Chapter 3

10 0 0
                                    

"Ang Pagdurusa ni Monalisa"

Matapos ang mga pangyayaring iyon ay naging masalimuot ang buhay ni Mona, sa kabila nito nagawa niya paring makaahon at lumaban at mamuhay ng maayos.

"Ako'y ako! Na di dapat mawalan ng pag-asa. Ako'y ako sa pagdating muli ng isang umaga!"
Sigaw ni Mona habang umiiyak sa isang sulok ng bahay niya.

Pinipilit niyang kalimutan ang mga pangyayari, ngunit tuwing may salamin na nagpapakita ng repleksiyon ng kanyang mukha ay lagi nalang siya umiiyak. Inaalala ang masaklap na pangyayari ng araw na iyon, kaya simula nun ay di na siya pumasok sa science lab kahit kailan. Isang umaga napansin ni Mona na wala ng laman ang kanyang ref kaya lumuwas siya ng bayan upang mamili ng pagkain, bumili siya ng itlog, tinapay, kape atbp. Nang siya ay magbabayad na mayroong mga bata na napadaan at nakita ng mga bata ang kanyang mukha.

"ang panget ng ale!!..ale panget!"
"Mukang pwet!!yucks..whHah"
Sabay hiyawan ng mga bata sa bayan.

Hindi kinaya ni Mona ang pangungutsa ng mga bata kaya matapos magbayad ay nagtungo na siya pauwi sa bahay niya na umiiyak dahil sa pangungutsa.

Hindi doon natapos ang panglalait na natanggap ni Mona, pagpasok niya sa paaralan sinalubong siya ng dalawang babae si Cleopatra at si Liberty.

"Ano bang kailangan niyo sakin??may ginawa ba akong mali sa inyo?" tanong ni Mona

"Wala! Kaso nakakaasar kasi yang mukha mo! Ang pangit mo! Muka kang pwet ko, kaso ngalang mas maganda yung pwet ko kesa sa mukha mo Mona!..whahaahhah" panglalait ni Cleopatra.

"At Mona! Ang baho mo amoy sagmaw ka..amoy panis at amoy tae!!yuxks!!..kadiri ka lamog!" dagdag na lait ni Liberty.

Tiniis ni Mona ang mga pangungutya nila Cleo at Liberty hanggang isang araw...

"Mona ! Pati kilay mo nilayuan ka na! Ang panget mo kasi!" sambit ni Cleo

"Oo nga!..ambaho mo pa!" dagdag pa ni Liberty.

Hindi na nakapagtiis si Mona kaya sinampal niya ang mga ito.

"Wala kayong karapatan na kutyain ako! Una sa lahat tao lang kayo—tayo! Kaya wala kayong karapatan manghusga! Diyos nga hindi tayo hinuhusgahan kayo pa kaya"

Nakita ni Ms.Vodka ang pangyayaring iyon kaya ipinatawag silang tatlo sa guidance office. Kinakabahan si Mona na baka patawan siya ng malalang parusa sa ginawa niya, kaya pinagisumisipan niyang mabuti ang mga dapat sabihin niya at gawin. Habang abala si Mona sa pagiisip patuloy pa rin na nakamasid ang babaeng nakadilaw.

The Wonderful Adventure of MonalisaWhere stories live. Discover now