Chapter 10.

24 5 0
                                    


Birthday

Mabilis na lumipas ang mga araw. Umalis rin ang pinsan ni Lucien na si Zach kasama si Bianca. Mabuti na lang at hindi talaga sya nagtagal dito. At salamat rin dahil hindi kami nagkita. I don't have time for a woman like her. A woman that can steal a man's heart even if it is already owned.

"Ano, okay na ba ang lahat?" tanong ko sa mga kasabwat kong empleyado para sa surprise sa kanya.

Nagpaalam sya kanina na may importanteng meeting daw syang dadaluhan at baka gabihin na sya sa pag-uwi. Hindi naman ako nagreklamo doon dahil magandang oportunidad iyon para makapag handa kami para mamaya.

"Yes, Ma'am. Okay na po ang lahat. Nakahanda na rin po lahat ng mga sangkap na gagamitin mamaya sa pagluluto." sagot ni Lia.

"Teka. Nasaan nga pala si Gypsy at Max? Parang ilang araw ko na silang hindi nakikita." kyuryoso kong tanong.

Ilang araw ko nang hindi nakikita ang magkapatid. Nasaan kaya sila?

"Naku. Nagresign na po sila bago pa ang araw nang pagdating ni sir Zach at mam Bianca." sagot nya habang busy sa pag aasikaso sa mga lamesa.

Bakit kaya nagresign ang magkapatid? Sayang at napakabait pa naman noong dalawang iyon.

Inabala ko na lang din ang sarili sa paglalagay ng mga dekorasyon. Katulad ng plano ay sa dalampasigan nga namin inayos ang lahat.

May mga lamesa na roon at mga upuan.
Dahil tanghali pa lang naman ay mahaba pa ang aming oras sa pagluluto maya maya.

Habang abala ang lahat ay eneksamina ko muna ang paligid. Kailangang maging maganda ito para sa kanya. I'm sure matutuwa sya.

Sa di kalayuan ay natanaw ng aking mga mata ang pamilyar na babae.

I know it's her. Hindi ako pwedeng magkamali. Matangkad at maputi sya. Hindi ko man nakita ang kanyang mukha noong nagpunta siya rito ay alam na alam kong siya ito.

Nang dumako ang kanyang paningin sa direksyon ko ay agad nitong inalis ang kanyang sunglasses. There was a devilish look of mischief in her eyes.

Unti-unti syang lumapit sa kinaroroonan ko at agad akong binigyan ng nakakapanindig balahibong ngiti.

"Hi, dear. Beige, right?" then she held her hand.

I know it's rude but, I don't really want to touch a dirty player like her.

Binigyan ko lamang sya ng malamig na ekspersyon. Naging mabigat din ang tensyon sa buong lugar kung saan napapatingin lamang ang mga empleyado.

"Oh." she raised her eyebrow then removed her hand.

"Well, kung hindi mo pa man ako kilala, let me introduce myself to you first." maarte nyang sambit bago hinawi ang kanyang buhok.

Hindi ako nagkamali. She's more than a bitch. I can sense it. Besides, makikita mo naman sa awra nya.

"Bianca Anica Cordova. Lucien's.....uhm...let's just say, ex-girlfriend." at tumaas ang gilid ng kanyang labi.

I want to slap her hard. I want to remind her that whoever she is, she will just remain on it.

"Is that it?" taas noo kong tanong.

And what did she expect? Na agad ko syang papatulan dahil lamang sa kanyang sinabi? I know how to play good bitch.

I saw how did she react on what I've said.

Before she could speak again, I turn my back on her. Umarteng sumaludo sa ginawa ko si Lia.

Our Promised Land (The Valdirrama's Series #1)Where stories live. Discover now