Lunch Date
"So ano na nga ang eksenang ginawa mo kagabi?"
Nandito kami ngayon sa Raprinlemar bar and restaurant na pag mamay ari nila March at ng pinsan nitong si Aprielle. Restaurant ito sa umaga hanggang 7pm at nag coconvert into bar na inuman at tugtugan mula 9pm hanggang 4am ng medaling araw. Hindi pumayag si Peb na hindi matuloy ang lunch date namin para maipagpatuloy ko ang detalye na namiss nya kagabi.
"Here's your order." Sabi ni March na binatukan muna si Peb bago inilapag ang natitira pa naming order para makapagsimula na kami kumain.
Tawa ng tawa si March dahil nakadali na naman siya ng isa kay Peb. Matalim lang ang ngiti at nakasimangot si Peb sa ginawa ni March sa kanya. Tawa nalang din ako ng tawa at hinampas sa braso ni March dahil sa kalokohan na ginawa. Ewan ko ba, ang lakas ng trip lagi ni March kay Peb at ito ang pinakapaborito nyang asarin at i-bully.
"O ano na Enero?" si Peb yun bilang paguumpisa ng pang uusisa nya.
Tumikhim si March at na upo sa tabi ko.
"So ayun nga, kagaya nung sinabi ko sayo sa text kagabi, nag ce-celebrate na naman itong babaeng ito sa bar di ba? Nung ginigising ko siya dahil dumadami na ang guests at mausok na din, ay nagulat nalang ako na nakita ko siya na namumutla na parang naka kita ng multo. Maya maya, hinabol niya na lang yung Lex na yun at paulit ulit na tinatawag na Arthur."
Singit ni March bago pa ko nakapag salita. Kumunot ang noo ko. Paano nya nalaman na Lex ang pangalan ng lalaking iyon na kamukha ni Arthur? Tanong ko sa isip ko.
"Natulala ako saglit kasi nga bigla na lang siya tumakbo at hinabol yung lalaki. Napatakbo na lang din ako kasi nakita ko na nababangga na siya sa mga tao sa bar. Peak hours na kasi yun. Naabutan ko siya na parang baliw dun sa parking lot. Aligaga. Sa bilis nyang tumakbo nun, hindi niya pa rin naabutan yung lalaki tapos na nginig na, 'may I Crayola' na ang drama. Nag break down na sya. Nag gutter-ring sya."
"What the Yna Marchelle! Anong gutter-ing?"
"Oo gutter-ing!" umirap pa sya na parang alien kami ni Peb dahil slow kami at di nagets ang word of the day nya.
"Duh! Naisip ko kasi, mas okay na yung sa gutter sya lumampasay kesa nag-flooring sya sa kalsada. Dahil pinakamahalaga sa lahat, wala naman available na wall dun kagabi para makapag moment sya nang walling at mas awkward kung sa poste sya ng meralco nag inarte di ba?"
Pagpapatuloy ni March sa kwento nya sabay subo ng gamuol na kanin at ulam sa bibig. Napailing ako. Barubal talaga kumain. Kala mo hindi anak mayaman at isa din ito sa pinaka pinagpala na babaeng matakaw pero hindi tabain.
Tinignan ako ni Peb ng may pag aalala. Hinawakan nito ang kamay ko.
"Ewan ko sayo! Baliw ka talaga! O? E pano mo naman nalaman na Lex ang pangalan nung lalaki?" baling nya kay March.
Lumunok muna ito at uminom ng tubig bago sumagot sa tanong.
"E kasi nung ginigising ko nga ang lasenggang ito," sabay hila sa buhok ko. Napangiwi ako dahil dun.
"Napalakas ata yung tawag ko ng Amanda kaya lumingon sakin yung lalaki, nagkatitigan pa nga kami e. Tumingin din kay Mandy pero tinawag ni August na 'Lex' yung lalaki para sumunod sa VIP room na nakareserve sa kanila. Kasama siya sa grupo nila Sebastian. Remember Sebastian Guerero?"
"Oo, yung lalaking papable din na nanlalandi kay Aprielle na pinsan mo?'
"Yes na yes! Yung tambay lagi sa bar namin."
"Iyak ng iyak yan kagabi. Histerical! di ko na alam gagawin ko e. Buti nahimasmasan nung pauwi na kami sa kanila."
Alam kong alalang alala si March sa akin kagabi. First time nito ako ihatid sa bahay at makita ako sa ganung estado. Madalas tipsy lang ako at si Peb pa ang umaalalay sa akin pauwi. Nataon lang din na may importanteng lakad ang huli kagabi kasama ang pamilya nito. Tapos wala pa si Nana Carmen dahil lumuwas ito ng Bagiuo.
BINABASA MO ANG
HEAVEN KNOWS (Broken Series 1)
General FictionAnd they can't understand, what hurts more- Missing the other person, or pretending not to. Khadija Rupa, Unexpressed Feelings