#Chapter 7: Who's that guy?

210 6 9
                                    

*Essie’s P.O.V.*

Kanina pang tapos yung party. Tulog na yung dalawang bata, pero kami hindi makatulog.  Kaya naisipan na lang naming tumambay dito sa veranda ng kwarto ko.

“Kanina ka pa nakangisi jan. Nababaliw ka na ba? “ Tanong ko kay Kiel. Kanina ko pa kasing napapansin na ngisi siya ng ngisi eh. Mukhang tuwang tuwa sa mga nangyayare.

“Nababaliw sayo? Oo. Matagal na kaya. “ tapos nginitian niya ko ng bonggang bonga. Hinampas ko nga sa braso. Napaaray siya. Pero hindi ko tinigilan.

“A-aray! Oy, tama na. Masakit ha. Pag di ka tumigil hahalikan kita. Sige hampas pa. “ Natakot ako, Kunwari. Sus. Lumang style na yun ng pananakot. Kaya  nung ngumisi siya at nagsalita ulit.

“Takot ka pala sa halik ko, “ tapos ngumisi ulit. Pero  nginisian ko lang din siya. Anong akala niya? Siya lang ang pwedeng ngumisi dito? Ofcourse not.

Lumapit ako sa kanya. Nakangisi lang siya. Unti unti kong nilapit ang mukha ko sa kanya. Kumunot yung noo niya. Mouhahaha.

“Essie. Tigilan mo yan. Hindi ka nakakatuwa. “ Haha. Ayaw na ayaw niya talagang nakikitang nakaevil smile ako. Hahaha.

“Ang laki ng takot niyan sayo Essie. Ano ba kasing kinakatakutan niya kapag lalapit ka sa kanya ng nakaevil smile? “ Takang tanong ni Sapphire.

“Mouhaha. Secret. “ Ayaw ko ngang ipagkalat yung ginawa ko sa kanya nung isang araw. Nagawa ko lang naman yun sa sobrang inis sa kanya. Asarin daw ba ako ng asarin, edi ayun. Hahaha.

Kakaisip ko sa ginawa ko, hindi ko napansin na pumasok sa loob si Sapphire, may kukunin siguro. Napansin kong kanina pang may nginingisian si Clyde at Kiel sa taas. Lilingunin ko sana yun ng bigla akong hilahin ni Kiel, at niyakap. Eh? Nababaliw nanaman ba to? At talagang balak niyang magdrama sa harap ni Clyde. Aba hindi na talaga siya nahiya. Tsk.

“Wag mo muna kong iiwan ha? “ nanigas ako sa sinabi niya. Bakit parang double meaning? Bakit parang feeling ko, kung lumingon ako kanina may tendency na iwan ko nga siya. Tsk. Hindi ako nakaimik pero hinalikan niya yung ulo ko. Tapos inalis niya yung pagkakayakap niya sakin at pumasok na sa loob. Lumingon ako sa isa pang veranda, asa 5th floor yun. Wala namang tao. Nababaliw na talaga sila. Tsk.

Papasok na den sana ako ng may marinig ako isang pamilyar na boses,

“Babalik ako Essie. Please sana ako pa din ang laman ng puso mo. Kasi hanggang ngayon ikaw pa rin. “ Lumingon ako sa paligid pero wala namang tao. Tsk. Pati ako nahahawa sa kabaliwan nila. Tsk. Nakakarinig tuloy ako ng mga salitang galing sa boses niya. na impossible namang galing sa kanya. Tsk. I think I need to rest.

Remember MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon