TAGPUAN

3 1 0
                                    

Araw-araw nagtataka ako,
Nagtataka bakit araw-araw ganito,
Araw-araw parang may hinahanap ang aking puso,
Naghahanap sa isang daanang walang dulo.
Araw-araw nagtataka ako,
B

akit tadhana ay tunay na mapaglaro,
Bakit ang oras di mapabilis ang takbo,
Nalulungkot, nayayamot, atat na matapos pangungulila sa'yo.
Tinitiis ko ang bawat buwan, linggo, araw, oras, minuto at segundo,
Bawat segundong sabik maramdaman yakap mo.

Patawarin mo ko sa kahibangan kong ito,
Patawarin mo itong pusong makita ka ay siyang gusto,
Pagbiyan mo sanang akoy maglumo,
Pagbigyan na ako'y magsumamo,
Hayaan mo sanang akoy maging makasarili sa bawat talata nito,
Sasabihin ang paghihinayang sa isip ko,
Paghihinayang na sana ikaw ngayo'y katabi ko.
Alam ko para akong Gago,
Ngunit di mo ako masisisi pagkat mahal ka lang ng puso kong ito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 30, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

poem zkyeWhere stories live. Discover now