Chapter 5
Powers
***
"Anong ibig mong sabihin Professor Alexa?" Kanina pa ako naguguluhan sa mga pinagsasabi niya. I'm one of them?
"Your mother, your true mother is my best friend. Sanggol ka pa lang noon ng iwan ka namin sa normal na mundo kung saan ka na lumaki." Totoo ba 'tong pinagsasabi niya?! Hindi ko na alam! Naguguluhan na ako! "Sorry at ngayon ko lang 'to sinabi sayo, simula pa lang ng nakita kita sa Council ay alam kong ikaw na yan. Ang anak ni Chloe, ang pangalan ng iyong ina at kaibigan ko siya." Nagsimula na siyang umiyak. Hindi pa din nagsi-sink sa utak ko ang mga sinasabi niya.
"Pero kung totoo yang sinasabi mo? Bakit wala akong kapangyarihan kagaya niyo?" Talaga naman kasi eh.
"Your powers is taken from you." Anong ibig niyang sabihin? "Kinuha ito sayo dahil masyadong makapangyarihan ang kapangyrihan mo, sa huling pagkakatanda ko ay nasa partner ito ng tunay na nanay mo."
"Paano nangyari yon?" Tanong ko.
"She used her last strength to remove it from you, to give you a normal life." Sa oras na iyon ay unti-unti ng tumutulo ang luha ko. Hindi ko mapigilan na maniwala sa kanya.
"Why?! Bakit niya ginawa yun?!" Napasigaw na lang ako dahil sa lungkot at galit na nararamdaman ko.
"Dahil kapag hindi niya ginawa yun, kukunin ka nila."
"Sino?"
"Pasensya ka na pero hanggang dito na lang ang usapan natin, ipagpapatuloy pa natin 'to pangako."
"Per-" Nabigla na lang ako at dahil bumalik ako sa labas ng room kung saan nagtre-training sina Cassie.
Hindi ko pa din mapigilang umiyak sa mga narinig ko kanina. Napaupo na lang ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko na alam ang dapat kong paniwalaan sa mundong ito. Ang daming tanong na hindi nasagot ni Professor Alexa. Mga tanong na gustong-gusto kong malaman ang mga sagot.
——
Cassie's P.O.V.
Kanina pang hindi makausap itong si Orianna. After our training nakita ko na lang siya na naka-upo sa sahig habang naiyak, para nga siyang nawawalang bata eh. Nang makabalik na kami sa room namin ay natulog siya, nakatalukbong pa nga ng kumot. Ang dahilan niya pa ay hindi daw maganda ang pakiramdam niya pero sa tingin ko may mas malala pa siyang dahilan kung bakit siya nagkakaganyan. Bahala nga siya diyan, lalabas muna ako. "Orianna alis muna ako ha." Pagpapaalam ko sa kanya, hindi lang man siya sumagot. Ano bang nangyayari sa kanya?
Makikipagkita na nga lang ako kila Lyra. Sakto naman at nakita ko silang dalawa ni Ekko, naku po bad timing pa 'ata. Ayoko namang makasira sa lambingan nila no. Si Arzan na nga lang. No choice eh.
But suddenly bigla akong may narinig na pagsabog. Ano yon?! Galing sa girls dorm! Si... Orianna!
Tumakbo ako pabalik, madami na ding ibang estudyante ang nagpapanic. What the hell is going on?!
"Orianna!" Sigaw ko ng pagkabukas ko sa pinto. Ang daming usok! "Orianna!" Sigaw ko muli. Nang medyo nawala-wala na ang usok ay nakita ko na lang si Orianna sa sahig at walang malay. Diyos ko po! "Tulong!" Sigaw ko sa labas.
Orianna's P.O.V.
Parang ang gaan-gaan ng pakiramdam ko ngayon sa kabila ng mga nalaman ko. Teka, nasaan ba ako? Puro kasi liwanag ang nakikita ko, patay na ba ako? Wag naman sana madami pa akong gustong malaman eh.
BINABASA MO ANG
Fantastic Academy
FantasíaOrianna Clock a teenager na mayaman at may almost perfect happy life but we all know na walang perpekto sa mundong ito. Dahil sa pagiging curious niya sa mga bagay-bagay, isang pangyayari ang hindi niya inaasahan. Napunta siya sa isang mundo na hind...