Chapter 5

11 1 0
                                    

"Ang Pagdukot kay Leonardo Da Vinci"

Kasabay ng maalala ni Mona na ang guro niyang si Leonardo ay may alam kung paano sulusyunan ang nawalang kilay niya. Ay ang pagdating ng
isang masamang balita ang kumalat, nawawala daw ang guro na si Leonardo Da Vinci. Nalaman ni Mona ang nangyari kaya hindi siya nagpasubali na hanapin si Leonardo. Walang sinuman ang nakaka-alam kung sino ang dumukot kay Leonardo, ngunit sa pagiging maalam ni Mona inusisa niyang mabuti ang pangyayari. Ngunit kahit anong paguusisa ang gawin niya hindi niya malaman ang pangyayari hanggang makita niya ang isang napilas na dilaw na tela na nakasabit sa talim ng upuan ni Leo, kaya kinuha niya ito at ipinasuri sa Punong tagasuri ng kanilang bayan ang Smellyur tanggapan na nagsusuri ng mga bagay bagay upang malaman ang pinagmulan nito.

"Mga ginoo hanapin niyo kung sino ang may-ari nito"

"Wag kang mag-alala iha hahanapin namin kung sinong may ari nito."

Gamit ng mga Smellyur ang namanang piraso ng kapangyarihan mula sa kanilang tagapangalaga ng tubig. Hiniling nila sa bato na sundan ang nagmamay-ari ng dilaw na tela...at doon nalaman ni Mona na galing sa libro ang dilaw na tela. Pinagtawanan siya ng mga smellyur dahil galing lang pala sa libro ang tela. Kaya umalis na sila.

"Ikaw!..libro ang pinagmulan mo" sambit ni Mona sa dilaw na tela.

Nagtungo si Mona sa piitan ng mga artifacts ni Leonardo at doon nakita niya ang ginintuang susi na sa pakiramdam niya ay magagamit niya ito, kaya kinuha niya at iniuwi.
Pag-uwi ay napansin niya agad ang disenyo ng susi na kahalintulad ng libro, kaya sa sobrang pagka-curious niya isinaksak niya sa libro ang susi. Walang nangyari kaya tumalikod si Mona upang humanap ng iba pang kasangkapang pangbukas sa libro.

Ilang saglit lang ay may isang puting majika ang humatak Kay Mona sa libro, at doon nga'y nspasok siya. At pagmulat ng kanyang mga mata ay nasa ibang mundo na siya halos lumuwa ang mga mata niya sa ganda.

"Ano itong lugar? Nasaan ako?"

Isang kidlat ang tumama kay Mona at halos mangisay-ngisay siya ng tamaan siya. Iyon pala ay isang majika, sa pamamagitan nun ay ipinakita sa kanya kung paano nadukot si Leonardo. Nalaman niyang si Belle pala ang dumukot kay Leonardo, kaya sa pamamagitan ng kanyang hinaing na dalhin siya sa kinaroroonan ni Belle ay agad na sinunod siya ng libro.

Nagising na lang si Mona na iniihian na siya ng mga lobo at napansin niya rin ang kaharian na punong-puno ng makalumang architektura.

"Ito na marahil ang kaharian ng impokreta na yun!"

Pinasok ni Mona ang kaharian, sa hardin pa lamang ay talagang napaka-ganda na. Punong-puno ito ng mapupulang rosas na kapag hinawakan ay magdudulot ng matinding pinsala sa katawan. At ang mga anahaw na kumakain ng ibon,  talaga ngunit sadyang mapanganib lamang.

"Napaka-misteryoso naman ng lugar na to, siguro maraming adik dito"

Kumatok si Mona sa malaking pintuan ng kaharian, ngunit pinagbuksan siya nito ng kusa. Napansin niya na walang katao-tao kaya nagtaka siya kung paano ito nabuksan. Naisip niya na may daya ang mga pinto baka daw may machine na  dito, ngunit ang di niya alam puno ng majika ang kaharian. Isang panaghoy ang narinig ni Mona.

"Tulong!...tulong!...tulong!"

"Ano iyon? Saan nagmumula ang panaghoy na iyon?" sambit ni Mona.

Nilibot niya ang buong palasyo, ngunit wala siyang nakitang tao bagkus namangha lang siya sa kagandahan nito. Hanggang matagpuan niya ang isang silid na may kumakalabog "dug dug bog" at doon nga natagpuan ni Mona si Leonardo na nakagapos ng matinik na lubid at isang nakatayong  babaeng  nakabistidang dilaw sa tabi ni Leo.

The Wonderful Adventure of MonalisaWhere stories live. Discover now