Two

415 13 2
                                    

"Kailan ba kayo magbibreak ni Trev huh?" malambing na tanong sa akin ni Earl

Nakasandal ako sa may pader habang siya'y nakatuon ang mga kamay sa pader. Napasinghot ako ng maamoy yong nakakaadik niyang pabango. Ito yong gustung-gusto ko sa kanya. His smell , his scent.. I am so addicted! Palagi naman. Kailan ba ako hindi naging attractive sa isang lalaki?

"I don't know .. I like him." halos pabebe ko ng sagot

Inilapit niya ang mukha niya sa aking taynga at pinatakan yon ng halik. Bigla akong kinilabutan dahil sa ginawa niya. Damn! Ayoko mang aminin pero attractive talaga ako sa kanya.

"Say it again baby.." bulong niya

Napalunok ako. Pinilit kong hwag magpadala sa paglalambing niya.

"I-i .. I like...." hindi ko na natuloy ang sasabihin dahil pinigilan niya na ako sa pamamagitan ng mga halik niya

Napatugon ako sa mga halik niya sa akin. Nakapagdesisyon na ako , makikipagbreak na ako kay Trev. Alam ko namang ganito rin ang gusto niya. Parehas kaming ayaw magpatali sa isat-isa dahil hindi namin kayang igive-up ang kalayaan namin. Wala kaming balak na seryosohin ang isat-isa.

Naramdaman ko ang mga kamay ni Earl na humahaplos na sa may hita ko. Bahagya siyang tumigil sa paghalik sa akin para huminga ng malalim bago ako muling hinalikan. Okay na sana ang lahat kundi lang may dumating na istorbo ..

"Anong ginagawa niyo dito? Wala ba kayong mga klase?" anang baritonong boses

Parehas kaming napalingon ni Earl sa nagsalita. Napataas ang kilay ko ng mapansin ang seryoso niyang mukha.

"So? Pakialam mo. Istorbo ka talaga." inis na wika ni Earl

"Pakialam ko? Really? You are asking me Mr Buenavidez? Baka nalilimutan nyo na parte ako ng Student Government at karapatan kong manita ng mga estudyanteng mapupusok na gumagawa ng milagro sa oras ng klase. You know the rules? It's either you are both suspended or worst draft-out depends on your violation." seryoso at maawtoridad na wika ng lalaking nagsungit sa akin sa bar kagabi.

Bahagya siyang napasulyap sa akin. Napangiwi siya ng magtama ang mga mata namin. Mababakas ang pandidiri at disappointment.

"Damn you." pagmumura ni Earl

Hinawakan ko ang kamay ni Earl para kumalma siya.

"It's okay Earl. Let's continue this some other time. Yung walang makikialam. You should go to your class." malambing kong wika kay Earl

Huminga ng malalim si Earl. Itinaas niya ang kamay ko at pinatakan yon ng halik.

"Okay, Ikaw din." aniya

Naglakad na si Earl palayo. Naiwanan kaming dalawa nong lalaking masungit. Muli kong pinagmasdan yong lalaki.

"Tama ako , dito ka nga pumapasok. Small world huh?" anang wika ko

"I don't think so." aniya na nakataas pa ang kilay

Tinalikuran niya na ako at nag-umpisa ng maglakad palayo.

"Hey wait." pahabol kong wika

Bahagya siyang tumigil pero hindi niya ako nilingon.

"What?" inis niyang tanong

"Anong pangalan mo?" i asked

"Why so interested huh?" malamig niyang tanong

"I'm not.. I am just curious." sagot ko

Pero imbes na sagutin ang tanong ko'y nagpatuloy siyang muli sa paglalakad.

"Hey." sigaw ko

Pero hindi na siya tumigil sa paglalakad. Napaigting ang panga ko sa pagpipigil ng galit ko. Sino ba siya? Ang kapal ng mukha niyang talikuran ako at hindi kausapin. Pakiramdam ko hindi ako espesyal na tao.

The Playgirl's KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon