Chapter 5: The Prayer

52 2 0
                                    

CHAPTER 5

"Ay akala ko kung sinong artista ikaw na pala yan!" bati sa akin ng pinaka-kuwela kong tiyahin na nagpaingay lalo sa mga bisita sa bahay nung pumasok ako. "Ang laki ng pinagbago mo ah. Uhm...inspired yan."

"Di naman tita. Kahiyang ko lang talaga ang malalamig na lugar," sagot ko. Sa loob-loob ko hindi ko alam kung inspired nga ba ako o expired.

"Kuya pa-picture kami! Sabihin ko sa FB may artistang dumating sa bahay," sabi ng makulit kong pinsan.

"Artista? News caster kaya yan!" sabad ng ate ko na si Ate Vicky. "Diyan ko pinaglihi ang magiging anak ko. At sigurado ako na sisikat yan bilang hottest news caster ng bansa."

"Kelangan talaga hottest ate? Eh, baka nga sa radio ang bagsak ko e."

"Wag, kapatid. Sayang ang looks."

Patunay lamang ito na crush ako hindi ng bayan, kundi ng bahay.

"At kanino pa ba naman magmamana yang anak kong yan? Edi sa akin!" singit ng tatay ko.

Yumakap ako kay tatay na ilang taon ding nagbigay sa akin ng alalahanin noong nasa states pa ako dahil sa kanyang alta presyon at mataas na crea. Mabuti na lamang at naagapan at nabigyan siya maintenance na gamot.

"Mas mana sa akin yan!" si nanay na kalalabas lamang mula sa kusina at may hawak pa ngang sandok dahil kaninang madaling araw pa siya nagluluto. Suot-suot niya ang apron na ipinadala ko sa kanya noong isang buwan.

"Kamusta na kayo, 'nay?" Niyakap ko rin si nanay at maluha-luha ako. Para akong batang tumakbo sa nanay matapos madapa at magkasugat. Alam kasi niya ang pinagdadaanan ko ngayon. Maging ang mga pinagdaanan ko bago ako tumulak papuntang America.

Punong-puno ang hapag at daig pa ang handaan sa amin kapag may piyesta. Halos lahat ng mga nais kong matikman na ulam ay nakalatag sa harap ko. Ganito ako kamahal ng pamilya ko. Kahit simple lang ang buhay, ang mahalaga mairaos ang isa sa pinakaimportanteng araw sa aming buhay, at sa buhay ko bilang anak na umuwi matapos ang ilang taon.

"Let's pray first," sabi ko. Ako ang namuno sa prayer before meal na nauwi sa isang prayer na hindi naman talaga pang hapag. "Lord, God, we glorify your name and we exalt your son Jesus Christ in the highest. We know your plans for us, and you implement them based on your will. Let all our troubles and heartaches be given remedy so that we could face a new beginning full of hope, wisdom, love, and joy...

Hanggang sa maidugtong ko nga nang pahapyaw ang mga pinagdadaanan ko. Bagaman hindi ko naibulalas yung tiyak na bagay na yun, para bang nagkaroon sila ng ideya na may problema ako. Halata sa mga noo nilang nakakunot matapos akong manalangin.

Akala ko tapos na ang prayer nang sinundan ito ng bunso kong kapatid, "We thank you Lord for these thy gifts which we are about to receive from thy bounty through Christ our Lord. Amen."

Bumulong siya sa akin pagkatapos, "Kuya, sa hinaba-haba ng prayer mo wala ka man lang nabanggit na pasasalamat sa pagkain."

"Ay, sorry."

"May pinagdadaanan ka ba anak?" tanong ni tatay.

"Wala po, tay. Masayang araw to kaya magpakabusog po tayong lahat! Enjoy!" sagot ko nang masaya na para bang wala akong pinag-pray na mabigat na bagay kanina. "Cheers tayo!" Kahit tubig lang ang laman ng baso ko maipakita ko lang na masaya ako at pilit na mabura kahit papaano sa isip nila ang mga naging laman ng prayer ko.

"O anak, kumuha ka ng mga may gata diyan. Sabi mo eh miss na miss mo na ang mga ginataang ulam."

Hinainan niya ako ng mga ulam na gusto ko. Ngunit tumanggi ako nang ipagsandok niya ako ng isang ulam.

"Bakit ayaw mo ng laing?" nagtatakang tanong niya.

"Ayoko po nay. May allergy na po yata ako sa gabi."

PLS. 4GIVE METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon