**18**

75.7K 1K 15
                                    

Chapter 18

TRAVIS'S POV

"Travis! Pre nasaan yung mag-i-ina ko?"

Sakto naman na lumabas yung doctor at mga nurse galing sa loob.

"Doc, kamusta na sya?" bigla akong lumapit sa Doctor, di ko pa rin sinasagot si Light na bakas na sa mukha ang pagtataka.

"As for now she's okay, nagkaroon ng seizure we'll run another test sa kanya. Maiwan ko muna kayo." Napaupo na lang ako sa upuan at napasabunot sa buhok ko nakakafrustrate naman!

Pakiramdam ko napaka inutil ko at wala akong magawa para sa kapatid ko.

"Pre, what the hell is happening? Sino nandyan sa ICU at nag seizure? Travis kausapin mo naman ako."

Tiningnan ko lang si Light tapos dinala ko sa loob.

Rain's POV

Nagtataka na ako kung sino ba ang pinaguusapan ng Doctor na to at ni Travis. Hindi nya pa rin sinasabi sa akin kung kamusta na ang magiina ko. Gustong gusto ko nang makita ang mga anak ko at ang asawa ko.

Hindi pa nya dapat kabwanan pero heto at napaaga sya nangpanganganak kaya naman hindi ko maiwasan hindi kabahan.

Ang pinagtataka ko kung sino ang nag seizure?

Pagkatapos nilang magusap hinawakan lang ako ni Travis at pinapasok sa lugar kung saan lumabas yung mga doctor.

Dub dub dub dub dub

Ang lakas ng tibok ng puso ko at wala na halos akong marinig kung hindi ang tibok lang nito. Naguguluhan ako kung bakit gantong kaba ang nararamdaman ko sa pagpasok namin sa isang kwarto.

My tears fell like rain when I saw Paris lying in the hospital bed. Maraming tubo ang nakakabit sa kanya meron pang respirator, IV, at pulse and heart monitor she looks vulnerable and fragile ang sakit sakit sobra.

Mabigat ang pakiramdam ko. Nanginginig ang mga kamay ko pati na ang tuhod ko sa nakikita ko.

"Travis b-bakit n-nagkaganto? D-di ba m-maayos naman sya when I left her?"

He just stares wala ni ha ni ho kaya naman kwinelyuhan ko sya.

"Fvck Travis! Please tell me what the fvck happened?! Bat sya nagkaganto?"

Umiiyak lang sya tapos naupo sa lapag katabi ng kama ni Paris habang nakasabunot sa ulo buhok nya.

Naguguluhan ako sa mga nangyayari last week lang maaayos pa sya bakit ngayon ganto na sya.

Huminga muna sya ng malalim bago nag kwento kung ano talaga ang nangyari kay Paris.

"Nasaan na ngayon yung mga bata?"

All I can do is look at her helpless body...

Why her?

"Nasa nursery sila puntahan mo na muna kasi kailangan ng nurse yung mga pangalan nila." He said without looking at me. "Ako na muna rito pagbalik mo na lang ako uuwi para kumuha ng gamit." Duktong pa nya.

"Sige pre pupuntahan ko lang muna ang mga bata." Kahit na gusto kong lapitan at hawakan si Paris hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas para gawin yun. pakiramdam ko kapag nawakan ko sya ay bigla na lang syang mawaawala sa akin.

Nakita ko yung mga bata na naka incubator. Napakawalang kwenta kong ama at asawa. Wala man lang akong magawa para sa kanila... Kung kaya lang nang lahat ng pera ko ang mapagaling sila ngayon mismo ginawa ko na.

Billionaire's Sexy Bitch Wife [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon