If Its Meant To Be It Will Be

31 1 0
                                    

CHAPTER 1

Sa kinadami-dami ba naman ng tao at pamilya sa mundo ay sa pamilya pa nila naging close ang family ko! bukod sa magkakilala na ang mga magulang namin ay naging mas matatag pa ang koneksyon ng aming mga angkan dahil sa negosyo.

Siya nga pala, bago pa kayo maguluhan, ang tinutukoy ko ay ang pamilya ni Rhodes Miguel Mendez. Hindi naman maikakaila na matunog ang apelyido nila sa publiko dahil sa pulitika at pagiging negosyante. At syempreehhh noh!! sikat din kaya ang pamilya ko!! HAHAHAHA ayaw pahuli eh noh? Well yep! hindi naman sa pagmamayabang pero oo, sikat din ang family ko! :) Believe it or not, sikat kame :) Uulitin ko para mas klaro okay? SIKAT ang pamilya ko! HAHAHAHA edi kami na sikat! Paulit-ulit lang? Che!!

Ako nga pala si Trixy Nicolay Morales, nag-iisang anak ng aking kapit-bahay o.O Huwattt??! Djk lang! syempre kanino pa ba? Edi nag-iisang anak ng aking mga kapita-pitagang mga magulang na sina Mang Luis at Aling Carmela Morales. Malas nila! ayy ayy ako pala! Hehehe, dahil hindi na ko nasundan dahil delikado na kay Mama. Somehow, malungkot =( Ikaw ba naman, nag-iisa lang sa bahay dahil laging wala mga magulang mo dahil nagtatrabaho upang sa gayon ay matustusan ang iyong mga pangangailangan sa pangaraw-araw at maipasok ka sa magandang eskwelahan na may dekalidad na edukasyon!! Hayyy teka nga lang, teka, eh lumalabas na naman ang kagalingan ko sa tagalog eh! HAHAHAHA.

Sa aming angkan, ang pamilya lang namin ang nahiwalay dahil nakabase talaga kame sa America lalong-lalo na sa side ni Papa. Lumipat lang kame ng Pilipinas sa kadahilanang mas gusto naming mamuhay ng mapayapa at bagong lugar ito para sa amin kumpara sa America na napakagulo dahil nandoon na ang lahat ng bagay. Isa din sa mga pangunahing dahilan ng aming paglipat ay dahil sa isyu ng pagpapakasal ni Papa kay Mama, ayaw ni Lola kay Mama dahil laking ampunan ito, walang natapos na kurso at walang nakilalang pamilya. Umalis si Mama sa ampunan noong nag 19 siya at namuhay mag-isa, nakalabas siya ng bansa at doon sila nagkakilala ni Papa, sa restaurant kung san si Mama namamasukan bilang waiter at janitress. Dito sa Pilipinas, nagtayo si Papa ng negosyo at dito narin nakilala ang apelyido namin dahil naging successful at nagexpand ng nagexpand ang negosyo namin, at dahil din dito, nakilala na namin ang mga Mendez dahil naging kasusyo na ito ni Papa sa negosyo.

Matagal ko ng kakilala si Rhodes Miguel Mendez, siya ang unico hijo nina Tita Gwen at Tito Paul. Lagi ko siyang nakikita dati, tuwing may board meeting sa kompanya dahil lagi siyang sinasama ng Mama at Papa niya. Natatandaan ko pa non, na ako ang unang nag "Hi" sa kanya pero wala lang siyang imik. Minsan sinabihan siya ng Mama niya na samahan ako sa paglalaro, sinamahan nga ko pero mga 10 minutes lang tas nagsarili na lang siya at ganun lage, di niya ko kinakausap! -_- Malay ko ba dito parang may topak, di naman siya mahiyain eh, ang tapang nga ng mukha niya. Gusto lang siguro niyang mapag-isa =) Maituturing ko naring kababata si Migs dahil ayun nga halos lagi ko siyang nakikita, kaya habang lumalaki kame nakikilala ko narin siya ng mas mainam at kabisado ko narin ugali niya, mga kinakain niya, pananamit niya. Di ko siya naging bestfriend dahil ang suplado masyadowww kala mo naman G--- .. infairness gwapo siya! HAHAHAHA Malay ko ba diyan mga kinakaibigan ata niya yung mga di natin nakikita -___-

Ngayon ay nasa second year college na ko at kumukuha ako ng Business Administration, gayon din naman si Migs kaso graduating na siya at Business Ad. din course niya. 17 ako ngayong taon at 19 naman si Migs. Ngayong college na kame ay medyo may nagbago din sa kanya, marunong na siyang magsalita! Hahahaha oo marunong na siya! siguro di narin siya natiis ng mga friends niyang di natin nakikita umalis na din sila, kaya walang choice si Migs kung hindi makipag interact sa mga buhay! HAHAHARSH ko naman masyadowww pero at least ngayon ay nakakapag-usap na kame. Parang ewan naman yung lalakeng yun, pag nakikita ko siya kasama mga tropa niya ay ang ingay niya pero pag ako yung kumakausap sa kanya parang mapapahiya ka na lang dahil di siya sumasagot, parang may kausap ka na wala! Alam niyo yon?! Hah!? Dapat alam niyo din eh noh!! HAHAHHAHA. Di ko lang alam kung may masidhing galit lang ba talaga siya saken simula noong mga bata pa kame o sadyang gwapong abnormal lang talaga siya?! Ayyy ewannn -__-  Hayyy Migs kung alam mo lang kung bakit nagtitiis ako sayo, kung alam mo lang sana! Hayyy

If Its Meant To Be, It Will BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon