Natasha's POV
"Lino...okay ka lang ba?" tanong ko kay Lino nung maabutan ko syang nakaupo na sa upuan nya pagpasok ko sa classroom dahil tapos na yung lunch,
"Ha? Oo naman, yung kanina...ano, kinailangan ko lang mag-cr." sabi ni Lino habang kumakamot pa sa ulo,
"Eh..si Oyang?" tanong ko, dahil yun naman talaga yung gusto kong malaman. Kung ayos lang ba si Oyang. Cause wtf did just happen earlier? I'm just so confused.
"Ah..yon...pinatawag daw sya sa SSG office." sagot nya kaya tumango na lang ako at umupo na din ako sa upuan ko,
"Para talagang may mali eh," pabulong na sabi ko at napatingin sakin si Mutya,
"Wag mo nang dibdibin, Tasyang, kasi may likod ka pa." sabi nya sabay tap sa likod ko, baliw talaga kahit kelan, napailing na lang ako and I just tried to brush the thought away
"Tara na?" sabi ni Mutya na ipinagtaka ko,
"Saan?"
"Sa Function hall." sagot ni Mutya, "May PE tayo ngayon, dala mo ba PE uniform mo?" sabi nya sakin,
Ay shocks! Oo nga pala Friday ngayon, kaya may PE kami. PE uniform? Paktay! Yun pala yung colour dark blue na jogging pants at white shirt na may logo ng school na nakalagay sa maleta ko.
"Yaan mo na. Okay lang sigurong naka-ganyan ka na lang." sabi ni Mutya nung mahalata nya sigurong naiwan ko yung PE uniform ko at nakalimutan ko din na may PE nga pala ngayon,
Naglakad na kami papunta sa Function hall na sinasabi ni Mutya.
Nasabi nya din sakin na joined class daw ang PE ng mga Year 12. Kaya magkakasama daw yung apat na section ng year 12.
Malayo pa lang kami ay natanaw ko na kaagad si Oyang na nakatayo sa tapat ng pinto nung malaking room na may nakalagay na "PNHS FUNCTION HALL".
Umiwas na lang ako ng tingin sa kanya kasi ang awkward nung nangyari kanina eh, baka galit sya sakin? Bakit naman? Kagabi lang, ayos na ayos pa kami.
Sa floor lang ako nakatingin habang naglalakad nang biglang may paper bag na humarang sakin pagdaan ko sa may pinto nung Function hall. Kamay ni Oyang ang may hawak ng paper bag. Kinuha ko yun without looking at him at nung itinuwid ko na yung tingin ko, naglalakad na sya palayo.
Hinila na lang ako ni Mutya papunta sa cr.
Nung makarating na kami sa cr, I opened the brown paper bag and I was more surprised to see what's in it. PE uniform? Alam nyang nakalimutan kong magdala?
Dali-dali akong pumasok sa isa sa mga cubicle at nagpalit na din ako. Medyo malaki yung shirt so I just folded the sleeves and tucked it inside the pants. The pants are just the right size for me.
"Wow! Hahahaha kay Oyang ba yan?" sabi ni Mutya habang nakatingin sa suot ko, natatawang tumango-tango naman ako,
Nalaman ko din kay Mutya na hindi daw nagbabago ng school uniform dito, so this must be his uniform when he was younger. Haha cute.
"Listen up, students!" narinig kong sabi ni...Sir Henry?
....
Oyang's POV
"Lino!" tawag ko kay Lino nung makarating kami sa cr,
"Oh, pareng Oyang. Mag-si-cr ka din?" sabi nya,

BINABASA MO ANG
Mission: Act Like a Probinsyana
Teen FictionTasha, who has been trained to be the successor of her dad, a high profile secret agent, was sent to the province of Camarines Sur for an important mission to prove that she's ready to enter the work force. Her mission: act like a PROBINSYANA in ord...