CHAPTER 9
DENVER CLAIDE'S P.O.V.
HININTO ko ang kotse sa tapat ng malaking ng Hide out ng mga mafia. Kailangan kong magreport kay Tito Teo upang malaman niya ang status ng mission ko. Pag-apak pa lang ng paa ko sa pintuan papasok sa loob ng mansyon. Napansin ko na ang bagay na lumipad papunta sa'kin mabilis ko iyon iniwasan nakita kong isang balisong iyon na tumusok sa pintuan. Mabilis kong kinuha ang baril sa likod ko upang balikan ang taong naghagis ng balisong sa'kin sa bilis ng mga mata ko hindi pwedeng hindi ko mapansin ang walang kwentang pagkilos na iyon. Kasabay ng paglingon ko sa kinaroonan ng taong naghagis ng balisong ay ang pagtutok ko ng baril sa sinumang nilalang na iyon.
"Nakakabilib, nagawa mong ilagan ang balisong ko." Nakapameywang pang lumapit sa'kin si Yasmin.
Pailing-iling kong ibinalik sa likuran ko ang hawak kong baril. "Wala akong oras para makipaglaro sa'yo. Kailangan kong makausap si Lord Teo." Pumihit pa ako patalikod sa kanya upang umalis na.
"Si Lucy Shaira ba ang binigay sa'yong mission ni Lord Teo?"
Pumihit ako patalikod. "Hindi ko kailangang sagutin ang tanong mo. Okay?" ngumisi ako at naglakad papasok sa loob. Ngunit limang hakbang pa lang yata ako nang mapansin sa gilid ng mata ko ang paggalaw ng katawan ni Yasmin. Naging mabilis ang mga mata ko sinalo ko ang balisong na muling hinagis ni Yasmin. Nahawakan ko ang balisong kung saan walang talim.
"Ito ba ang natutunan mo? Walang kwenta." Hinagis ko sa kanya iyon doble sa bilis na ginawang paghagis niya.
"Ouch!" napasigaw si Yasmin nang madaplisan siya sa braso. "Shit! Why would you do that?"
"Isa pang kilos mo. Pupuntiryahin ko na ang puso mo." Seryosong sabi ko kay Yasmin. Sa sandaling tingin ko sa kanya. Nakita ko ang pamumutla ng mukha niya at butil ng pawis.
"Sino ka ba talaga?" huling habol niyang sabi sa'kin.
Saglit akong huminto ngunit hindi ako lumingon sa kanya. "Ayokong ulit-ulitin ang sinabi ko na." pagkatapos muli akong nagpatuloy sa pagpasok sa loob. Alam ko bakas sa mukha niya ang pagtataka sa naging kilos ko. Nagawa kong basahin ang mga kilos niya ng gano'n kadali. Si Yasmin kasi ang pinakamabilis kumilos sa lahat reaper. Animoy hangin siyang dumaan kung kumilos kaya gayon na lang ang pagtataka niya sa'kin.
Pagpasok ko sa loob ng silid nakita ko na agad si Lord Teo at ang four blue eagle. Kapag nagkakaroon sila ng pagpupulong tanging ako lang ang kasama sa meeting. Nakatingin lang sila sa'kin nang umupo ako.
"Kumusta ang trabaho mo?" bungad na tanong ni Lord Teo sa'kin.
Tumingin ako kay Lord Teo. "Nagawa ko na pong makapasok sa loob ng mansyon nila. May apat na silid sa baba at limang silid sa taas. Nakapalibot sa buong bahay ang Cctv camera maliban lang sa kusina. Walang cct camera doon." Pahayag ko.
"Marahil sa kusina may lihim na silid at doon ginagawa ang pinagbabawal na gamot." Sagot ni Lord Teo.
"Iyon din po ang duda ko. Isa pa, nagkita na kami ni Felipe Treshn sa loob ng pamamahay nila. Simple lang si Felipe sa loob ng bahay lalo na ang pananamit parang normal lang.
"Kumusta naman ang anak niya? Wala ka bang nakitang kakaiba sa kanya or mga bagay na ginagawa niya?"
Bigla akong napahinto at nag flashback sa isip ko ang magandang mukha ni Lucy. Habang iniisip ko si Lucy bumibilis naman ang tibok ng puso ko.
"Denver!" muling tawag ni Lord Teo.
"Yes, Lord Teo."
"Anong nangyayari sa'yo? Kanina pa kita tinatanong." Nakakunot-noo na si Lord Teo sa'kin.
BINABASA MO ANG
THE BLOOD OF LOVE #wattys2019
Teen FictionKilala ako bilang Maarte, Malandi, Inggitera, Palaaway, Bully. Sabihin man nila ang lahat ng masasama sa'kin. Wala akong pakialam. Ang gusto ko lang maging masaya. Mag mahal at mahalin ng taong pinapangarap ko. Ngunit paano kung ang taong mag papab...