It was the end of the month.
The month of December.
Magbabagong taon na pero hindi ka parin nagigising.
Kailan mo ba balak akong balikan?
Kailan mo ba ako balak makita?
My parents set me in an arranged marriage with Carl. Sabi nila, this upcoming January na ang pag iisang dibdib namin.
Alam mo namang in the first place tutol ang mga magulang ko sa relasyon natin, diba? They even considered this comatose of yours as a karma. Karma dahil sa pagtakas mo saakin noong gabing yun.
Ang sakit lang maramdaman na mukhang sumusuko ka na rin sakin. All this time, nandito parin ako sa tabi mo, hinihintay kang magising. It's been four months since that accident happened. Pero maski katiting na pagsuko, wala akong naramdaman sa mga oras na yun. Because I know one thing. That you and I are meant to be together.
Alam kong kahit na ang buong mundo pa ang kumontra sa pagmamahalan natin, babalik at babalik parin tayo sa isa't-isa.
Pero one day, nagising nalang ako. Out of nowhere nakita kita. Nakatayo sa harap ko. You seemed so close na para bang abot kamay lang pero nabigo ako dahil hindi man lang kita mahawakan.
Then you said those words that really broke and tear my heart.
Angel, do not wait for me anymore. Please be happy with him.
Hindi ko alam pero napabalikwas agad ako ng bangon non. Sunod sunod na maiinit na tubig ang dumaosdos sa aking pisngi.
Zeus. . .
Alam kong hindi yun totoo pero bakit tila tumatagos yun sa akin? Tila yun ang gusto mong iparating? Yun nga ba ang gusto mong mangyari?
Ito na ang araw. Ang araw kung saan alam kong kailangan ko nang isuko lahat. Alam kong hindi ito magiging madali. Pero, I have to do this. Para sa ikakatahimik ng lahat.
Dahan dahan akong naglakad papuntang altar. Everyone's attention was pinned on me. Carl's smile habang hinihintay ako, my dad's hand na inaalalayan ako papunta sa harap. My mom's teary eyes habang pinagmamasdan akong naglalakad. Everything was so perfect. Dapat makaramdam din ako ng saya na gaya ng nararamdaman nila.
Pero. . .
Hindi ko parin maiwasan ang isipin ka. Zeus. Alam kong isa narin itong pagtataksil. Ang isipin ka habang sa iba na naman ako itatali.
Ikaw parin talaga, Zeus.
Bawat hakbang na aking ginagawa ay ang bawat hiling ko rin na sana ikaw nalang. Na sana ikaw nalang ang nasa harap ko ngayon. Na sana ikaw nalang yung naghihintay saakin na makatungtong sa altar. Pero alam kong imposible.
Dahil ikakasal ka na rin, sa iba.
Nagmulat ka ng mga mata kung kailan naging buo na ang desisyon ko. Ang desisyon kong iwan ka at magpakasal sakanya.
Pero hindi ko inakalang magiging worth it pala iyon. Kasi pagkagising mo, hindi mo hinanap ang mukha ko.
Kinalimutan mo ako Zeus.
Inabot ko ang nakalahad na kamay saakin nung makapunta ako sa harap ng altar. Carl's hand. Ramdam ko ang saya niya. Napaka genuine ng mga ngiti at matatamis na mga labi.
In that moment, alam kong wala na. Wala nang pag asa.
Nagsimula ang seremonya hanggang sa umabot sa punto na pinakahihintay ng lahat.
Angel, do you take Carl as your husband?
Humugot muna ako ng malalim na hininga at pumikit. Pagmulat ng aking mga mata, tumingin ako sa lahat ng mga taong nandito sa loob. Pero hindi ko inaasahan ang aking makikita.
You. Standing. Watching me behind those thin glasses of windows.
Your eyes. I saw pain. Longing. Sadness. Ngumiti ka ng mapait.
Zeus. . .
Napapikit ako at napahawak sa dress ko nang mahigpit bago muling humarap sa pari at isinambit ang mga salitang alam kong puputol sa lahat ng ano mang koneksiyon ko sakanya.
I'm sorry but I can't do this.
Tumakbo ako. Tumalikod sa lahat ng taong gusto kong pakitaan ng hanga. At humarap sa taong gusto kong pakitaan ng aking saya.
Zeus. . .
Tumakbo ako papunta sayo. Mahal kita Zeus. At hindi ko kailanman makikita ang sarili kong buo kapag wala ka.
Nakangiti mong sinalo ako sa iyong mga bisig. Mahigpit na niyakap at marahan na hinalikan.
Mahal kita, Angel. Ikaw at ikaw lang.
There, I witnessed that even in my biggest downfall, God always makes a way for me to be lifted up and face all of my fears. Hindi niya hinayaang hindi ko ipaglaban ang kung ano ang gusto ko.
God gave me that one last miracle na alam kong kailangan kong ingatan.
-END-
Hey! If you're reading this note, probably you're done reading that short story I made. Wala, share ko lang naman. Boring dito sa bahay e. And actually, it should end up with a sad ending but naisip ko na hindi masu-suit sa title. Ayoko din naman ibahin ang title dahil, uhm gusto ko lang. (lol). XD.
So sa mga naniniwala sa happy endings jan, long live pals!
-magende♡
YOU ARE READING
One Last Miracle | One-shot
Short StoryA one-shot story. Highest ranking: 10 in Ways.