The Night

3 1 0
                                    

Love Story
Knight in Shining Armor




Alleana's POV

Naglalakad-lakad lang ako kanina,ng mapadpad ako sa lugar na ito,napasok ko na pala ang eskenitang ito ng di ko namamalayan,nakakainis lang dahil gabi na,baka mapano pa ko neto.Nilalamig pa naman ako dahil blusa lang ang ipinantapal ko sa suot kong damit ngayon.Isa nga pala akong probinsyana na bago lang sa Manila at pagminamalas nga naman naligaw pa ako!Naligaw pa ko sa lugar na minsan ay hindi ko pa alam kung ano ang mga dapat gawin.

"Antanga mo Alleana"saad ko sa aking sarili at nagkamot ng buhok.

Naglakad ako papunta sa may kaliwang daan,napansin ko kaseng mukhang may mga tao dun na maaari akong tulungan,naglakad na lamang ako dahil napakasikip pa naman ng eskenitang kinaroroonan ko ngayon ,at kakailanganin ko ng umalis dito baka mapano pa ko't mapahamak.

Maglalakad na sana ako palabas ng eskenita ng biglang may lumabas na kalalakihan doon,unting-unti sumibol ang kaba sa dibdib ko.Nasa sampu sila at malalaki ang katawan.
Katapusan ko na ata ngayong gabi.Oh diyos ko.Eto na ba yung sinasabi ko sa sarili ko na tutulong sakin mukha ng sila pa nga dapat ang matulungan,nakakatakot sila.

Biglang naglakad papalapit sakin ang tatlong lalaki,tatakbo na sana ako pabalik ang kaso nandun sa likod ang dalawang lalaki,nasa lima na sila ngayon pinapalibutan ako.Humarap ako sa kanan at tatakbo na sana kaso may humarang nanaman at sa kaliwa ay ganun din.Wala akong takas.Patay huhuhu juskolord tulungan nyo po ako.

"Mukhang naliligaw ka ata Miss Ganda"sabi ng lalaking payat na may bigote.

Hindi naman sa nanlalait pero ang pangit nya tapos yung amoy pa ng bunganga niya ambaho abot hanggang sa kinatatayuan ko.Arghh,makisabay ka nalang
Alleana huhu ayaw ko pang mamatay.Nilakasan ko ang loob ko dahil alam ko na may naghihintay sakin dito sa Manila.

"Ahh hindi po,makikidaan lang po ako" sagot ko kahit nanginginig na ang kamay at paa ko,kaunting humakbang ako paharap.

"Sumama ka nalang samin Miss,masasayahan ka pa dadalhin ka namin sa langit."sabi naman ng mukhang Boss nila.

Argh nakakainis,papangit nila wala ba sa vocabulary nila ang salitang,EXCUSE ME!,Tsaka itong boss nila wala ba sa bokabularyo niya ang salitang MAG TOOTHBRUSH ambaho talaga kase ng hininga niya feeling ko mahihimatay ako pag mas lalo siyang lumapit.

"Thanks na lang po pero di ko po kailangan ng tulong,kaya padaan po ulit" sagot ko na di parin pinapahalata na kinakabahan ako.

Hindi ko pa naman sila kaya at mukhang isang suntok lang sakin ng boss nila,wala na ko!

Lumapit naman yung dalawang lalaki na nasa likod ko at hahawakan sana nila ang magkabilang kamay ko kaso naunahan ko sila,sinipa ko sa mukha yung isa at sinuntok yung pangalawa.

Mabuti nalang naturuan ako ni Lolo ng paggamit ng tamang panggugulpi.Bahala na kung mamamatay ako atleast mamatay naman akong lumalaban kaysa mamatay ako ng walang kalaban laban.
Hinihingal ako sa harap ng walong lalaki na nasa harapan ko.Dalawa palang na pabagsak pero hinihingal na ako,pano pa kaya kung silang lahat na ang sumugod,edi wala na talaga ako.

"Wag ka ng mag matigas miss sumama ka na samin"nakangising sabi ng boss nila na halatang pinipigil ang pagkainis sakin.

Hindi ko na toh kayang pigilan,bahala na,lalaban na lang ako sa mga panget na toh.

"Di ako sasama sa inyo,mga panget" sabi ko sa kanila, namula naman yung mukha ng boss nila at mas lalong nainis,puputok na ata yung ilong nya.

"Sugurin nyo na" sabi ng boss nila at sabay-sabay silang sumugod

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 29, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Night with my Knight in Shining Armor!Where stories live. Discover now