❌Chapter 20❌

88 4 0
                                    

'The flower does'nt dream for a bee. It blossoms and the bee comes'
-Mark Nepo


Warning: Kissing scene and a lil bit of mature scene.
=====

"Anyare dun?" tanong ni Jared ng marating ni Tiara ang Living Room pero walang sagot na natanggap si Jared mula kay Tiara dahil dali-dali itong lumabas at hinabol si Harold.

"Harold!" tawag niya sa lalakeng tumatakbo. Nang makahabol siya rito ay kinalabit niya ito agad nagulat siyang hindi iyon si Harold.

"Amm Maam ano pong kailangan niyo?" tanong ng binata.

"Wala, wala sige salamat" nahihiyang saad ni Tiara at tumalikod na at nang tumalikod ito may nakita na naman siyang lalaki na kasingtangkad at lapad ni Harold.

"Harold!" tawag niya rito pero hindi niya ito pinansin kaya hinabol niya ito at nang kalabitin niya uli ito ay nagkamali na naman siya. Tinaasan siya nito ng kilay.

"Ay sorry akala ko kasi ikaw ang hinahanap ko" paumanhin ni Tiara at tumakbo na naman.

"Harold!!"tawag niya pero walang sumagot.

Nakaabot na siya sa garden pero wala hindi niya parin nahanap si Harold.

Napaupo nalang siya sa dumuhan at bumuntong hininga.

"Harold nasaan kana ba?" tanong niya sa kanyang sarili.

"Ughh Harold!" ungol nang isang dalagita sa likod ng building. Napantig ang tenga niya ng marinig ang pangalan ni Harold. Lumakas ang pintig ng kanyang puso.

'Huwag naman sana' sabi niya sa isip niya.

Habang maingat na naglalakad ay mas bumibilis at lumalakas ang tibok ng kanyang puso habang lumalakas ang ungol na kanyang naririnig.

Nagimbal at napako sa kanyang kinatatayuan si Tiara sa kanyang nasaksihan. Hindi siya makapaniwala na magagawa ito ni Harold sakanya.

Hubad ang pangitaas ni Harold at ng babae habang busy sa pagsipsip si Harold sa leeg ng dalaga.

Napaiyak si Tiara sakanyang nakita.

"H-Harold" garagal niyang sabi habang naguunahan sa pagbagsak ang kanyang mga luha. Tinulak ni Harold ang dalagita dahil sa pagkabigla. Napaupo naman ang dalaga sa lupa at di makapaniwalang tinignan si Harold at Tiara.

"T-Tiara" gulat na saad ng binata ng lumingon ito.

"Sino siya Harold?" tanong ni Tiara.

"Mula noong hiningi mo ang katawan ko. Naging ganito kana ba?. Sagutin mo ko Harold!!!" tanong ni Tiara kay Harold. Patuloy parin sa pagbagsak ang luha ni Tiara. Nagulat si Tiara ng biglang sampalin ng dalaga ang mukha ni Harold.

"Walanghiya ka!! Ang sabi mo wala kang girlfriend!!" sabi ng babae at binitbit ang kanyang damit at umalis na sa lugar.

"Hanggang kailan mo ako gaganituhin ha Harold. All this time, napakatanga ko! Akala ko tungkol sa team ang nasa isip mo pero hindi pala. Siya ba? Siya ba ang iniisip mo ha?" sabi ni Tiara na nagpahina sa tuhod nito.

"No I have---"

"No Harold I do not need your explaination because I already know. I won't listen to it" sabi ni Tiara. Hahawakan sana ni Harold ang kamay ng dalaga ng inilayo ito ni Tiara.

"Don't touch me. You are disgusting Harold!" diing sabi ni Tiara.

"Hinanap kita pero andito ka pala nagpapaligaya kasama ang babaeng iyon at ako heto halos malibot na ang buong Academy kakahanap saiyo! Alam mo ba kung gaano ako nag-alala saiyong buwiset ka!!"bulyaw ni Tiara at pinahid ang kanyang l
mga luha.

MAGICEA: Destiny Starts#PHTimes2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon