Chapter 17: San Agustin Golden Tigers vs Jousei Falcons

373 11 0
                                    


2nd GAME

"The second game between the San Agustin Golden Tigers and Jousei Falcons will start shortly, we will see a Finals Preview from the last year's NCAA Finals where San Agustin captured their 5th straight championship and their 14th overall in men's basketball."


Nessan's POV

After ng game ng Shiozuka ay biglang dumagsa ang dami ng tao sa arena, kasi nga naman Finals Preview ang next game. Ang San Agustin Golden Tigers at ang Jousei Falcons. Sabi ni Kuya Robin ay powerhouse na ang Jousei Falcons at isa ito sa mga pipigil sa San Agustin para makuha ang kanilang 6th straight championship. Di talaga ako makapaniwala na sa loob ng anim na taon ay ganitong kadominant ang San Agustin.

"Hmmm aalis na kami ni Hayley Ekaii" paalam ko kay Ekaii, sa totoo lang, wala naman akong pakialam sa laban nila ehh, Laban lang ng Shiozuka ang pinapanood ko, wala naman akong pakialam kung sino ang mananalo sa labang ito since elimination round pa lang naman ehh. Sa tingin ba natin gagamitin nila ang kanilang 100% sa labang ito?

"Aalis agad kayo? Ehh kararating ko lang ehh" –Ekaii

"Kasalanan mo yun late ka ehh"

"Saka papanoorin ko si Bernard" itong babaeng ito, kelan pa naging interesado sa lalaking iyan? Akala ko ba kay Martin patay na patay ito? Haixt.

Bumalik kami ni Hayley sa kinauupuan naming "Bakit ba kasi interesado ka sa kanya? Huyy ahh" pang asar ko.

"Hehh shut up Nessan! Gusto ko lang siya makita kung paano maglaro" –Ekaii

Habang nakaupo kami ay nakita ko sina Kuya Robin na papalapit sa amin, siguro makikiupo yan dito.

"Nessan!" –Robin

"Kuya! Congratulations nga pala" bati ko sa team nila

"Salamat, diba may pasok ka kung hindi ako nagkakamali?" –Robin

"Nagcutting yan kuyyy-----" tinakpan ko bigla yung bibig ni Ekaii, siraulo talaga tong babaeng ito ipapahamak pa ako.

"Ehhhh... early D kami kaya nakahabol ako sa game niyo, anong ginagawa mo dito?"

"Manonood, bawal ba?" –Robin

"Hindi naman" umupo sina Kuya Robin and the company sa may unahan ng kinauupuan namin, bale si Hayley ang katabi ko sa right at si Ekaii sa left, nasa may harapan ko si Kuya Robin at katabi naman niya ang ilan sa mga teammates niya. Teka, nasaan si Rodney?

At sakto ay naglabasan na ang mga players at nag warm up na para sa next game.

"Nandito pala kayo!" napatingin ako from the right, oh my! Si Rodney. Wait lang.

"Ahhhm Haylie, can we exchange seat? Is it alright?" since wala namang nakaupo sa tabi ni Hayley from the right ay ako na lang uupo dun tapos si Rodney sa tabi ko, para paraan hahaha.

"Ano Nessan kamusta? Teka may pasok ka ahh" badtrip naman, bakit si Ian ang umupo sa tabi ko? Grrrr

"Early D kami, saka si Rodney diyan" saway ko kay Ian, naupo tuloy si Rodney sa may harapan katabi mga kateammates ko.

"Nakaupo na siya ehh, sorry na lang" asar naman, akala ko makakatabi ko na si Rodney.

Biglang lumakas ang hiyawan ng mga tao dahil biglang nagdunk ang higante ng Jousei Falcons, yabang naman neto may padakdak dakdak pa, di naman magawa sa actual game.

Rebound: GAME OVER (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon