"Pakisabi na lang kay Kiefer na he did really well," ani Sasa, na kinalabit pa siya.
"Pakisabi na lang na congrats kina Kiefer, mukhang busy na sila e." Nakangiting sabi ni Cyrus, bago tuluyang nagpaalam ang mga ito sa kanya.
Naiwan pa rin siyang nakatanga habang nanunood sa dalawang nagyayakapan pa rin sa gitna ng court, na parang balewala na ang iba pang mga tao na naroon din sa gitna. Nagpapalinga-linga si Kiefer na mukhang may hinahanap, marahil ay hinahanap siya nito, pero dahil sa dami na ng mga fans na naroon ay hindi na siya makita.
Nakita niyang nagtungo na ang buong team sa dug out ng mga ito, kaya sumunod na lang siya doon. Pero napatigil siya sa paglalakad nang marinig niya ang boses ni Kiefer sa hallway papasok sa dug out—nakita niyang kasama nito ang babaeng yumakap dito kanina.
"Thanks for watching Mika, dapat ay isinama mo sina Tito at Tita para nakapanood din sila." Nakangiting sabi ni Kiefer.
Umiling-iling ang babae. "What best friends are for," nakangiting sabi nito. "Ako ang lucky charm mo kaya kayo nanalo, so dapat ay ilibre mo ako." anang babae, saka ito tumingkayad para umakbay kay Kiefer. "Libre mo ako!"
"Next time, may victory party ang team mamaya e, kung gusto mo sumama ka na lang."
"Sure, okay lang talaga?"
"Walang problema doon." Nakangiting sabi niya.
Sumikip lalo ang puso niya. In-invite na nito ang babae sa victory party ng team nito, samantalang siya ay ni hindi pa nito tinatawagan—napailing siya, lowbatt nga pala ang phone niya.
"Wait Mika, I'm just going to look for my girlfriend and by the way you should meet her, she's very cute and funny." Nakangiting sabi ni Kiefer.
"You do have a girlfriend?" tila gulat na tanong ng babae.
"Yeah, she's Morphine—"
Hindi naituloy ni Kiefer ang sasabihin nito nang bigla na lang itong mahigpit na niyakap ng babae. Mukhang nagulat si Kiefer dahil hindi ito agad nakagalaw.
"I thought you were in love with me? That's why you transferred in this school to forget your feelings for me?" sabi ng babae.
"How did you know about that?" nagtatakang tanong ni Kiefer.
Tinakpan niya ang bunganga niya para hindi makagawa ng ingay na makaka-distract sa usapan ng dalawa. May dumadaan-daan na mga tao sa tabi ng mga ito, pero parang walang nakikita ang mga ito kundi ang isa't isa and she was hurting—so much!
Kumalas ang babae sa pagkakayakap kay Kiefer and then she smiled sweetly. "Dati ko pang nararamdaman na may gusto ka sa akin, I just ignored it dahil we're best of friends, until I have read your notebook that you left in your study table when I visited your parents and went in to your room because I've missed you. It was written there na kailangan mong maka-move on sa akin, kaya ka lilipat ng school."
"Ah..."
"And you know, ang tagal kong na-realize ang mga bagay-bagay, hanggang sa dumating ang point na ikaw na pala lagi ang bukambibig ko sa boyfriend ko—naitanong tuloy niya if I was in love with you—I didn't know what to answer, instead pinakiramdaman ko ang puso ko and that was when I've realized that you're the most important man in my life, next to my Dad. That I loved you without realizing it. That's why we broke up and I'm here."
"Mika—"
"I know, nag-girlfriend ka lang para ma-shift ang atensyon mo sa iba, I know that feeling, gawain ko din 'yan noon." Paliwanag ng babae.
BINABASA MO ANG
The Perks of being in Love (Published under PHR-COMPLETED)
Teen FictionPapatunayan ni Morphine na pantay-pantay na ang mga kababaihan at kalalakihan ngayon, dahil siya na ang manliligaw sa campus crush at love na love niyang si Kiefer Isaac! <3 (Inspired by Kiefer Isaac Ravena)