One: Truth Revealed

368 8 11
                                    

Monday ( 6 AM )

Pagkapasok ko sa classroom namin, binati ako ng maingay na classroom.

"Uy. Si Mica oh." rinig kong sabi ng isa sa mga kaibigan ko. Lumapit silang lima sa akin at nakita kong may hawak si Sara. "Mica, may nagpapa-bigay." inabot niya sa akin ang isang rosas.

"Uhhm. Okay.. Kanino galing?" sagot ko habang hawak ang rosas.

"Secret admirer mo." ngiti niyang sabi.

Bumalik sila sa teritoryo naming magkakaibigan habang ako ay naiwan kasama si Anne. Sinamahan niya ako hanggang sa lamesa ko.

"Bes," tawag niya habang nilalapag ko ang bag ko sa upuan at nilingon ko siya. "Sa labas muna tayo. Hindi pa naman time eh." sabi niya at lumabas kami.

"Mica, Anne. Saan kayo pupunta?" tanong ni Cyrus na kaibigan namin. "Sa labas, sama ka?" tanong ko. "Okay." aniya.

"Diba bawal ilabas yung inside slippers?" ani Anne kaya naman tinanggal namin ang inside slippers namin at lumabas na may socks lang.

Isinuot naming tatlo ang black shoes namin at naglakad papunta sa 3rd floor. Doon kami madalas tumambay.

"May ideya ba kayo kung sino yung secret admirer ko na yun?" tanong ko.

Nagkatinginan silang dalawa. "A-ah. Wala.." sagot ni Cyrus.

Napa-tango naman ako. Narinig ko na nagbubulungan sila pero hindi ko ito maintindihan.

"Pasukan na pala. Lika na." ani Anne at bumaba kaming tatlo.

Habang bumababa ay muntik na akong mahulog sa hagdan pero agad akong tinulungan ni Cyrus. Nag-eye contact kaming dalawa pero umiwas agad ng tingin. Pero, hawak niya parin ang kamay ko at binalewala ko lang hanggang sa nasa classroom na kami.

"Uy Cyrus! Nakaka-points ka ah!" sigaw ni Aron na kaibigan ni Cyrus kaya naman napatingin silang lahat sa amin.

Shit.

Naka-hawak pa pala kami! Naghiyawan naman ang mga classmates namin.

Bwisit naman.

"Class, tumigil na kayo at kayong tatlo, bumalik sa upuan." ani Teacher Rosie na sinunod namin.

May something weird kay Cyrus.

( Lunch )

Naka-upo kaming magkakaibigan sa canteen, kumakain, nagtatawanan, nagaasaran pero, tahimik lang ako hanggang sa narinig ko ang name ng crush ko.

"Ayiee. Tingin naman siya.." asar ni Sara.

Si Sara, siya yung habang buhay kang aasarin.

"Ayun siya oh!" turo ni Athena sa labas ng canteen.

Napalingon kaming lahat.

Shit shit shit.

Kinuha ko agad ang pagkain ko at lalabas na sana ako ng canteen nang may nabunggo ako. Umangat ako at nakita si Jeremy, ang crush ko.

"Ay, sorry Mica." sorry niya sa akin habang hawak ang dalawa kong balikag at magka-tinginan lang kaming dalawa sa mata at first time kong ganto kalapit sakanya! Malapit na akong mamatay!

"O-okay lang.."

"Saan ka ba pupunta?" tanong niya.

Pupunta sa puso mo.

"Ah... Wala naman. Sige balik na ako sa mga kaibigan ko." nilagpasan ko siya pero hinawakan niya ang kamay ko. Napa-pikit ako.

"Nandun yung kaibigan mo oh." turo niya. "Ay, sorry." i awkwardly smile.

Bumalik ako sa upuan ng mga kaibigan ko at tinignan ko sila. "Sussssssss."

~~~~

"Guys! Laro tayo ng Truth or Dare.." yaya ni Sara.

Naglaro kaming magkakaibigan at kasama ang mga ibang boys gaya ni Cyrus.

Nasa harap ko siya at nagka-tinginan kami ng saglit.

Pinaikot ni Sara ng bote at tumutok ito kay Cyrus at Billy.

"Truth or Dare?" tanong nito kay Cyrus. Tinignana niya muna ako bago sumagot, "Truth."

"Okay. Sinong mahal mo?" ngumisi si Billy.

Tumitig kami sakanya. "Truth ha! Means dapat toto ang isa--"

"Si Mica."

Naghiyawan sila.

I knew it!

•••

HI! 'Yung ibang parts ay inspired by true events :)
Please support my 1st Teen Fiction :) Thank you💓

(alam ko po 'di ako masyadong magaling mag-sulat, i'm not a pro😄)

The First Guy Who Made Her Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon