Actually, wala talagang kinalaman ang ending nung previous chapter sa susunod ng mga mangyayari. Wala kasi akong maisip na ending kaya iyon na lang ang ginawa ko. Anyway, sa totoo lang hindi ko na alam kung saan papunta ang kwentong ito. Basta type na lang ako ng type kung ano ang biglang mag spark sa isip kong idea.
"Excuse me Mr Author, puro intro na lang po ba ito?" Tanong ni Nena sa Author.
"Wait lang, ha. Nag papaliwanag pa po ako." Sabi ko.
"Pwedeng paki bilisan? Remember, nasa mala-time space warp chuchu ako? Nakakahilo na kaya. U Know?"
At wala nang isinagot ang Author ng kwentong ito kay Nena.
Ang gulo na ba? Hindi. Wag nyo na isipin. Itutuloy ko na lang ang pagsusulat para may mabasa na uli kayo. Naawa naman kasi ako kay Nena. Hanggang ngayon, naglalakbay pa rin sya sa Time Space Warp thingy.
So, ayun na nga. Patuloy na naglalakbay sa mala-Space warp dimention si Nena. Siguro mga 3days 7hrs 8mins syang paikot ikot.
Plok! Nahulog si Nena mula sa isang butas. Mataas iyon. Pero hindi sya napilay kasi sa putik sya nalaglag. Natutulog pa din siya nung mga oras na yun. Hindi nya naramdaman ang mga pangyayari. (ikaw ba naman ang magpaikot-ikot sa loob ng 3days 7hrs and 8mins. tignan ko lang)
Nang magising siya...
**Malabo ang dating ng camera. Yung blured at unti-unting lilinaw**
"Nasaan ako?" Tanong ni Nena sa sarili habang medyo nahihilo. Mayamaya pa'y narininig nyang muli ang tinig . . .
"Nena tumayo ka. Ikaw ay nasa mundo MojiMoji. Kailangan mo nang mag madali kung gusto mo pang mailigtas ang mga magulang mo."
"Pano ko sila mahahanap dito? Anong lugar ba to? Nakakatakot!"
"Walang mangyayari kung paiiralin mo ang takot. Kailangan mong harapin ang mga pagsubok. Nasa mga palad mo ang kaligtasan ng iyong mga magulang."
Biglang natahimik si Nena. Napaisip siya nang malalim (kasing lalim ng ocean deep).
"Haaah! Kaya ko 'to. Ililigtas ko ang mga magulang ko!"
"Sa wakas at naisip mo din yan! Anyway, kailangan mong makarating sa Gubat ng Tukso bago pa dumulim. Doon ay may makikilala kang tutulong sayo upang mahanap mo na ang mga magulang mo."
"Kailangan ko na palang mag madali. Salamat sayo!"
Agad namang tinungo ni Nena ang nasabing gubat. Mabilis nyang nilakbay ang mga masusukal na daan. Hindi nya alintana ang mga insektong kumakagat sa makikinis at maputi nyang balat.
BINABASA MO ANG
Ang Alindog ni Nena
FantasyHindi sa lahat ng oras, makukuha mo kung anong gusto mo. Minsan, kailangan mo din paghirapan para malaman mo ang tunay na halaga nito.