng isinilang ang may manipis na  kilay siya ay si Monalisa. Kagilagilalas ang kanyang pagiging mahirap halos kainin niya na ang mga damo sa paligid sa sobrang hirap niya.

Bagamat bob* siya sa Math nagaral siya ng mabuti upang makapagtapos. Natapos niya ang pagaaral, ngunit isa man sa mga inaral niya wala siyang naalala.

Isang araw habang naglalakad siya sa hallway ng pamantasan ng Kaalaaman sa Sining at Mahika nakita niya ang isang guro na siyempre nagtuturo sa isang classroom.

Naramdaman ni Monalisa na dapat may malaman siya hindi niya alam kung ano, pero sinusunod niya ang dinig ng puso niya. Kaya pinakinggan niya ang itinuturo ng isang guro at yon ay si Ginoong Leonardo Da Vinci. Narinig ni Monalisa na upang magkaroon ng kilay kinakailangan na  hanapin... Umalis si Monalisa sa isip isip niya bakit niya kinakailangan ng kilay gayung may kilay naman siya kahit kasing nipis na ito ng sinulid.

Nagtungo si Mona sa silid ng karunungan upang maghanap ng makukupit na libro. Kumukupit ng libro si Mona at pagkatapos niya itong basahin ay agad niyang ibinabalik. Sa silid ng kaalaman mayroong demonyitang guro ang nagbabantay, siya ay si Ms.Vodka ang mga mata nito'y nagaapoy at ang kutis nito ay parang sa dragon, ngunit mayroon siyang kakayahang magiba ng anyo kaya hindi na madalas makita ang ang tunay nawangis nito. Ayaw na ayaw ni Ms.Vodka ang mga istudyanteng maiingay, nagaaway at gumagawa ng anumang karumaldumal na gawain sa paaralan. Ginawang punong tagapagbantay at Guro sa larangan ng disiplina si Ms. Vodka ng paaralan. Kaya madalas siyang kinakatakutan ng mga tao lalong lalo na si Mona. Upang makapasok sa silid kaalaman kinakailangang magbigay ng kakaibang bagay. Buti nalamang ay marami nun si Mona kaya nakakalabas-pasok siya sa silid kaalama di tulad ng iba na hanggang silip na lang.

Habang naghahanap si Mona ng libron sisikwatin mayroong librong nahulog sa ulo niya. Isang libro na nababalot ng ginto at pinalamutian ng mga hiyas. Nahilo nun si Mona pero tinangka niyang buksan ang libro sa kasamaang palad nakalock ito ng mahigpit kaya di na niya nabuksan, ngunit inuwi niya ito.

"Ano kaya tung libro na to?"
Tanong ni Mona habang nagiisip kung paano niya mabubuksan ang libro. Umalis si Mona upang humanap ng kasangkapan upang magawang buksan ang libro at sa pagalis ni Mona may itim na kapangyarihan ang bumalot sa libro. At mula sa libro lumabas ang isang babaeng nakadilaw.

"Whahaahh..sa wakas !!!whaahahha!!"

Paguwi ni Mona nakita niyang sarado parin ang libro kaya iniwan niya na lang ito pansamantala. Ngunit ang babaeng nakadilaw na kasuotan ay patuloy na minamasidan si Mona at nangingialam pa ng mga kagamitan sa bahay nito.

"Anung klaseng tirahan ito!parang kulungan ng baboy!nakakadiri, nakakasuka, nakakasulasok! At ewwww!!" sambit ng babaeng nakadilaw.

Kinagabihan at  natulog na si Mona at napanaginipan niya na magkakaroon siya ng malaking suliranin.

The Wonderful Adventure of MonalisaWhere stories live. Discover now