"Silent Lovestory"
By: Zilver Blaze
Dedicated to Miss Ishi Flerida WP
=Raiko's pov=
"Raiko,nak. Aalis muna ako may kailangan kasing gawin sa opisina,babalik din ako bago gumabi at sinasabi ko sayo wag na wag kang aalis ng bahay at may darating tayong bisita mamaya. Kung may kailangan ka tawagin mo lang si manong Berto.Love you nak!"
Matapos kong basahin ang sulat ni Mom na nasa sticky note at nakadikit sa pinto ay inubos ko na ang natitirang gatas sa baso kong hawak.
Wala si mom,so its means mag isa na naman ako dito sa bahay? At saka sinong bisita ang darating mamaya para pagbawalan nya akong umalis ng bahay? Kainis naman, showing pa naman ng inabangan kong pelikula ngayon.
Inilagay ko ang basong ginamit sa mesa at saka umaakyat ulit sa kwarto ko.
Humiga ako sa kamang ngayon ko nalang ulit nahigaan matapos ang 4 na taon, kakauwi ko lang galing korea kaya miss ko na rin itong kwarto ko.
Muli kong ipinikit ang mga mata ko para sana muling matulog pero binigo ako ng mga mata ko.
Minulat ko ang mga mata ko at tumitig sa kisame. Bumuntong hininga ako at para bang tanga na nakatulala sa kisame.
Ano bang pwedeng gawin?Alam ko na!
Dahil sa ayokong makipagtitigan sa walang kwentang kisame na yun ay bumaba ako ng kwarto.
Bitbit ang isang libro ay dumaretsyo ako sa pinakapaborito at miss na miss ko nang lugar dito sa bahay.
Ang garden.
Wow. Sa pagkakatanda ko bago ako umalis ay maganda na ang lugar na ito noon pero mukhang mas napaganda pa ito ngayon!
Habang naglalakad ako sa garden ay hindi ko maiwasang mamangha sa paligid, mas dumami pa ang mga bulaklak.
Sa gitna ng garden ay may isang mesa at apat na upuan.
Umupo ako sa isa mga upuan,pinatong ko din ang dalawang paa ko sa mesa at sinimulang basahin ang librong hawak ko.
Sa tingin ko mauubos lang ang lahat ko sa pagtambay dito sa garden. Tambay pogi na naman ako.
Wala pang sampung minuto ang pagbabasa ko ng bigla may umagaw ng atensyon ko.
Bigla akong napatayo dahil sa gulat dahil may kung anong bagay ang para bang bumagsak.
Ha? Bumagsak? Luminga linga ako sa paligid para hanapin ang bagay na yun pero wala naman akong nakita.
Siguro sa kapit bahay galing ang sound na yun. Siguro nga.
Muli akong umupo at pinagpatuloy ang pagbabasa.
Wow. Ang ganda ng story na toh, pero nakakaiyak mukhang mamatay yung lalaking bida
"hello!"
Bigla kong naitapon yung libro kong hawak dahil na naman sa gulat!
Kyahh! Ano yun?! Sino yung nagsalita?! May multo ba dito sa garden? Sa pagkakaalam ko wala namang namatay dito.
"hello ulit!"
May nagsasalita talaga! Saan ba galing ang boses na yun?! Muli akong nagpalinga linga sa paligid,pero kagaya kanina wala din akong nakita.
"yoho! Kuya dito!"
Napalingon ako sa may puno ng magga ng na nasa dulo ng garden duon kasi nanggagaling yung boses.
Lumaki ang mata ko sa nakita ko.