Kurt's POV...
KURT:"Nasa kalahati palang tayo ng pagde-design, nakakapagod!"
DRIX:"Ayos lang yan, matatapos din tayo."
JOSH:"Hahaha! Nagmumukha na kayong burger sa paningin ko! Nagugutom na'ko!"
DRIX:"Baka mamaya lapain mo na kami."
KURT:"Na-ulul na siya."
JOSH:"Hahaha! Tubig lang sapat na, bababa lang ako ah kukuha muna ako ng cookies at juice."
DRIX:"Sige na."
---
2:00 PM...
Tapos na kaming mag-desenyo, natapos ko na din yung letter na ginawa ko para kay Yumie. Tsaka yung mga bulaklak na may design.
Nagpahinga nalang kami tsaka naligo ulit para mukhang fresh. Hahaha!
Habang nagaayos ako ay may biglang tumatawag sa phone ko.
Kuya Terenz calling...
KURT:"Hello Kuya."
TERENZ:["Oh Kurt? Balita ko ngayon daw yung pagso-sorry mo kay Yumie ah, punta ko diyan bro. I'll support you."]
KURT:"Huh?Kanino niyo nalaman kuya?"
TERENZ:["Saan pa? Edi syempre kay Josh. Dakilang chismoso yun eh. On the way na ako papunta sa bahay niyo."
KURT:"Ah sige kuya, ingat."
Call ended...
---
Nandito na si Kuya Terenz sa bahay, kumain muna siya ng pagkain sa baba dahil gutom daw siya. Matapos non ay ipinakita ko sa kanya ang ginawa naming desenyo at manghang-mangha si kuya sa nakita niya.
TERENZ:"I'm sure magugustuhan yan ni Yumie."
KURT:"Buti pa yung effort ko magugustuhan niya, eh ako may pag-asa kaya?"
TERENZ:"Sus! Tiwala lang bro!"
Napangiti nalang ako sa sinasabi ni kuya. He always makes me strong and brave with hope to face my challenges.
---
2:30 PM...
Josh's POV
Nandito kami ni Drix sa EBU para gawin ang plano. Hahahaha! Para kaming kidnaper ngayon! Hahahaha! Tumawag na kayo ng pulis kung gusto niyo, kaso baka pati pulis mabakla sa kagwapuhan namin. Hahahahaha!
DRIX:"Okay so ready kana?"
JOSH:"Oo naman!"(habang maangas na nakatayo sa pinto ng kotse at naka-shades)
Naglakad kami sa hallway patungo sa classroom namin.
~
Sakto! Yumie Perez spotted! Galawang Drix Monteban 101! Piniringan si Yumie at tinakpan ang bibig nito. Tsaka binuhat si Yumie palabas ng classroom. Kahit maraming nakakakita, sinenyasan ko sila na manahimuk nalang. Tahimik lang kami ni Drix at hindi kami nagsasalita dahil baka makilala niya ang boses namin.
Mabilis maglakad si Drix kaya nandito na agad kami sa loobng kotse. Ipinaharurot ko na ang kotse patungo kila Kurt.
After 10 minutes...
Nagdoor-bell kami at bumakas naman ang gate. Naging kalmado na si Yumie, dahil baka napagod siya sa kapapalag kanina.
Inalalayan namin siya hanggang sa makaakyat at makarating sa kwarto ni Kurt.Sinenyasan namin si Terenz para pumwesto sa likod para alisin ang piring kay Yumie. Habang kami naman ni Drix ay pinapasok na ang mga yaya na magbibigay ng bulaklak kay Yumie.
BINABASA MO ANG
Tibo Meets Kings|| Completed || #Wattys 2018
Teen FictionTibo meets Kings💕 Teen Fic/Fanfic💘 By:Princessang_Boss😍 Inspired by:QUSCIN💞 --- East Bridge University o mas kilala sa tawag na EBU👌Isang paaralan na pagmamay-ari ng pamilya Monteban❤Isang paaralan na pinapasukan at pinaghaharian ng tatlong bad...