Chapter 2

13 0 0
                                    

"Ang pagkawala ng kilay ni Monalisa"

Nagising si Mona sa maingay na boses ng paos na manok at pati na rin sa isang masamang panaginip.

"Hwuahah..ha.ha.buti na lang panaginip lang yun akala ko mawawala na ang kikay ko" sabay tingin sa salamin habang nagbubuntong hininga.

Habang nagaalmusal si Mona napansin niyang luminis ang kanyang kusina pero isinawalang bahala niya ito, hindi niya alam may kasama na pala siyang istranghera.

Pagkatapos maghilamos ni Mona dahil hindi pa uso nun ang pagliligo ay nagpunta na agad si Mona sa kanyang paaralan. Dahil siya ay excited na!..dahil tumungtong na siya sa ika-apat na taon sa highschool. Pagkatapos ng unang klase ni Mona sa Mapeh ay agad siyang nagtungo sa susunod na subject ang Science, kaya nagtungo na agad siya sa science lab. Pinagaralan ang ibat ibang uri ng hayop pati na rin ang pinagmulan ng tao na sa tingin ni Mona ay hindi totoo.

"Sir!!..Parang hindi nama totoo to!"

"Ang science ang nagsasaabi ng totoo...tumingin ka sa salamin at malalaman mon" sambit ni Dr.Zomboss. Si Dr.Zomboss ay nakilala noong 16hundreds na nanatiling buhay at nagtuturo dahil sa epekto ng gamot sa kanyang katawan.

Napatingin si Mona sa salamin at duon niya nalaman na totoo nga ang sinasabi ng science.

"Totoo nga!" sambit ni Mona habang nakatitig sa salamin.

Nagtawanan ang mga kaklase niya sa sinabi niya, may sumigaw pa nga dahil sa kakatawanan. Sunod na pinag-aralan nila ang The Anotomy of Chemical Reactions na sa tingin ni Mona ay napaka-hirap dahil marami daw itong computations.

"Next naman class gagawa tayo ng temporary girls." sambit ni Dr.Zomboss habang dala dala ang mga kemikal na gagamitin sa kanyang experimento.

"Sir! What do you mean on temporary girls" tanong ng isang kaklase ni Mona

"Temporary girls, sila ay ang mga batang babae na mabubuhay lamang sa loob ng tatlong minuto."

Namangha ang mga istudyante kabilang na si Mona. Sa sobrang curious ni Mona sa mga kemikal na hinahalo ni Dr.Zomboss ay lumapit siya sa hinahalo kahit na alam niyang delikado ito. Habang naghahalo si Dr.Zomboss ng mga kemikal masayang nanonood si Mona.

"Sir? Ano po ba yang kulay green na kemika na yan?" tanong ni Mona

"Ito ang lvl3 na hair removal X"
Sagot ni Dr Zomboss.

"Bakit po kailangan niyan?"
Tanong ulit ni Mona.

"Para mabalance ang pagtubo ng buhok ng experiment ko" sagot ulit ni Dr Zomboss

Hinalo ng hinalo ni Dr Zomboss ang ang mga kemikal hanggang aksidenteng natamaan ng dulo ng stick ang chemical X. Sumabog ang kemikal at tumama ito sa muka ni Mona na malapit pa naman sa ginagawang experimento.

Isinugog sa klinika ng paaralan si Mona at duon ginamot ang mga sugat niya. Ilang linggo ang itinagal niya sa klinika upang magpagaling. Sa alaga ni Nurse Yun na isang terror nurse naghilom ang mga sugat ni Mona pero malungkot niyang sinabi kay Mona na wala na ang mga kilay nito. Nang nalaman ito ni Mona hinipo niya ang balat na dati ay may mga kilay at habang hinihipo niya ito ay umiiyak siya na sa sobrang pigil ay sipon na lang niya ang tumutulo.

"Naayos na ang aking mukha, pero nawalan naman ang pinakaingat-ingatan kong kilay!"

Nagdusa ng husto si Mona ng mga araw na yun  at simula nun, nakatanggap na siya ng maraming pangungutsa sa ibang tao.

The Wonderful Adventure of MonalisaWhere stories live. Discover now