Teddy Bear [EXO's Chanyeol Fanfic] (One-Shot)

187 5 5
                                    

''Ano?! Eto nanaman ba tayo ha? Away nalang palagi?! Ano ba Chanyeol?! Lagi nalang bang ganito?!'' 

''So pinapalabas mo na ako pa ang may kasalanan ngayon?! Di mo ba naiintindihan na nagovertime ako ha?! Bahala ka sa buhay mo!'' 


Ugh! Eto nanaman kaming dalawa ni Chanyeol eh! Away nanaman! Pano ba naman kasi uuwi nanaman ng late ng gabi. Palagi nalang siyang ganyan eh. Palaging dahilan niya eh nagoovertime sila. Kaya di ako mapakali eh. 2 years na kaming magboyfriend ni Chanyeol.. Pero this past few weeks lagi kaming nag aaway mula nung nagkatrabaho siya at late siyang umuwi...  Di kami mayaman, oo mahirap lang kami.. nakatira kami sa bahay ng kapatid ni Chanyeol.. kaya naisipan niya na magtrabaho.. Pero eto naman ang kapalit, yung mag away kami palagi..

Matapos ang pagtatalo namin ni Chanyeol umalis siya.. Di ko alam kung saan nanaman pupunta yun eh.. I can't help it but to cry.. Naiiyak nalang ako kasi palagi na kaming nag aaway eh.. Nawala na yung spark sa amin eh.. Ugh! Nga pala, ako si Park Eun Jang 21 years old na ko.. mas matanda ng 1 year si Chanyeol sa akin..

-

(Kinabukasan..)

Papunta na ko sa palengke, mamamalengke lang.. yung mga kaibigan ko vendor sa palengke kaya nakakadiscount ako minsan.. kaya medyo tipid nadin.. Nung makarating ako sa suki ko..

''Oh, Eunjang? buti naman at napadpad ka dito.. Oh eto bili ka na ng talong 20 pesos 5 piraso.. bibigay ko nalang sayo oh..'' sabi niya sakin

''Ay, salamat ah?'' tsaka ko kinuha yung talong na binigay niya sakin..

''Nga pala, di pa ba kayo ikakasal ni Chanyeol? ang tagal niyo na ah..''sabi niya.

''Ay nako, wala pa ata sa isip ni Yeol yun. siya na nga lang hinihintay ko eh.. pero as of now medyo may di kami pagkakaintindihan..'' sabi ko.. tapos nagnod nalang siya at ngumiti.. tsaka na ko umalis at namili ng mga sangkap sa lulutuin ko...

-

Pagdating ko sa bahay niluto ko kaagad yung pagkain tsaka ko iniwan sa mesa.. bahala si Chanyeol kumain diyan.. Di nga siya umuwi kagabi eh! Saan nanaman kaya nagsususuot yun!

Pagkatapos nun lumabas na muna ako ng bahay para magpahangin hangin lang.. nandito ako sa isang convinience store tsaka bumili ng maiinom..

Tapos may nakita akong couple na papasok.. 

Teddy Bear [EXO's Chanyeol Fanfic] (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon