Nessan's POV
Medyo ok na ako, pero hindi parin humihilom ang sugat mula sa puso ko, sa tuwing naaalala ko si Rodney, yung ginawa niya sa akin, parang hinihiwa nito ang aking puso.
Nangako pa naman ako kay Argelle na aalagaan ko si Rodney at mamahalin tulad ng pagmamahal na binigay niya sa kanya. I'm sorry Argelle, hindi ko na kayang mahalin si Rodney muli, ayoko na.
Haixt, ayoko nang isipin pa ang tungkol kay Rodney. Makapanood na lang ng TV.
Binuksan ko ang TV at inilipat sa isang Korean Channel.
Ngekkk, commercial? Check ko muna ibang channel.
"The 4th quarter has already started, Jousei are lead by 11 points"
Huh? Bakit ganito ang score ng Shiozuka? Seryoso ba ito? Lumapit pa ako sa TV para sigurado or typo error lang yung score.
"Shiozuka are on the offense, the five on the floor for Shiozuka, nandiyan si Gutierrez kasama sina Matias, San Jose, Gelvero at Abdul-Karim, sa Jousei naman ay sina Sanchez, Robles, Pascual, Carreon at Gabales"
Nakalimutan ko pala, suspended sina Ian at Rodney dahil sa suntukan nila. Parang di ako sanay sa lineup nila, ang liit ng lineup nila, si Shabazz lang ang malaki nila.
"Gelvero attacks the basket, gets the bucket may kasama pang foul!"
"AHHHH!!! Go Kuya!!" napacheer tuloy ako, ang ganda ng pasabit ni Kuya Robin. And one play yahoooo!!!
"Gelvero will shoot a freethrow for a chance for a 3 point play"
Ang ganda ng statline ni Kuya Robin, 17 points na siya, parang siya ang nagdadala sa Shiozuka.
"Gelvero complete the 3 point play! Shiozuka are down by 8 points"
Author's POV
Muling nabuhayan ang Shiozuka after ng scoring ng kanilang kapitan na si Robin Gelvero.
"Gelvero spins over Gabales and scores! Jousei lead are now 6 points, 68-74"
Muling bumalik ang mga players ng Shiozuka para sa depensa.
"Depensa tayo, huwag silang palulusutin!" –Robin
"Oo captain!" sigaw ng mga kakampi niya.
Opensa na ng Jousei, ipinasa ni J.K. ang bola kay Kurt pero nadaplis ito ni Robin pagkapasa.
"Ball deflected by Gelvero" pero agad na nakuha ni J.K. ang bola. "Ball was saved by Sanchez" idinrive ni J.K. ang bola at pumasok ang layup nito, balik sa walo ang lamang ng Jousei.
"Sige guys, babawiin natin ang points na yun" –Jeremy
Napatingin si Jeremy doon sa isang player ng Jousei "Magaling na defender yung Robles nayun, kailangang tutukan yun" sabi ni Jeremy mula sa isipan niya.
"Dito" humingi ng pasa si Robin kay Jeremy, no choice siya kaya ipinasa ito.
"Gelvero defended by Robles" nagcrossover siya at iniwan niya ang kanyang bantay kaso nakabantay ang dalawang players ng Jousei. "Gelvero with a one handed shot!" no choice si Robin dahil hindi niya basta maishu-shoot ang bola kaya ganito ang ginawa niya. Pagkabitaw ay pumasok ang shot ni Robin. "Robin with 21 points, 8 straight points for Shiozuka's team captain"
"On fire na si Robin, siya lang talaga ang kakapitan ng Shiozuka ngayon pagdating sa scoring" –Bernard
"Oo nga ehh, off night ang ilan sa kanila dahil kapit ang depensa ng Jousei, lalo na kay Martin at Shabazz" –Boogy
BINABASA MO ANG
Rebound: GAME OVER (Complete)
Hành độngSi Rodney Isaac Miller na kilala bilang ''King Jaguar'' ng NCAA Region 1 ay nagkaroon ng masalimuot na nakaraan, para mahilom ang sakit na nararamdaman niya sa pag ibig. Nakilala niya ang isang babae at ginamit niya ito upang malimutan ang kanyang n...