Chapter 46 (Heart Talk)

136 5 0
                                    


Kinakabahan si Venus ngayon niya lang makakausap si Lucas bilang ama niya.

Nang nakaupo na sina Venus at Red sa visiting area napansin ng binata na hindi mapakali si Venus.

"Umalis na kaya tayo Red."

"Nandito na tayo. Hintayin na lang natin si Lucas."

"Ano ang sasabihin ko? Hindi ko yata kaya."

"Lahat kinaya mo Venus ito pa ba  ang aatrasan mo?"

"Pero..."

"All you need to do is just talk with your heart."

Nakita na nila si Lucas na papalapit sa kinaroroonan nila.

"Thea? Kumusta ka na hija? The last time you visit, nahimatay ka."

"Ayos lang ho ako."

"Nandito ka ba dahil sa law firm? Okay lang naman hija kung hindi mo tatanggapin. I guest ipagkakatiwala ko na lang talaga ito sa abogado ko."

"Hindi ho ako nagpunta rito dahil doon."

"Ah I see. May sasabihin ka ba hija?"

"Talaga bang asawa mo si Carla Locson? Hindi ka ba nag-i-imbento lang?"

"Wala naman akong dahilan para mag-imbento lalo na sayo. Bakit kilala mo ba siya?"

"She is my m-mom."

Nakita ni Venus na natigilan si Lucas sa sinabi niya.

"Pakiulit ng sinabi mo."

"Si Clara Locson ang nanay ko."

"So ikaw....ikaw ang anak ko?"

Inabot ni Lucas ang kamay ng dalaga pero iniwas ito ni Venus.

"Bakit? Bakit hindi mo kami hinanap?" punong puno ng hinanakit ang boses ng dalaga.

"Alam ng Diyos kung paano ko kayo hinanap dati hanggang ngayon ay ipinapahanap kita pero hindi kayo mahanap hanap ng tauhan ko. Iyon naman pala nasa harapan lang kita hindi pa kita nakilala anak ko."

"Anak? Kay tagal ko na pinangarap na sana may ama din ako na tatawag sa akin ng ganyan. Bakit ngayon pa? Bakit ikaw pa?"

"Pinagsisihan mo ba ng malaman na ako ang ama mo?"

Hindi nakapagsalita si Venus.

"Anak,alam ko na malaki ang kasalanan ko sayo pero gustong gusto ko talagang mahanap kayo. Ama ako Thea, hindi ko gugustuhin ang mawalay sayo ngunit inilayo ka ng ina mo sa akin."

"Hindi ko alam kung paniniwalaan ko kayo. Dahil kung hinanap niyo kami hindi ko na makilala ang walanghiya kong step father. At hindi ko mararanasan ang hirap at pagbubugbog ni TJ sa akin" tears flows down her eyes.

"Pero iyon ang totoo anak. I honestly handle the gang but I can protect you and your mother. Hindi ko hahayaan na mapahamak kayo. Hinanap ko kayo alam ni Clara iyan."

Biglang naalala ni Venus ang sinabi ng ina na kailangan nilang magtago kay Lucas pero kapag tinatanong niya naman ang ina ay hindi ito nagsasalita.

"Thea,patawarin mo ako anak."

"Narinig ko na ang dapat kong marinig. Red, let's go."

Lumuhod si Lucas sa harap niya. Nasasaktan siya na makita ang ama na ginagawa ito. Kahit may kasalanan ito lumalambot parin ang puso niya bilang anak nito.

Nagulat si Venus pero ilang saglit din ay tinulungan niya ang ama na tumayo.

"Hindi mo kailangan lumuhod sa harapan ko 'tay. Patawarin niyo ako kung hindi ko kayo pinaniwalaan."

Niyakap siya ng ama. Napahagulhol si Venus sa balikat ng ama. Ngayon lang siya ulit umiyak ng ganito.

Bawat patak ng luha niya ay ramdam ni Venus na gumiginhawa ang lahat ng kalungkutan, hinanakit at galit na nararamdaman niya ng ilang taon.

Hinayaan na lang ni Red ang dalawa masaya siya na masaya na si Venus.

"Nahihiya ako anak dito mo pa ako sa kulungan nahanap.

"Wala ho iyon sa akin. Huwag po kayong mag-alala 'tay dadalawin ko kayo kapag may free time ako."

"Salamat Thea."

"Ako na rin ho ang hahawak ng law firm hindi ko po hahayaan mawala iyon."

"Thank you. I'm happy, I really do."

Isang mahigpit na yakap ang ibinigay niya sa ama bago magpaalam si Venus rito.

Habang nagmamaneho si Red ay nakita niyang umiiyak ang dalaga so he stop the car.

"Ayos ka lang ba?"

"Ayos lang ako Red. Masaya lang ako. I know I look like a fool right now but I am just happy. Hindi pa pala ako bakal o bato dahil alam mo ngayon lang ako umiyak ng ganito yet feels good."

"Nauunawaan ko."

Niyakap niya ang dalaga saka pinagpatuloy ang pagmamaneho.

================================

Nakarating din sila sa Casa Angelus. Agad na sinalubong sila ng mga bata roon.

"Hello kids. Kumusta naman kayo rito?" tanong ni Venus.

"Okay lang po Ms.Venus."

"May dala kaming pizza for everyone. Babe,pwede mo kami tulungan sa pagdistribute ng pizza?" baling ni Venus kay Red.

"Sure."

They spend a few time with the children tapos ay umalis na rin sila nang makatanggap ng tawag sa Agila.

"Nandito na kami dad."

"Ito si Mr.Vistal at siya ang new appointed director ng Agila."

"Hello sir" nakipagkamay sina Red at Venus rito.

"Hello, nagagalak akong makilala ang dalawang magaling na detective sa Agila."

Natawa sila sa sinabi ng bagong director.

"How about you dad?" tanong ni Venus kay Anton.

"Babalik na ako ng Cebu. Alam mo naman kailangan ko na din i-handle ang manggahan natin doon."

Mabait ang bagong director kaya mabilis rin nila itong nakapalagayan ng loob.

Isang umaga pinatawag sila ng director sa opisina nito.

"Pinapunta ko kayo rito because
I am giving you a new mission. Natagpuan na nila Castillo ang kuta ng rebelde sa bundok sa Zamboanga del Sur. Paroon na ang 23 special combat group. Gusto ko sumama kayo sa kanila."

"Copy sir."

Agad na nag-impake sila Red at Venus para sa misyon.

"Ready ka na ba Venus?"

"I always wake up dress in war babe" ngiti ni Venus.

Pinaghandaan talaga ni Venus ang bakbakan sa mga rebelde. Nang makarating sa base ng 23 brigade sa Zamboanga del Sur ay  nakilala nila si Brigadier General Noel Gorlusa.

"Hello sir I'm Detective Red Sandecker and this is Venus Herrera we are from Agila" pagpapakilala ni Red.

"Hi,welcome to my team. Men,sila ang taga Agila makakasama natin sila sa kuta ng rebelde."

"Sir, yes sir!" dueto ng mga militar.

Isinuot ni Venus ang military pants na binigay sa kanya at pinaresan iyon ng sleeveless shirt. Nilagyan niya ng gun holder ang dalawang binti saka nilagay doon ang 45 rifle habang hawak ang isang M16
armalite.

"Hot!" pagsipol ni Red sa nobya.

"Dalian mo na dyan at malapit ng dumilim Red. Ilang oras na lang at aakyat na tayo sa location ng mga rebelde."

"Roger ma'am!" sumaludo pa ito.

A/N:

Tunghayan natin ang mas maaksyon na kwento ng Goddess Sting. Read more!😃❤

Don't forget to hit the star to like and add this to your reading list. More powers to my so so so ever loving readers, I so so so love 'ya all. Follow me back and message me too.😘

 Goddess StingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon