SA LIKOD NG KAMERA
ni: Kuya Ianmasaya nga ako kung panonoorin mo
pero hindi mo ba nakikita sa mga mata ko
ang lungkot na itinatago?
na kapag pinatay ko na ang kamera
ay kusa na lamang tutulo luha
kahit hindi naman ako nasa isang soap opera.masaya ako kung mapapanood mo
pero hindi mo nakikita ang itinatago ko
ang takot sa mga mata ko
kahit hindi naman horror ang genre ko
at kahit nakatakip na ang lente ng kamera ko.masaya ako
sa mga oras na napapanood mo ako
ngunit kapag pinatay na ang kamera
ay ang s'ya ring pagkamatay ko sa tuwi-tuwinamagaling ako sa pagpapanggap at pagpapakita na masaya ako
kahit iba naman ang sinasabi ng utak ko
kaya nga nasa harap ako ng kamera
umaarte para ang isipin ng iba
ay ayos lang ako sa likod ng mga problema
kahit hindi ko talaga alam ang sarili ko sa likod ng kamera
BINABASA MO ANG
Kwaderno Ni Kuya_Ian ( Spoken Word Poetry, Dagli, atbp., )
PoetryHighest Rank: #1 in spokenword 5/10/18 #1 in spokenpoetry 5/14/18 #1 in dagli 7/7/18 #1 in piece 7/7/18 #1 in makata 7/8/18 #1 unsaid 9/17/18 open for comments/criticism/suggestions, icomment lang po sa mismong akdang nais lagyan ng komento