'All life is an expirement. The more expirements you make the better.'
-Ralph Waldo Emerson======
K I N A B U K A S A N
Hindi nakatulog si Kyla dulot sa pag-iisip sa nangyari sa gabing nagdaan na kasama niya si Shiro. Sa tuwing ipipikit niya ang kanyang mga mata ay naaalala niya ang halik na kanilang pinagsaluhan sa ilalim ng buwan. Kaya ng mag-umaga ay hindi mawala sa labi ni Kyla ang ngiti at klaro ang eyebags sa dalawa niyang mata.
"Huy Kyla anong nginingiti-ngiti mo diyan?" nagtatakang tanong ni Tiara.
"Wala to Tiara may napaginipan lang ako na nagkatotoo" paliwanag ni Kyla.
"Hindi kaba nakatulog kagabi?" nagtataka paring tanong ni Tiara.
"Obvious ba" pamimilosopo ni Kyla.
"Ikaw ha!" sabi ni Tiara at akmang sasapakin si Kyla.
"Pano naman kayo ni Harold?" tanong ni Kyla. Nagbago ang mukha ni Tiara sa sinabi ni Kyla.
"Mahabang kwento pero ang ending ay napagpasiyahan naming mag cool-off na muna to set things out" malungkot sabi ni Tiara.
"Ayos lang iyan, atleast nagpasiya na kayong dalawa na kayo talaga ang gumawa" sabi ni Kyla. Naguluhan naman si Tiara sa sinabi ni Kyla pero Hindi ito pinansin ni Kyla.
"Tayo na kakain na tayo" sabi ni Kyla at naunang lumabas.
"Basta pagkain talaga" panunukso ni Tiara.
"Tse!!" sabi ni Kyla. Napatawa nalang si Tiara sa sagot ni Kyla.
Nang marating ang Dining area ay nagtaka din ang ibang pang mga kaibigan ni Kyla kung bakit hindi maalis ang ngiti sa mukha niya.
Nang makarating si Shiro ay lalong nagtaka kung bakit ganoon din ito.
"Uy anong nangyari sa inyong dalawa bakit kayo nakangiti?" tanong ni Greg.
"Wala"sabay na sagot nina Shiro at Kyla at nagkatinginan. Nang magtama ang kanilang mga mata ay sabay silang nag-iwas ng tingin at namula.
"May nangyari sa inyo no?" may halong tuksong sabi ni Faye.
"Wala no!" sabay na tanggi nina Shiro at Kyla.
"Wala daw" mahinang bulong ni Donny.
"Baka may ginawa sila kagabi" hinalang sabi ni Hiro. Sabay nanaman silang natigilan at masamang tinignan si Hiro.
"Uy easy lang" birong sabi ni Hiro at nagtaas ng dalawang kamay.
"Hi guys!" bati ni Shiela na bago lang dumating. Nagbago ang ekspresyon at nawala din ang ngiti ni Kyla.
"Morning Shiela" bati sakanya ni Sunny.
"Uy Kyla paaalisin kana daw?" masayang balita ni Shiela. Natigilan naman si Kyla sa sinabi ni Shiela.
"At hindi pa hihingin pa daw nila ang panig ko" sabi ni Kyla at halatang pinipigilan ang sariling masaktan si Shiela.
"Ahhh ganun ba... Bakit pa nila hihingin ang side mo may ginawa kaba?" takang tanong ni Shiela at kita sa mukha niya ang pagkadismaya. Pero walang sumagot sakanya kaya sumimangot siya at lumingon kay Shiro.
"Uy Shiro san ka pumunta kagabi? Pumunta ako sa room mo pero wala ka roon" may halong tampong sabi ni Shiela. Natigilan si Shiro sa pagkain ganun din si Kyla.
Napatingin silang lahat sa dalawa at tinaasan ng kilay at naghihintay sa sasabihin ng dalawa.
"Ahh kaya pala todo kung makangiti" nakangiting sabi ni Tiara. Inapakan ni Kyla ang paa ni Tiara kaya napadaing ito.
BINABASA MO ANG
MAGICEA: Destiny Starts#PHTimes2019
FantasyImpressive Rank Achieved: 188 in academy -(5/11/18) Impressive Rank Achieved-673 out of 971 stories in academy (1/11/19) Impressive rank achieved : 92 out of 238 stories in new Magicea. A world with purpose A world hidden from Fate A world full of...