Chapter Twenty-Three: Truth (1)

1.8K 42 6
                                    

Marceline’s POV

“Alam mo ba, Ate, sabi ni teacher sa’kin kasama daw ako sa top three!” masayang bati ni Paulee sa’kin. Nakakandong siya sa’kin ngayon kaya naman madali ko lang siyang nayakap. “Ang galing galing talaga ng baby ko,” masayang sabi ko at hinalikan ang noo niya.

Kinurot naman ni Ate Lourdes sang pisngi ni bunso. “Alam mo naman yang batang yan, masyadong nahihilig sa pagbabasa ng mga libro nila. Aba, grade three pa lang nakakabasa na ng English Literature sa library.”

Nagtawanan naman kami. Napatingin ako sa paligid ko, nandito kaming lahat. Grabe, nakakamiss ang pamilya kong ito. Ang mga ate ko, sila bunso at syempre si Nanay at si Tatay ko. Namiss ko silang sobra. Ilang buwan na rin noong huli akong nakauwi dito, at hanggang ngayon, hindi ko man lang masabi na graduate na ako. Lagi naman kasi akong naghihinto, pero hangga’t para sa kanila ‘to, walang wala akong irereklamo. May panahon pa naman para maka-graduate na talaga ako.

Napakurap-kurap na lang ako ng biglang punasan ni Paulee ang pisngi ko. “Ate, bakit ka umiiyak?”

“Naku… hindi umiiyak yang ate mo, Pau,” nakangisng sabi ni Tatay. “Natutuwa lang si ate mo kasi nakauwi na siya.”

Sa sobrang tuwa ko ay ibinaba ko muna ang bunso ko para naman mayakap ulit si Tatay. Miss na miss na miss ko na siya. “Tay!” sabi ko at hindi ko na naman napigilang maiyak. Tears of so much joy. Narinig ko ang tawa nila lalo na si Tatay pero hinimas niya lang ang likod ko at hinalikan ang ulo ko. “Nak, namiss ka din ni Tatay…”

“Tay… alam mo bang ang dami kong kinasanayan habang nagtatrabaho ako kila Ma’am Vhanessa at Sir Valentin, lalo naman sa tatlo kong Young Masters. Hindi mo ako sinanay na may kasamang lalaki kaya naman ayun, lagi nila akong inaasar!” para akong isang batang nagsusumbong kay Tatay.

Ganito naman kasi lagi, simula pa noon, sa kanya na ako nagsusumbong. Si Tatay din ang naging panyo ko tuwing susumpungin na naman ako at iiyakan na naman si Marcus. Siya yung walang sawang makikinig sa mga reklamo ko. Miss na miss ko na talaga si Tatay.

Matapos ang halos walang humpay na kwentuhan, maglilibot, at kung ano-ano pa, pinagpahinga na nila ako nila Tatay pagkatapos na pagkatapos naming kumain ng hapunan. Mas mabuti na daw makapagpahinga muna ako. Kahit naman hindi pa ako hinihila ng pagod, pinapasok pa rin nila ako sa dati kong kwarto. May sari-sarili na rin naman kasi kaming kwarto dito, sila bunso lang ang sama sama pa rin.

Nang makapagbihis na ako, naalala kong kailangan ko pa lang tumawag sa Young Master Marcus ko. Nasabi ko naman na kanina na maayos naman akong nakarating dito. Nakwento ko na rin na sobrang saya talaga namin, lalo na nga ngayon at sa tagal ko rin hindi na nakauwi, nandito na ulit ako.

(“Hello?” sagot niya sa kabilang linya.)

Napangiti naman ako, parang nahuhulaan ko na kung ano ang ginagawa niya ngayon. Sigurado akong nandoon siya ngayon sa kusina at nagkakape na, alam kong napagod na naman siya sa trabaho niya. “Hello din, Young Master Marcus. Kumain ka na po ng dinner niyo, tama na po yang kape niyo. Tsaka isarado niyo po yang polo niyo kasi masyado niyo na namang ine-expose…”

(Rinig ko ang makalaglag panty niyang halakhak. “Maybe later, and as you said, I’ll be fixing my polo now, Marceline.”)

Hindi ko mapigilang matawa. Oo nga pala, kung si Young Master June ay walang ibang bungad sa’kin kapag-uwi niya kundi isang mahigpit na yakap, si Young Master Apollo na halik sa pisngi, siya naman ay maabutan ko na lang sa kusina tuwing hapon na nagkakape At wag kayo! Susme, ikaw ba naman ay makakita ng isang diyos ng kagwapuhan na nakaupo na akala mo ba isang hari na nakabukas pa ang ilang butones ng kanyang polo. Maglalaway ka talaga! XD

Casanovas' Nanny (FIN / UNDER EDITING AND REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon