Chapter Fourteen

4.8K 165 10
                                    

Mission

Ilang araw narin ang nakalipas, o apat na linggo na ang nakalipas simula nung huling announcment. After that, everything went back to normal. Pero nahahalata ko na kung gaano ka desperada ang ibang mga first year students to gain reputation, halos lahat sila nagpapasikat, nagpapakitang-gilas. Kung noon ay wala halos nakikinig sa mga lessons ng mga professors, since boring naman takaga ang iba, pero ngayon baliktad na ang mga nangyayari. Well, malapit narin kasi ang Finals. At hindi lang physical abilities ang kailangan naming ipakita, we also need to pass the written exams. Hays.

Sa mga nakaraang linggo palagi nakang kaming tatlo nina Iyana at Andrea nagtatalo, and that small arguements always lead to fights. At kahit isa wala pang nanalo, ang lakas ng dalawa, once they know my ability they will surely beat me. Well alam na ni Andrea ang ability ko, she just doesn't believe me. Well, sabi naman kasi ni Professor Will that fighting each other is a way to help us improve our teamwork. Nakikita ko naman ang point niya eh, pero parang imposible lang talaga. Alam niyo yung feeling na palagi kang pumupunta sa ilog to fish pero kahit anong hintay mo wala talagang isda?

At ngayon, dito na naman kami sa White Room. Simple lang naman ang pinapagawa sa amin, we just need to hit the target that's popping out everywhere in a time limit of five minutes.

With your team of course.

The more you hit the target, the more points will be added to your account. Base on my last check, meron nalang akong 147 points. Sa dalawang linggo yun lang ang naipon ko. Binibigyan kasi ng maraming puntos ang mga test sa ability mo, and what can I do? Hindi naman ako nage-excel jan. I'm only average good at written exams and above average when it comes to combat.

Dumating na sa punto kung saan lahat na kami ay sabay sabay. We all just need to surpass one another without holding back. Hindi ko gusto mag stand out, I mean, they really are all good, especially Iyana and Andrea, they are everyone's greatest rival in the class.

Balita ko nga ay binabantayan na ng mga groups lalo na ang mga Top Five groups si Andrea since she really stands out especially with her strong and destructive ability. They say she'll definitely will get into the Top Ten and might be able to join the Sleberian Cross. Hays expectations. Too much expectation always leads to humiliation if you get what I mean.

Isa isa nilang sinummon ang mga weapons nila, at lahat sila in no more than a minute, ay mabilis ng nakakuha ng sampung puntos at ang iba ang taas pa. May mga lumabas na mga target sa unahan, likod, at sa gilid ko kaya isa isa ko silang sinuntok at sinipa. Dahil wala akong weapon, mas mabilis akong gumalaw sa iba. Sometimes may time kung saan inaagawan nalang ako ng target because the targets are slowly decreasing in number.

Iyana summoned her guns, ten guns in total, and let them float aboge her, circling her habang ang tutok ng mga baril niya ay sa mga targets. Once or twice, wala pa siyang hindi natamaan. Giving her already sixty-eight points in three minutes.

Si Andrea naman ay dahil sa sibrang bilis at sa destructive power niya, sinunsuntok niya nalang ang sahig causing it to break and popping out all the targets at wala siyang hindi natamaan habang tinatapon niya sa kanila ang mga daggers niya. It seems she's got an unlimited daggers. Just like Iyana. Akalain mo, meron na siyang 73 points in four minutes. Parang patas lang sila ni Iyana. These two really are rivals.

"Why do I feel like five minutes is a long time?" Bulong ko sa sarili ko habang patuloy lang ang pagtama ko sa mga targets. I don't even have to use weapons, dahil kapag sinusuntok ko ang mga dummies ay lumulusot ang kamao ko. That's why if I use my sword, I'm afraid I won't be as fast as I am right now. But I won't be able to summon it anyway.

Magnus Academy: The Cursed BloodWhere stories live. Discover now