Natasha's POVNagising ako sa ilaw na sumisilaw sa mga mata ko. What the hell? Hindi ko ba naisara ang kurtina kagabi? Napa daing ako ng maramdamang namamanhid ang kaliwang braso ko. Bakit ba ako natulog ng nakatagild at inunan ko pa ang braso ko. Ugh. Numb tuloy.
Tinatamad pa akong imulat ang mata ko at tumayo. Pero dahil sa malakas na tilaok ng manok ay mabilisan akong napabangon. Shoot. Dito ba ako natulog?
Napatingin ako sa palagid. Waah I fell asleep nga talaga dito sa dining area sa labas. Buti na lang may bubong! Tatayo na sana ako ng napahawak ako sa malambot na kumot. Hmm it's cotton, my favourite kind of cloth.
Then it hits me. Wala naman akong maalala na binalak kong matulog dito at nagdala pa ako ng kumot. Nakatulog nga ako habang nagre-review. Eh teka? Asan si Oyang?
Napangiti na lang ako sa naiisip ko. I don't want to assume anything but could it be Oyang? Sya ba ang nagkumot sakin?
Umiling ako at tinupi ang kumot. Pumasok ako sa bahay ko at pinatong sa kama ko yung kumot. Ibabalik ko na lang mamaya. Napatingin ako sa orasan at HOLY MOTHER OF KUMOT!
LATE NA AKO, LAGOT.
Nagmamadali akong pumunta sa labas at pumasok sa banyo na ginawa ni Oyang. Pagpasok ko ay nakita kong puno ang dalawang drum ng tubig. Ay oo nga pala, iniigib lang ang tubig dito. Buti na lang ay may tubig na kundi ay di na talaga ako makakapasok dahil aabutin ako ng siyam siyam kaka-igib.
Mabilisan akong nagligo. Goodness, dati kapag naliligo ako ay inaabot ako ng halos isang oras. Dito ay sobrang bilis lang. I miss my hot shower! And of course my lovely bath!
...
Pagdating ko sa gate ng school ay hinarang ako ni manong guard.
"Tsk. Late. Asan ang ID mo?"
Shoot! Yung ID ko oh my what to do? Ang unorganise ko yata ngayon!
"U-um. Ano po. Wala pa po akong ID. Hindi ko pa po nabibigay sa principal yung litrato ko." napakamot ako ng kilay. How can I forget things easily now? Dati naman ay hindi ako ganito.
Tumaas naman ang kilay nya na para bang naiintindihan nya ako. "Ikaw pala ang bagong lipat dito. Sige na pwede ka nang pumasok." binuksan nya yung gate para sakin. "Pero dumaan ka muna sa principal's office at ibigay mo ang litrato mo. Dala mo naman siguro diba?"
Ngumiti ako at nag thumbs up. "Oo naman po."
Pagkabigay ko sa principal nung picture ko ay kinailangan kong mag explain kung bakit ako late
"Ah...eh. ano po. Nakatulog po ako pagkatapos magreview sa labas ng bahay. Tapos late na po ako nagising." pag sabi ko ng totoo.
Gusto ko pa sanang magsinungaling at gumawa ng excuse like "kala ko po Sabado ngayon." kaso ang lame.
Binigyan nya ako ng papel at sinabing ibigay yun sa teacher ko. Excuse letter daw yun. Nung binasa ko yung sinulat ng principal ay natawa ako at napatingin sakanya sabay thumbs up ulit at ngiting malawak. Astig din pala 'to si Sir eh.
Binigay ko na rin ang picture ko para sa ID.
Naglalakad ako papunta sa classroom ng biglang may sumigaw.

BINABASA MO ANG
Mission: Act Like a Probinsyana
Teen FictionTasha, who has been trained to be the successor of her dad, a high profile secret agent, was sent to the province of Camarines Sur for an important mission to prove that she's ready to enter the work force. Her mission: act like a PROBINSYANA in ord...