Para Sayo

122 1 0
                                    

Ilang beses ko pa ba kailangan umiyak?
Ilang beses ko pa ba kailangan masaktan?
Ilang beses ko pa ba kailangan magpanggap na masaya?
Alam kong nasasaktan na ako pero bakit ganun?
Bakit ayaw ko parin bumitaw? 
Nakakapagod na 
Nakakapagod umiyak
Nakakapagod masaktan
Nakakapagod din magpanggap na masaya
Nagsasawa na ako magpanggap
Na kung minsan akoy napapaisip
Napapaisip kung karapat dapat ba ako
Na ultimo oras-oras masaya ako
Masaya na nagdiriwang ng aking tagumpay 
Subalit, ang kasiyahan ay napalitan ng lungkot
Lungkot na pati ang aking mukha ay hindi maipinta
Madami ang nagsasabi na strong daw ako
Strong kasi kaya lagpasan lahat
Strong kasi hindi basta basta sumusuko
Strong pa rin kahit nasasaktan na 
Strong na gusto ng bumitaw
Oo nakikita nila na kaya ko pa pero ang totoo hirap na hirap na ako
Sa likod ng maamo, masaya at tila walang problemang mukha
Ay makikita kung paano ako nagtatago ng hapdi, mapasaya lang ang ibang tao
Na tila takot na makasakit ng ibang tao pero ang ibang tao, hindi takot na saktan ako
Kung minsan ang ilan ay gustong sabihin sa kanya “be pahinga din pag pagod kana iiyak mo lang kung di mo na kaya isigaw mo lng para mabawasan pero tandaan mo nandyan ang mga kaibigan mo mga tunay mong kaibigan na hinding hindi ka iiwan nandyan ang iyong magulang na pwde mong lapitan na pwde mo sabihin lahat ng sakit nandyan ang dios na handang makinig sa lahat ng iyong problema at pagsubok na iyong pinagdaraan”
Kaya maraming taong aasa na mapasaya ko sila 
Aasang tutulungan ko sila
Aasang hndi ako bibitiw sa kabila ng aking lungkot
Kaya akoy napapaisip na kailangan ko ng pakawalan
Pakawalan ang lungkot at sakit sa aking puso 
Gusto ko ng maging masaya muli
Ibalik ang aking dating sigla
Ngunit akoy takot na muling masaktan 
Kahit n naisin ko na maging masaya muli para sakin kasing labo na ng salamin 
Isa lang ang bagay na malinaw sakin na nais kong maging masaya at malaya

Hugot Spoken Poetry (COMPLETED) Under Ukiyoto Publishing HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon