⚠Chapter 25⚠

86 3 0
                                    

'Life does'nt require that we the best, only that we try our best'
                           -H. Jackson Brown Jr.

====
Alam ng lahat na hindi basta-basta makakapasok ng Forest ng walang kasamang malakas na Mage dahil matutusta ka hanggang maging abo at ilipad ng hangin.

At kung palarin kang makapasok sa Forest ay dapat ka ring dumaan sa mga ilusyon na nakalagay sa kagubatan. Ang lahat ng iyan ay nilagay ni Mystia upang maprotektahan ang mga pillars na hindi dapat pakialaman.

"Hay ba't ba kasi may nilagay pang mga Ilusyon dito" iritang saad ni Kyla habang naglalakad. Nang may mapansin.

'Auntie where are my parents?' sabi ng batang babae na tinitignan ni Kyla.

'They're gone baby.' malungkot na sabi ng Aunt ng bata.

'No Auntie they'll come back!! they promised!!' sabi ng bata at pumalahaw ng iyak.

Hindi namamalayan ni Kyla na may luhang tumulo mula sa kanyang mga mata.

Napalingon si Kyla ng may narinig siyang kaluskos sa likuran niya. Tinitigan niya ang pinanggagalingan ng kaluskos at lumabas mula roon si Shiro.

'Hi Kyla' sabi nito kay Kyla.

'Okay ka lang ba?' may pag-aalalang ani nito.

"Ahh okay lang ako Shiro" sabi ni Kyla.

'Akala ko wala na akong mahahanap na kasama natin tapos nakita kita' sabi ni Shiro at naglakad palapit kay Kyla pero naramdaman ni Kyla na may hindi tama kaya umaatras siya sa bawat hakbang ni Shiro

'Don't worry Kyla I will not hurt you' sabi ni Shiro at tumigil

"Don't come near me!!" asik ni Kyla at hinarang ang isang kamay sa likod harap habang ang isa ay nasa likod.

'I love you Kyla and I want to marry you. Come with me and we'll be happy' sabi ni Shiro at inilahad ang kanyang kamay.

Palipat-lipat ang tingin ni Kyla sa kamay na inilahad ni Shiro at kay Shiro. Napatingin si Kyla sa magandang mga mata ni Shiro na parang hinihipnotyze siya. Wala sa sarili niyang inabot ang kamay ni Shiro.

'You chose the right decision' sabi ni Shiro at ngumiti ng mabait.

*

Kanina pa palakad-lakad si Tiara sa gubat at nangangalay na siya. Naging alerto siya ng may makitang anino  sa likod ng isang puno.

"Sino ka?!" sigaw ni Tiara pero wala siyang sagot  na natanggap. Kaya hinay-hinay siyang lumapit sa anino. Inilabas na niya ang kanyang sandata at nang hahampasin na niya sana ang tao ay nakita niyang si Kyla pala iyon. Nagtataka siyang tinignan ni Kyla.

"Ikaw lang pala Kyla. Akala ko kung sino na" sabi ni Tiara

'Bakit Tiara may problema ba?' naguguhang tanong ni Kyla.

"Wala naman. Bakit ka naka sando lang? nasan na ang uniform mo?" takang tanong ni Tiara.

"Ahh ano kasi---"

"Babe nandito nako" sabi ng isang tinig na kilala ni Tiara.

"Harold?" tanong niya at nagpakita si Harold na walang pang-itaas. Nilapitan niya si Kyla at hindi si Tiara na ikinagulat niya. At parang binibiyak ang puso niya ng makita silang naghalikan at sarap na sarap silang dalawa.

MAGICEA: Destiny Starts#PHTimes2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon