~•Ariela's Point of View•~
"Bakit ang tagal mo/Yan na ba ang anak mo?" Sabay na sabi nila.
Umupo ako sa tabi ni mama na nakasimangot habang nakatingin sakin ngayon. 30 minutes lang naman ako nagbanyo e galit agad. Tumingin nalang ako sa babaeng kaharap nito, ang nag-iisang kumare nya.
Ngumiti ako rito. "Hello po Tita... Ako nga po ang anak ng kumare nyo." Masayang pakilala ko rito.
"Bakit ikaw ang sumagot? Hindi naman ikaw ang tinatanong ko, jiha."
Ayy grabe. Pilosopo rin pala ang isang 'to gaya ni mama. Akalain mo yun? Ang ayos ayos ko nagpakilala sakanya tapos pipilosopohin lang nya ako? Juskoooo! Magkumare nga sila!
Magsasalita na sana ako nang sumabat si mama. Grrr. Epal talaga kainis!
"Sya nga ang babaeng anak ko, Theresa. Hayaan mo na iyan. Ituloy na natin ang pinag-uusapan natin." Uminom ito ng orange juice nya na ewan ko kung saan nya galing. Baka binigay siguro ng kumare nyang baboy---este mataba pala.
"Mabuti nga at ituloy na natin dahil sayang ang oras aalis narin ako maya maya dahil may pupuntahan pa ako." Tinignan ko ito at sinuri ko mula ulo hanggang paa. Mayaman nga talaga. Paano marami itong alahas na suot suot sa kanyang katawan at puro diamonds pa ang mga ito. Hindi rin sya mahilig sa diamonds, no? Anyway may mga butler pang nakapaligid sakanya animo'y mukang pinoprotektahan talaga sya. Baka siguro nakawan? Haha charot. Tinignan ko ang mukha nya, nasa 45 plus narin tulad ni Mama. Well, kahit matanda na sya e maganda parin sya. Yun nga lang mas maganda ang Mama ko kesa sakanya. Kaya nga may pinagmanahan ako, yun nga lang sila maganda lang ako naman dyosa. Mas higit na maganda kesa sakanila hahaha.
Nagsimula na silang mag usap tungkol sa business churva churva eklavu. Hindi ako nakikinig sa pinag-uusapan nila dahil hindi naman ako chismosang dyosa at hindi rin ako interesado sa mga business nila kaya bahala sila jan magchikahang dalawa hanggang sa magsawa sila.
At dahil bored ako dito, binuksan ko ang messenger ko dahil kanina pa ito tumutunog. Marami na namang messages panigurado galing sa mga friends ko at sa mga strangers na lalaking nagtatanong kung pwede daw ba nila akong ligawan, e jusko ang papangit lang naman nila at hindi ko sila bet dahil may taste ako sa lalaki at gusto ko gwapo lang at matcho gaya ni Greg---wala echosera ka. So back to strangers ugly guy. Baka nga habol pa nila sakin e kayamanan namin at baka kung ano pa ang magawa ko sakanila kung nagkataon na mangyari yun no. I hate gold diggers. Mga peste sila sa mundo nakakainis talaga.
Bakit ako naiinis? Well, naiinis lang naman ako sa mga gold digger because I have friend before na gold digger at plastic pa. Puro lang ito pa-libre ng pa-libre at pabili ng pabili sakin dati ng kung ano ano at dahil sya lang ang nag-iisang kaibigan ko noon sa school namin dahil transferee ako, edi binibigay at sinusunod ko lahat ng gusto nya. Wala e no choice kase dahil sya lang kaibigan ko noon. Pero nung nalaman ko na sinisiraan nya ako sa ibang tao at worst, sa crush ko pa na si Greg---wala echosera na naman kayo. So yun nga nung siniraan nya ako sa crush ko dati e dun na kami nag away at naging FO na kami at simula nun hindi na kami nagkita pa dahil lumipat ako ng ibang school sa kadahilanang ayoko na syang makita pa ever. At simula nga noon at hanggang ngayon e hindi na kami nagkita pa. Kung interesado kayo kung sino sya? Pwes ayoko ng sabihin pa kung sino sya at ang pangalan nya sa inyo dahil kumukulo talaga ang dugo ko kapag naaalala ko sya. Pero sige bibigyan ko kayo ng clue dahil mabait naman ako. At ang clue ay nagsisimula sa letter S ang name nya. Hulaan nyo nalang kung mahuhula nyo. Haha good luck sa inyo. *wink*
Hay naku ang dami ko ng sinabi. Back to the topic na nga. So yun pagkatapos kong binuksan ang messenger ko ay tinago ko na ang cellphone ko sa pouch ko.
BINABASA MO ANG
ARIELA FEELINGERA
HumorOnce upon a time---oops! Hindi ako madrama, feelingera ako kaya manahimik ka! K? By the way, I am your new pantasya ng bayan, at dyosa ng sambayanan. The one and only... ARIELA FEELINGERA!!! ©ALL RIGHTS RESERVED. COPYRIGHT 2018. (Read at your own r...