TAMA NA
Ang tulang ito ay inaalay ko sa mga taong nag mahal na ng totoo ginago pa ng todo
Para sa mga taong iniwan nalang bigla ng wala man lang kahit anong dahilan
Para to sa mga taong nagmahal ng lubusan pero labis pang sinaktan
PAKI USAP KO SAYO .. TAMA NATama na yung minsan kang niloko
At tinarantado ng taong ginawa mong mundo mo habang ikaw sing liit ng monggo ang tingin sa'yoTAMA NA . Tama na ang pag iyak, dahil kahit gaano karaming luha ang iyong iiyak at anumang alak ang iyong ilaklak hindi na mababago yung katotohanang minsan na syang nag balak na iwan kana lang na nasasadlak.
TAMA NA. tama na ang pag mamaka awa dahil hindi naman ikaw ang nakaka awa kundi siya ,
Nagawa nyang iwan ang taong takot syang mawala
Nagawa ka nyang ipagpalit sa iba ng basta basta
Kaya paki usap ko sayo tama naTama na . tama na ang pag papakatanga sa taong hindi marunong mag pahalaga
Ng mga pinagsamahan at naipon nyong alaalaTama na , tama na yung pag yakap mo sa iyong unan gabi gabi habang nakatago sa ilalim ng iyong kumot at humihikbi
Tama na , itigil mo na yung mga katanungang bumabalot sa iyong isipan at nag tatanong kung bakit ka iniwan,bakit ka sinaktan dahil wala sayo ang problema kung hindi ay nasa kanya
Tama na. Tama na yung pag papahirap mo sa iyong sarili ,
Iniisip mo gabi gabi na paano na kaya bukas? Umaasa na sana wala ng maiwang bakas ng sakit mula sa mapait na kahapong iyong dinanas..Tama na . wag mong ubusin ang iyong lakas para lang sa taong isang ungas na mas malala pa kay hudas
Tama na , Huwag ka nang kumapit sa katagang " baka pwede pa ,baka may pag asa pa " dahil kung ikaw ay mahal nya talaga hinding hindi ka niya ipag papalit sa iba .
Tama na . Oo hindi madaling tumakas sa katotohanang mahal mo pa rin sya pero paki usap ko sayo habang may oras ka pa pakiusap tumakas kana !
Dahil mas mahirap ang magapos sa kasinungalingang hindi matapos tapos
Sapagkat kahit ikaw ay mapaos kaka sigaw sa kanya ng Mahal Kita ay wala na ring kwenta lalo na't may iba na siya .Tama na . itigil mo na ang pag bibigay mo ng pag mamahal sa taong hangal
Dahil masakit tapusin ang kwentong nais mo pang ipag patuloy
At mahirap ipag patuloy ang kwentong alam mong tapos naHanapin mo ulit yung sarili mong nawala nung mga panahong minahal mo siya at mas mahalin mo ito ng sobra pag ito'y nahanap mo na.
ipahinga mo ang iyong sarili ,puso't isipan huminga ng malalim at sabihin mong Tama Na.
YOU ARE READING
TAMA NA!
PoetryPara sa mga taong umasa at pinaasa, nasaktan at sinaktan. Para sa mga taong patuloy na lumalaban kahit wala nang dapat ipag laban. Tama na. -------- This poem is a creation of a mind full of thoughts. This is created by Ms. @Laramelissazaldua Ps. Do...