Prologue

16 2 3
                                    

Nakaramdam ako nang antok kaya pinatay ko muna yung pc at niligpit ang gamit ko.
Bago pako makahiga sa kama may tumawag sakin mula sa baba.

"Lian anak,bumaba ka dito kakain na"Si mama! Dumating na sila mama at daddyy!

Excited akong bumaba dahil minsan lang umuwi ang mga parent's ko galing sa business trip kaya wala na silang time para samin ni kuya. And yes may kuya akong kupal opss! Kahit lagi akong inaasar nun,mahal na mahal ko yun.

"Mom I miss you so muchhh!" Sabi ko sabay niyakap si mama.Daddy's Girl ako,close ko rin si mama pero si daddy kasi madalas kong kakulitan DATI,oo dati nung mga bata pa kami.Nag level up kasi yung trabaho nila e. Meron na rin sa iba't ibang bansa kaya kailangan nilang puntahan.

"Ma,asan po si daddy?"tanong ko at bumitaw sa pagkakayakap.

"May kinuha lang sa kotse anak"sabi ni mama at pumunta sa table para tulungan si manang na mag ayos nang makakain.

"Hi there!" Si daddy. Agad akong lumapit sa kanya at niyakap rin. Halos mag da dalawang bwan silang hindi umuwi dito dahil busy sila.

"Baby don't act like that,act like a matured girl."Baby tawag niya sakin kasi ako ang bunso kaya na spoil nako nung bata ako,nakukuha ko lahat nang gusto ko kaya hanggang ngayon parang bata parin akong kumilos.

"I'm 16 years old Grade 10 student. Vallier's Univesity ang pinapasukan kong skwelahan,kung saan lahat ay mayayaman at sabihin na nating ang iba ay maaarte.Dun kasi nag aral si kuya dati kaya dun rin ako pinag aral.Nasa Korea kasi ako nag high school nang grade 7 and 8 pero pinauwi rin ako kasi kailangan ni kuya nang makakasama sa bahay since business trip nga mga parents ko.

"Come here na kumain na tayo" masayang sabi ni mama.

"Asan po si kuya?"hinahanap ko lang yung bakulaw kong kuya baka kinain na nang kama.

"Hanap mo nanaman yung pogi mong kapatid?" Sabi niya with matching pogi sign pa.Biglang may sumulpot na panget.

Di ko nalang siya pinansin."Tara na po let's eat I'm hungry." Pumunta na kaming lahat sa lamesa at nag dasal at kumain na.

After kumain ay nagpaalam nakong aakyat na sa taas.Para magpunas at makatulig na rin dahil inaantok nako.

Zzz

*phone ringing*

*phone ringing*

*phone ringing*

Nagising ako dahil sa ingay nang cellphone ko. Dinampot ko iyon at sinagot,di ko alam kung sinong tumatawag basta sagot agad.

"Hello?" Bati ko sa telepono na kanina pa nag ri-ring

"Bess Pumunta ka mamaya sa meeting place natin,may sasabihin lang ako" sagot niya naman sa kabilang linya.

"Teka,masyado nang malalim ang gabi baka kung anong mangyare satin." Inaantok ko pang tugon sakanya.Si sheena pala isa sa mga bestfriend ko.Siya yung pinakamalapit lahat sa bestfriend ko parang kapatid ko na yung turing ko sakanya.

"Mabilis lang to,di ko na kayang ipagpabukas pa. Bilisan mo na" parang kinakabahan siya na ewan.

"Sige magpapaalam lang ako kay Blake"sagot ko habang nag hahanda nang masusuot

"Wag na. Ako nang bahala please pumunta ka na dito."nagmamadali niyang tugon

"Hoy babaita ba't ka ba nagmamadali teka teka ito na magbibihis na! O siya siya dadating nako within 20 mins bye."

"Si-sige b-bye"at pinaba niya yung tawag.

Bigla akong kinabahan.Ano kaya ang sasabihin niya sakin?Parang may sekreto siyang hindi napapaliwanag sakin dati pa.

Nagbihis ako at tutal tulog na sila mama at daddy nag iwan lang ako nang sulat sa ibabaw nang mesa at lumabas.Saktong nandun si kuya Dando driver namin.

"Iha ba't gising kapa at san ka pupunta?bihis na bihis ah." tanong niya sakin habang naglilinis nang kotse.

"Kuya may pupuntahan po ako pwede pong pahatid?" Nag puppy eyes pako.
Close ko yan si kuya,ilang years na rin siyang nag tra trabaho sa pamilya namin.

"Nagpaalam ka na ba sa mommy't daddy mo?"nag aalinlangan niyang tanong.

"Hindi pa ho pero may iniwan naman po akong sulat,tsaka sandali lang po tayo dun may sasabihin lang po si Sheena.

"O sige tayo na't baka mas lalong lumalim ang gabi."sabi niya at pinagbuksan ako nang pintuan nang kotse

"Salamat po" *_*

Tinuro ko kung saan ang daan papunta sa spot na lagi naming pinupuntahan actually medyo malapit lang siya.Pwede siyang lakarin pero tiyak na mapapagod ka kahit medyo malapit.
Maya maya ay nakarating na rin kami.

"Kuya paantay nalang po.Saglit lang po ako salamat."paalam ko kay manong

"Sige mag iingat ka at aantayin nalang kita dito."

Tinanguan ko si manong at tsaka lumabas nang kotse.Tinignan ko ang relo ko, 11:48 na nang gabi.Tinawagan ko si sheena

Naka ilang ring ito bago niya sagutin."Hello bess? Nandito nako papunta na dyan"bungad ko sakanya.

"Sige hintayin nalang kita malapit  sa puno nang mangga."sagot niya

"Sige."sabi ko at binaba na ang telepono.

Naglakad lakad ako hanggang sa makarating ako sa puno nang mangga na sinabi niya.Nakita ko siya,pero may kasama siya sino kaya yun? Dahan dahan pakong lumapit at....

--to be continue--

Sorry sa mga typo and grammars.Pasensya na rin kung maikle.Babawiin ko naman sa bawat chapter's.Hope na magustuhan niyo. :3

Don't forget to Vote and comment.Lablots

A: whity_pinky8

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 05, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm Inloved with My Bestfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon