'Challenges are what make life interesting and overcoming them is what makes life meaningful'
-Joshua J. Marine=====
Maya-maya pa'y pinatawag na pabalik sina Kyla at Mr. Stien at kasama na sina Mr. Stone at ang assistant ni Mr. Stien sa loob.
"We, the members of The Court of Mages have decided to expel Kyla from the academy two days from now because of her uncontrollable power" sabi ng nasa gitna. Nanghina si Kyla sa naging desisyon at naiyak nalang siya. Habang ang kabilang partido ay ngiting tagumpay.
"Ayos lang iyan Kyla" sabi ni Mr. Stone at hinagod ang likod ni Kyla upang ito'y patahanin.
Naunang umuwi si Kyla at Mr. Stone sa academy upang masabihan agad ang kaibigan ni Kyla.
Umiiyak siya habang naglalakad hanggang marating ang dorm. Pinahid niya muna ang kanyang mga luha at kumatok.
Agad na binuksan ito ni Tiara at bumungad sakanya ang nag-aalalang mukha ng kaibigan.
"Kyla ano? ano ang naging hatol?" alalang sabi ni Tiara. Pinapasok ni Tiara si Kyla at pinaupo sa upuan habang naghihintay ng balita ang kanyang mga kaibigan.
"Pinapaalis na ako" nakayukong sabi ni Kyla. Napasinghap ang kanyang mga kaibigan pero si Shiela ay palihim na ngumingiti dahil siya ang nagwagi.
Umiyak ulit si Kyla ngunit palihim ito.
"Ayos lang iyan Kyla doon ka nalang sa Bahay namin" sabi ni Greg.
"Maraming salamat Greg pero hindi ako doon tutuloy. Babalik ako saamin" sabi ni Kyla.
"Mauna na ako" sabi ni Kyla at umalis at nagtungo sa kwarto nila ni Tiara. Nag-alala ang lahat ng kanyang mga kaibigan lalo na si Shiro.
Nagkatinginan sila na may halong pag-alala. Habang ngumingiti padin si Shiela.
Pinuntahan ni Tiara si Kyla sa kanyang kwarto. At nakita niya si Kyla na nakahiga sa kama nakalikod kay Tiara.
"Kyla" tawag ni Tiara kay Kyla.
"Okay lang iyon Tiara naiintindihan ko naman ang naging desisyon nila" sabi ni Kyla pero hindi niya padin tinitignan si Tiara.
Napalingon si Tiara sa likod ng may humawak sa kanyang balikat.
"Iwan niyo muna kami Tiara" sabi ni Shiro sa likod. Tumango si Tiara bilang sagot at lumabas ng kwarto. Sinarado at ni-lock ni Shiro ang pinto at sumampa sa kama. At hinahaplos ang buhok ni Kyla.
"Kyla ayos ka lang ba?" tanong ni Shiro. Humarap si Kyla at tinignan si Shiro sa mata.
"Sa tingin mo?" pamimilosopo ni Kyla at tumalikod muli. Napatawa ng mahina si Shiro sa naging sagot ni Kyla.
"I Love You~~" malambing na sabi ni Shiro kay Kyla. Kaya napaharap si Kyla kay Shiro.
"Alam mo, lalanggamin ka talaga niyan" pabirong sabi ni Kyla. Tumawa naman si Shiro sa sinabi ni Kyla.
"I Love You Too" pabulong na sabi ni Kyla na si Shiro lang ang nakakarinig. Inilapit ni Shiro ang kanyang mukha hanggang sa naglapat ang kanilang labi and it was a passionate kiss. Nang magbitiw sila ay napangiti sila pareho.
"Tapos naba kayo diyan inaantok nako" sabi ni Tiara mula sa labas. Napatawa sila pareho ng mahina.
"Oo na lalabas na ko" sabi ni Shiro at hinalikan muli si Kyla pero smack lang. Bago lumabas ng kwarto.
Nagtatakang pumasok si Kyla ng makita niya itong nakangiti.
"Anyare sayo?" tanong ni Tiara.
Umiling lang si Kyla at tumalikod upang itago ang pagiging pula ng kanyang mukha.
BINABASA MO ANG
MAGICEA: Destiny Starts#PHTimes2019
FantasyImpressive Rank Achieved: 188 in academy -(5/11/18) Impressive Rank Achieved-673 out of 971 stories in academy (1/11/19) Impressive rank achieved : 92 out of 238 stories in new Magicea. A world with purpose A world hidden from Fate A world full of...