Chapter 9 : Compared to an egg

274 11 8
                                    

9 :: Compared to an egg

{ ----- }

Hara Camille Untalan’s POV

Nabigla nalang ako sa biglang pagtayo at pagtakbo nito palayo sa ikinaroroonan namin. Ano bang problema ni Arch ngayon?

Pero naaalala ko din, ngayon ang kaarawan ni Justine. Ang dati kong mahal.

Plano ko din na bisitahin si Justine pero parang pakiramdam ko din ay ayaw ko dahil natatakot na ako sa kanya. Natatakot ako na baka mahulog nanaman ako sa mga matatamis nyang mga salita at mapatay nanaman nya muli ako.

Natatawa ako sa sarili ko minsan. I promised to myself that I'm never going to be involved with Justine again after what he did to us, pero ito ako ngayon, nagbabalak na puntahan sya para sa birthday nya. It kinda sounds pathetic and fragile for a tough and gorgeous girl like me.

Akala ko noon, sa pagmumukha lang ako ng mga kpop artists ako mababaliw. Pero hindi ko inaasahan na mababaliw din ako kakaisip ng mga problema ko. Problema ko sa mga posibilidad na manyari ngayon at lalo na kay Justine.

Akala ko dati forever hashtag yolo ang peg ko. But the tables turned completely.

“Nagkaroon ng Coup D'Etat noon dito sa school na ito ang mga estudyante around early 2000s dahil sa pagpapasok ng school ng mga juvenile delinquents na may mabibigat na cases like estafa, murder and many more. 50 ang estudyante ang sumali sa samahang iyon at binubuo sila ng mga freshmen high school hanggang junior college. Nais nila na huwag nang muli magpasok ang school ng delinquents dahil sa mga batang nabubugbog ng mga ito at mas masahol pa ay napapatay nila. Pero isa-isang nawala ang mga estudyanteng iyon at nawala silang lahat, maliban sa isang freshmen high school student na nagngangalang Harper Castro. Pero wala na si Harper at umalis sila ng ina nya papuntang ibang bansa.” Narinig ko nagsalita si Shaun kay Rylle at nag-iba ang expression ni Rylle sa mga pinagsasasabi ni Shaun.

“H-Harper?” Nauutal na tanong ni Rylle kay Shaun. May masama ba sa pangalang Harper? It actually sounds dope.

“Yup. Harper Castro ang pangalan nya. Ayon sa mga nakita kong nakalagay sa hidden records na nakuha ko mula sa paghack ko sa database ng school ay isang matalinong estudyante si Harper pero broken family ito. Nanay lang ito ang nag-aalaga sa kanya dahil ang ama nito ay may ibang pamilya. He looks like a good kid dahil ipinaglalaban nya ang mga nabubully at nabubugbog na inosenteng estudyante sa mga juvenile delinquent.” Dagdag pa ni Shaun pero umiling nalang muli si Rylle at bumulong ito sa sarili pero narinig ko din ito dahil malakas ang pandinig ko.

“No, Harper is fucked up too. More fucked up than Daile or Marco or Darcie.” Bulong nito kaya kumunot ang noo ko. Anong nalalaman ni Rylle na hindi ko alam? O hindi alam ni Shaun?

Minsan nagtataka na rin ako kay Rylle. She’s acting weird nowadays. Despite of being her friend, she’s freaking me up.

“Lunch break is already over for Freshmen College student. Please proceed to your respective classrooms.” Announcement ng mga taga-intercom kaya niligpit na namin ang mga pinagkainan namin.

Pumunta na rin ako sa next schedule ko na si Junhyung lang ang kilala kong kaklase ko.

“There are plenty well-known paintings and sculptures from the Philippines that are famous worldwide, including Spoliarium and The Oblivion.” Introduction ng prof namin sa Philippines Arts na ilelesson namin sa buong semester. Alam ko ito yung prof na intro lang ang ibibigay at kami-kami na rin ang gagawa ng mga reports patungkol sa ibibigay nyang prompt. And I also heard that this prof gives tons of paperworks and projects.

Repost : New Era {under final revision}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon