masaya talagang mabuhay lalo na kung nandiyan yung pamilya mo at mga kaibigan mo na laging handang sumuporta sayo.
hayss kung ganyan lang sana ang buhay, edi sana maayos ang mundo."Denisse! ikaw talagang bata ka! bumalik ka nga dito at hindi ka pa tapos sa---------" kumaripas na ko ng takbo bago pa man ako marindi sa sigaw ni mama.
nasabi ko na bang laging nakalunok ng megaphone ang pinakamamahal kong ina? nakakatakot no? bukas o kaya sa makalawa ipapacheck up ko na nga sya, natatakot na kasi ako para sa kalagayan nya.napahinto ako sa kakatakbo ng mahagip ng mga mata ko si Makoy, ang astig kong kapit bahay.
"Oy asan na si Annie bat di mo kasama?" Tanong ni Makoy ng makalapit ako sa pwesto nila. kasama nya sila Buboy,Troy at King.
nakipag apir ako sa tatlo at sinuntok ko naman sa braso si Makoy."Nandon sa bahay nila tara puntahan natin." yaya ko sa kanila.
"magandang ideya yan. masisilayan ko na naman si Arienne" sabi ni Troy habang ngingiti ngiti pa.
"adik! edi kung nagkataon, nasa gate ka palang sinaraduhan ka na ng pinto? kawawang troyeng" iiling-iling na sabi ni Buboy.
"sus e isa ka pang adik e!" pag singit ni king.
"at bakit?" takang tanong ko.
"wala lang share ko lang" sabi nito at nagkibit balikat pa. ayon binatukan ko nga.
"tara na mga gunggong" sabi ni Makoy at nanguna na sa paglalakad.nasa likod lang kaming apat na nag uusap-usap habang nakasunod kay Makoy. di naman kalayuan yung bahay ni Annie. Sa katunayan nga sa iisang subdivision lang ang mga bahay namin kaya malakas ang loob namin na pumunta kila Annie.
Kaibigan ko na tong mga kolokoy na to nung mga bata pa kami kaya kahit babae ako hindi ako naiilang kapag kasama sila. Kaso 3 years ago, lumipat kami sa Laguna kasi gusto nila mama. nung nakaraang buwan lang kami nakabalik.so back to reality...
"Tingin mo ba king hindi tayo pag sasaraduhan ng pinto ni Arienne?" nag aalalang tanong ni Troy.
"aba malay ko sayo! tignan na lang natin kung anong mangyayari" tatawa- tawang sagot ni King.
"tama, malay mo naman hindi ka na pagsaraduhan ng pinto" pag sang ayon ko.
"talaga?" natutuwang tanong ni Troy.
tumango ako.
"oo. malay mo buhusan ka naman nya ng mainit na tubig" sabi ko sabay tawa ng malakas.
"ikaw talaga!" naiinis nyang sabi at tumakbo papunta sakin pero agad akong pumunta sa likod ni Buboy at King para ipangsangga sila.
tatawa-tawa kong dinilaan si Troy."oy tama na yan. mahiya nga kayo sa mama ni Annie" sabi ni Makoy.
hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng bahay nila Annie. nakita ko naman si tita Arianna sa harap namin.
"Hi tita! pwede bang makigulo sa loob?" masayang tanong ko kay tita.
bigla naman akong binatukan ni Makoy.
"Ikaw talaga Denisse. syempre naman, welcome na welcome kayo dito." natutuwang sabi ni tita.
"salamat po " sabay- sabay naming sabi.
"o sige pumasok na kayo at ako'y aalis na." pag papaalam ni tita samin at umalis na.
Nagkatinginan kaming lima.
maya maya'y nag unahan na kami sa pagpasok sa bahay nila Annie."Yehey nauna ako!" masayang sabi ko habang nagtatatalon pa.
nakita ko si Annie na nagbabasa sa may sala habang si Arienne naman ay nanonood ng t.v.
patakbo akong lumapit sa kanila.
"mawalang galang na, pwedeng makigulo?"tanong ko sa dalawa.
iiling-iling na sinara ni Annie ang librong kanina'y binabasa nya.
napatingin sya sa likuran ko.
"o nandito pala kayo" masayang baling nya kila Makoy na nasa likuran ko.
napatingin nadin si Arienne at tinignan kami ng masama.
"wala dito si Mama. walang gagawa ng makakain nyo" sabi nito.
ngumiti ako.
"alam ko kaya nga naisipan kong bat hindi na lang tayo ang gumawa ng pagkain. Right Annie?" masayang suhestiyon ko.
Nanlalaking matang tumingin sakin si Arienne.
"Talaga Denisse?" di makapaniwalang sabi nito.
tumango tango ako.
"nagpapatawa ka ba? gusto mo bang sunugin na naman yung bahay?" sigaw ni Arienne.
natawa ako sa sinabi nya.
naalala ko tuloy yung panahong nagluto kami at ang ending, sunog at sobrang laki ng apoy. Buti na lang naagapan nila Makoy.
umupo ako sa tabi ni Arienne.
"biro lang." sabi ko sa kanya at nag peace sign.
"hey Annie." narinig kong sabi ni Makoy at umupo sa tabi ni Annie.
yung tatlo naman ay naupo sa mahabang upuan kung saan ay katapat ng inuupuan namin ni Arienne.
"hulaan ko Den-den, tumakas ka na naman sa bahay nyo no?" sabi sakin ni Arienne.
binatukan ko nga.
"at pano mo naman nalaman na ganon nga ang ginawa ko? ha?" natatawang tanong ko.
umirap lang sya at bumalik na sa panonood.
"basang basa na kita babaita." sabi nito habang nakaharap sa t.vbiglang tumawa ng malakas yung tatlong lalaki sa harap namin.
kumunot yung noo ko.
anong nakakatawa kung horror naman yung palabas?
binato ni Arienne yung unan sa tatlo.
"mga adik talaga kayo. kumuha na nga lang kayo ng pagkain sa ref." utos nito.
nagsikuhan naman yung tatlo.
maya maya ay tumayo si Troy.
"ako na nga lang" sabi nito at kumindat kay Arienne.
"masusunod mahal na prinsesa"dabi nito at may pagyuko pang nalalaman.
"tigilan mo nga ko!" sigaw ni Arienne binato ulit ng unan si Troy.
tatawa- tawa naman itong umalis at pumunta sa kusina.
humagalpak naman kami sa katatawa dahil sobrang sama ng mukha ni Arienne.
"oy kayong dalawa jan, galaw galaw baka mastroke"puna ko kay Makoy at Annie.
pinanlakihan lang ako nga mata ni Annie.
"nga pala Nise, malapit na ang pasukan. Dito na ba talaga kayo ulit for good?" biglang tanong ni Makoy.
nilagay ko ang isang kamay ko sa baba ko at nag isip.
"oo" sagot ko.
pinagbabato naman nila ako ng unan.
anak ng tokwa talaga tong mga to.
natawa na lang ako sa mga mukha nila na inis na inis.bumalik na din si Troy galing kusina at nilapag na yung mga pagkain na dala nya.
kinuha ko agad yung mangga pero nagulat ako ng pinalo ni Arienne yung kamay ko. kinuha nya ito sakin at tinalupan.
napanga-nga na lang ako sa ginawa nya.
"baka mamaya kainin mo na naman pati balat. nakakatawa ka talaga bestfriend" sabi nito at tumingin sakin sabay ngiti. binato naman ako ng mansanas ni Makoy.
nailing na lang ako sa ginawa ng dalawa. Etong mga to kundi ko lang sila bestfriend nakuuuu matagal ko na silang sinungal-ngal."guys may plano ako this weekend."
natigil ako sa paglamon at napatingin kay Annie.
"bago man lang sana magpasukan gawa tayo ng kalokohan." pagpapatuloy nya at ngumiti pa ng malapad.naalala ko kung pano kami naging magkakaibigan dahil sa kalokohan na yan.
"maganda yang naisip mo." pag sang ayon ko naman. kaso paepal si Arienne binatukan ako.
"game ako diyan" saad naman ni Troy at syempre ganon din ang iba.
exciting yon.