Chapter 4: Going Back

62 2 0
                                    

CHAPTER 4

Bagaman gusto ko, hindi ko pa rin alam kung para saan pa at umuwi ako ng 'Pinas isang linggo matapos kong mabasa yung announcement ni Rose. Siguro nga tama yung mga tropa ko nang sabihin nilang masukista ako. Masukista ang tawag sa mga taong mahilig humanap ng sakit ng katawan; at sa lagay kong ito - sakit ng ulo at puso. Pwede naman kasing manatili na lang ako sa U.S. at doon na mag-settle, magtrabaho, humanap ng kapartner, at magkapamilya.

Pero may katiting na pag-asa sa puso ko na nagsasabing kailangan kong umuwi; hindi ako dapat mangamba; basta, kailangan kong umuwi.

"Kuya James! Kuya James!" malakas na sigaw nung lalaki sa may waiting area ng airport na may dalang karatula kung saan nakasulat ang pangalan ko. Si Mike yun, kapatid ko na sumunod sa akin; at yung mga di magkamayaw sa pagkaway at pagtawag sa akin sa likuran ni Mike, mga kamag-anak ko yun. Haaay...this is it pansit -ang pamilya ko.

Napansin ko lang na ang mga sumundo sa akin ay mga tiyahin, tiyuhin, mga pinsan at yung dalawa kong nakababatang kapatid na sina Mike at Jasmine. Wala si Ate Vicky kasi kabuwanan nga pala niya. Ano mang araw ngayong linggong ito maari na siyang manganak sa ikatlo niyang anak na lalaki na papangalanan niyang Royce. Si tatay naman inaasikaso ang pinakatay niyang baboy. Naku! Mag-aalta presyon na naman yun panigurado. Si nanay naman, siyempre, abala sa kusina. Lalo na ngayong marami akong ni-request sa kanya na ulam na sobrang tagal ko nang gustong malasahan ulit kagaya ng kare-kare, bopis, ginataang tulingan, ginataang hipon at siyempre, ang sinubukan kong lutuin nung nasa states pa ako pero basurahan din ang kinahinatnan - ang laing.

Oo. Laing. May naalala ako bigla. Si Rose. Nangyari yun nung pinagluto niya ako ng laing bago kami gumradweyt. Regalo niya sa akin nang magtapos ako ng may honors.

Lagi niya kasing sinasabi sa akin na ipagluluto niya ako ng laing bago kami gumradweyt sa kolehiyo. Mahusay daw siyang magluto nun. Lalo na yung may toppings na pritong dilis. Grabe...naalala ko ang laing. Naaalala ko si Rose.

"Kuya, yung Michael Jordan na sapatos na ni-request ko sayo nabili mo ba?" biglang pinutol ni Mike ang pag-alala ko kay Rose.

"Oo. Nandyan sa kahon, pinapirmahan ko pa yan kay Jordan mismo nung nag-open siya ng branch ng product nila sa isang mall malapit sa amin," sagot ko.

"Eh yung sa akin kuya?" tanong ni Jasmine.

"Siyempre, hindi mawawalan ang bunso namin. Nandyan na yung nirerequest mong bagong model ng DSLR."

Halos lahat ng miyembro ng pamilya namin nabilhan ko ng pasalubong. Pinag-ipunan ko talaga yun mula sa allowance na natatanggap ko sa scholarship namin; at sa mga pagsa-sideline ko dun sa US.

Maski mga tropa ko nabilhan ko rin ng pasalubong. Maliban lang sa isa.

PLS. 4GIVE METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon