part 4

0 0 0
                                    

Ala-sais na ng hapon akala ko ay susunduin ako ni Caiden tulad ng sabi niya sa text. Pero, wala pa rin siya. And besides, I can't decide what should I wear.

Mag lingerie kaya ako? Syempre joke lang. Kahit naman siguro mag suot ako ng ganun ay hindi ako papansinin ni Caiden. Hays.

Nag baon na lang ako ng uniform kong pang-nurse. I am a nurse... kapag bore lang ako ay saka ako nag aasikaso sa cafe ko.

Isa pa, may schedule ako bukas sa ospital.

Dali-dali akong lumabas ng bahay ng makarinig ako ng busina. It should be Caiden. Omyghad! He's here.

"Hi, baby." I said energetically and kissed him on his cheeks.

Agad naman niya itong pinunasan. Arte talaga!

"Let's go." He said coldly. Nakangiti lang ako habang pinagbubuksan niya ako ng pinto ng kotse.

"Kamusta na si Bianca?" I asked.

"Pinainom ko na siya ng gamot. Kailangan na lang niya ng magbabantay. Hindi ako pwede may schedule ako sa surgeory ngayon." Sabi niya.

What? Kaya naman pala. Akala ko makakatabi ko na siya.

Joke lang.

Doctor siya. A surgeon. Pareho lamang kami ng hospital na pinag tatrabauhan. It's not what you think na kaya lang ako nagnurse is because of him.

No! It was my dream since I was a kid. Mahilig din kasi ako mag-alaga ng bata.

"Ah. I see." Sabi ko na lang. Tahimik lang ang atmosphere sa pagitan naming dalawa papunta sa bahay nila.

Nang makarating kami sa kanila ay dire-diretso akong pumasok papunta sa kuwarto ng kapatid niya.

"Hipaaagg!" Energetic na sabi ko.

Pagak lamang siyang ngumiti sa akin dahil na rin siguro ay nahihilo siya.

"I will be your nurse tonight. Hihi." Sabi ko. Natawa naman siya sa sinabi ko. Medyo malat yung boses niya.

"Shen, si kuya?" Tanong niya. Sakto namang bumukas ang pinto at iniluwa noon si Caiden.

"Do you need something?" He asked Bianca.

"I'm fine." Sabi ni Bianca.

"Alright. I'll go ahead." He said before went out.

ILANG oras na ang nakakalipas at alas-dose na. Gising pa rin ako at hinihintay si Caiden. Nandito ako ngayon sa living room at kanina pang tulog si Bianca.

Tatayo na sana ako para matulog dahil nakaramdam na rin ako ng antok ng bumukas ang pinto.

"Why you didn't locked the door?" He asked.

"Wala lang." I answered.

"Wala lang?" He said sarcastically.

"Ano ka ba. Masiyado kang OA. Pero, teka ano 'yang dala mo?" I asked.

"Let's have some beer and pizza." He said and sat beside me.

Omyghad. Can I die now? Did he really offer it? Just wow. It's new.

"Tss. Stop overthinking." He said.

"And why?" I asked.

"Masiyado ka lang aasa." Sabi niya. Napalabi naman ako sa sinabi niya. Kumuha ako ng isang slice ng pizza at beer in can.

"Wala ba talaga?" I asked him.

"Wala. Nakikita lang kita bilang kapatid. That's all." Sabi niya.

Ghad Caiden! Nung nagpaulan ba ng kawalaang puso sinalo mo lahat? Bakit ako hindi mo masalo? You're so heartless.

Ngumiti lang ako sa kaniya at tuloy tuloy na nilagok 'yung beer. Hindi naman ako mahilig uminom pero, ito na lang ang paraan para makatulog ako agad mamaya at hindi na i-overthink 'yung sinabi niya.

Nang maubos ko 'yun tatlo beer in can nang sunod-sunod ay pinigilan niya ako.

"What?" I asked.

"Matulog ka na." Sabi niya.

"Ayoko pa. Iinom pa ako e." Sabi ko.

"Aish! Mag pahinga ka na." Sabi niya.

"Tss. Ayoko pa nga e!" Pangungulit ko.

"May schedule ka pa bukas sa hospital diba?" Sabi niya.

"I can handle it." Sabi ko.

"Matulog ka na nga!" Sabi niya.

"Fine!" Sabi ko at tumayo na. Dumiretso ako sa kanilang guess room. Wala naman akong choice kundi doon matulog, diba?

Alangan naman sa tabi niya. Ghad! Teka, bakit ang init? Epekto lang naman ito ng alak diba? Aish.

Kesa naman sa tabi ni Bianca. May sakit 'yon.

"Good night." Rinig kong sabi ni Caiden. Like OMG! OMG talaga. Did he say Good night to me?

Pwede na ba ako ditong tumira. Ghad!

"Good night too, babe." Sabi ko at hinalikan siya sa lips. Naramdaman ko naman agad ang kaniyang pag tulak. Hays.

Alam kong mali 'yung ginawa ko dahil may girlfriend siya. Pero, pwede bang maging cure 'yon sa masakit na sinabi niya kanina? His lips is the only cure to ease the pain.

"Matulog ka na." Sabi niya at tumalikod na.

Dumiretso ako sa kuwarto ni Bianca, tulog na tulog na ang loka. Kumuha ako ng damit niya. Hihiramin ko muna.

Pagkatapos nun ay chineck ko ang temperature niya. Mabuti naman at bumaba na 'yung lagnat niya. Lumabas na ako ng kwarto niya at dumiretso sa guess room.

KINABUKASAN, maaga akong nagising dahil mga 8:00 ang start ng schedule ko.

Paalis na sana ako ng maabutan ako ni Caiden. I want to ignore him muna sa ngayon dahil masiyado pang masakit yung sinabi niya kagabi. Tanggap ko naman e, masakit lang talaga.

"Kumain ka muna." Sabi niya. Umiling ako.

"Wag na. Uuwi na ako!" Sabi ko at tumalikod na.

"Ihahatid na kita." Sabi niya. Tumango na ako hindi na ako tumanggi pa dahil wala rin naman akong pamasahe pauwi!

Tahimik lang kami hanggang sa makarating sa apartment ko. Hindi ko na siya hinintay na lumabas para pag buksan ako ay tinanggal ko na ang seatbelt ko.

"Thank you!" Sabi ko bago bumaba. Ngunit, pinigilan niya.

What the hell, Caiden? Alam ko namang wala akong pag asa sa iyo pero bakit kailangan kang maging ganito? Lalo lang akong aasa sa iyo.

"Look, I'm sorry sa nasabi ko kagab--" Agad kong pinutol ang sinabi niya.

"Ano ka ba! Tanggap ko hahaha. Saka i'm used to it." Sabi ko at tumawa para matakpan ang sakit na nararamdaman ko sa loob loob! Kahit na dati niya pa iyan sinasabi masakit pa rin.

Bumaba na ako sa kotse bago pa man niya makita na anytime ay papatak na ang luha ko.

Ang sakit mong mahalin, Caiden!

Not Your Typical Girl[on-hold]Where stories live. Discover now