KABANATA 4

2 1 0
                                    


Ready

Nagising ako ng maaga ng may magaan na pakiramdam.

Napangiti ako ng makita ang pain reliever sa table sa gilid ng kama ko. Kinuha ko ang note na sulat kamay ni March.

Psalm 34:18

The Lord is close to the brokenhearted

Sa aming magkakaibigan, si March ang pinakamakulet, kalog at kung ano anong naiimbento na salita. Masayahin. Lukaret. Pero ito din ang pinakamalalim mag isip. Malalim ang mga hugot lagi. Nagulat ako kagabi sa heart to heart talk nangyari sa pagitan naming dalawa. Si March kasi yung tipo ng taong magsasalita lang kapag alam niyang kailangan na kailangan. Minsan lang siya mag seryoso kaya talagang tatagos sayo. Laking pasasalamat ko kay March dahil sa pag bubukas nito ng isip ko kahit papaano. Tinignan ko ulet ang sticky note na yun at mas gumaan ang pakiramdam ko.

“Iha, gising na anak. Breakfast is ready.” Bahagya akong nagulat ng marinig ko ang boses ng Nana Carmen sa labas ng pinto ng kwarto.

“I’m awake Nana!”

I did my thing. Ligo, toothbrush, blow dry ng buhok. Habit na iyon na hindi ako lumalabas ng bahay ng hindi tuyo ang buhok ko. Pag basa ang buhok na lumabas, lahat ng dumi at usok kakapit sa buhok at mabilis magkakasakit. Well, I got that from my mom,  kaya sunod nalang. Simula bata ako ginagawa na yun ni mom kaya nadala ko na din pag laki.

Lumabas na ako ng kwarto at bumaba pagkatapos ko sa ritual ko. Dumiretso ako sa dining kung saan naka prepare na ang breakfast ko for today. Fried rice, tuna omelette at langonisa. Nakita ko si Nana Carmen na naglalapag ng plato at nag se-set ng table para makakain na kami.

“Hi Nana, what time po kayo dumating?” lumapit ako sa kanya at niyakap ko muna siya bago umupo at siya naman ay kinuha ang mug ko at nilagyan ng brewed coffee na kita ko pa ang usok sa sobrang init.

“Thanks, Nana ang bango!” ngumiti lang siya sa akin bilang sagot.

“Nako, kaninang mga alas singko ng madaling araw ako umuwi. Hinatid ako ni Ernesto kagaya ng bilin mo. Hindi pupwedeng wala kang almusal. At saka maayos naman na si Criselda. Nanganak na siya. Kambal pa!” natutuwang balita nito.

Si Mang Ernesto ay ang driver namin. Ayaw ko kasing nag bu-bus sila paluwas ng Manila lalo na’t 68 na si Nana. Hindi na nito kakayanin ang tagtag sa byahe at makipagsabayan sa siksikan ng mga tao na nagco-commute.

Naupo na din si Nana para makakain. Magulang na ang turing ko sa kanya kaya’t sabay kami lagi kumain sa hapag. Malungkot nga naman kasing kumain ng mag isa at hindi na rin naman iba si Nana sa akin or sa pamilya namin.

“Wow, twins!”

“Oo, babae at lalaki. Napaka swerte nga at unang pagbubuntis palang niya ay kumpleto na agad sila ng lalaki at babae. Sabi ko nga’t wag ng sundan dahil mahirap ang buhay ngayon.” Natawa na lang ako pagkatapos humigop ng kape.

“Haha. Grabe ka naman, Na! Kakapanganak pa nga lang ni Ate Crissy, kasunod na agad ang naisip ninyo.”

“Mahirap ang buhay ngayon iha, nagpapaalala lang naman ako. O bago ko makalimutan, nagbilin ang mommy mo na pupunta daw siya dito sa susunod na linggo. At nanjan ang cookies na binake niya para sayo. Masarap iyan sa kape. Ibaon mo na papuntang opisina mo. Mayroon din si Pebrero. Pinagbalot din ng mommy mo.” sabi nito na may nanunuksong tingin.

Napailing nalang ako. Nagpatuloy nalang ako ng pagkain. Patay malisya na lang. Talagang di padin sila tumitigil ni mommy at tinutukso pa din ako kay Pebrero. Kung alam lang nila. (LOL)

HEAVEN KNOWS (Broken Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon