1 2 1 6 1 9

74 9 1
                                    

[DAY 2]

WHERE: @ RV
WHEN: Noon [12:50pm]

Nagising si nikki dahil sa init ng sikat ng araw na dumadampi sa pisngi niya na kahit pa may kurtina ang bintana'y tumatagos ito. Tanghali na pero siya palang ang gising sa kanilang apat.

Pagkatapos niyang ihanda ang mesa'y balak na niyang ginisingin ang mga kasama, mabuti na lamang at kumpleto ang RV mula CR, Sala, kwarto at kusina.

Habang siya'y nag-aasikaso ay napadako ang tingin niya sa bintana, naisipan niyang hawiin ang kurtina sa pag-aakalang maaliwalas na sa labas, ngunit muli siyang bumalik sa lababo dahil nasuka siya sa tanawin. Mga durog-durog at putol-putol na katawan ng tao, Mga nagkalat na laman loob, mga taong putol ang ibang bahagi ng katawan, ang iba'y durog ang ulo o butas ang tiyan at labas ang laman loob pero nakakalakad pa.

Nagtaka siya dahil medyo normal pa naman ang mga kondisyon ng tao kahapon dahil mga parang nahimatay lamang ang mga ito, Pero nung tsinek nila ito nang umaliwalas na ang paligid ay patay na lahat ng taong nakabulagta sa labas.

Ang nakapagtataka lang talaga'y  pagkalipas lamang ng ilang oras ay lahat ng nakita niyang nakabulagta kahapon, ay naglalakad na ngayon ngunit purong puti ang mga mata nito't may mga mapuputlang balat na may nakaangat na itim na ugat at matutulis na kuko.

~FLASHBACK

"Damn! We've been waiting for an hour!"   nag-aalalang tanong ni Yazlie kay niks

"May tiwala naman ako sa kaniya dahil matalino naman si shua." Sambit ni Ambriel , bagamat kahit siya'y nag-aalala din.

2:30pm

Naisipan nilang kumain ng baked mac na dala sana nila for camp. Kaso hindi tuloy. Ininit ito ni niks. Nagtimpla din siya ng juice. Inaantay pa rin nila si shua dahil di pa rin ito bumabalik.

"Niks? Anong oras na ba diyan? Nakalimutan ko relo ko eh"  sambit ni Yaz na nakatanaw lamang sa bintana.

"2:30 na ng hapon" Sagot ni niks.

"Akala ko gabi na? Medyo nakaidlip kasi ako katitingin dito sa labas. Labas na din kaya tayo?" Sambit ni Ambriel.

"Ay nako briel. Ikaw nga wag kang padalos-dalos. Mamaya madali tayo diyan. Aynako. Oh kumain ka muna. Gutom lang yan. Hintayin nalang natin silasabi naman ni niks habang ibinibigay kay Ambriel at yaz ang katatapos lang na initin na baked mac na nakalagay sa platito.

"Salamat nikssambit ni yaz nang nakangiti.

"Thanks"  pasalamat din ni Ambriel.

Wala nang narinig na salita. Tunog na lamang ng platito't kutsara habang sila'y kumakain at inaantay si Shua.

12:37am

Hindi namalayan ng tatlo na may pumapasok sa RV. Masyado kasing mahimbing ang tulog nila kakaantay sa kasama. Nakakaantok din kasi ang nakakabinging katahimikan.

At wala kang ibang makikita sa labas kung 'di mga taong walang malay. At mga taong nastock sa loob ng sasakyan dahil sa karamihan ng nakahintong mga sasakyan ay mga pampubliko o di kaya'y truck. Pati ang mga nakamotor ay sumemplang din.

Sa di maipaliwanag na dahilan kasi ay lahat talaga ng nasa labas ay nawalan ng malay. Maliban sa ibang nasa loob ng kani-kaniyang sasakyan. Sa di malamang dahilan ay naalimpungatan si yaz. Dahil sa panunuyo ng kaniyang lalamunan ay naisipan niyang uminom ng tubig.

kitang kita niya ang nakaawang ang pintuan ng kwarto. kinuha ang kutsilyo sa kusina.

Laking gulat niya ng makita--


PROJECT:Humanity's Extinction [MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon